Chapter 1

27 0 2
                                    


Dali dali naman akong pumasok sa bahay at nakita kong natataranta ang mga maid namin.
Naka 10 missed call din si yaya lea hindi ko lang nasagot dahil busy sa school 4th year na kasi ako sa college at graduating kaya masyadong busy

"Yaya Lea ano pong nangyari?" Nag aalalang tanong ko kay yaya Lea

"Jusko salamat naman nandito kana Athena! Ang ate Sheila mo gustong mag pakamatay" Natatarantang sabi ni yaya lea

"Po?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni yaya kaya dali dali akong umakyat papunta sa kwarto ni ate sheila

Naabutan ko sila ko ang mga ibang katulong naming nasa kwarto at pilit pinipigilan si ate
Senesyasan ko sila na umalis muna sumunod naman sila.

Kaya kami nalang ang naiwan ni ate sa loob ng kwarto

"A—Ate Sheila.." Naiiyak na sabi ko nakita ko syang umiiyak at tinututok sa sarili ang kutsilyong hawak nya

"Athena ayaw na saakin ni Ashton.." Umiiyak na sabi niya saakin

"Ate ano ba! Wag mong ituloy yan!" Sabi ko sakanya

Wala kasi dito sila Mommy at daddy nasa canada dahil inaasikaso nila ang negosyo namin doon.

Sa akin lang kasi nag oopen si ate ng mga problema, lahat ng sekreto nya ay sinasabi niya saakin. Kaya sobrang close namin sa isa't isa

Nakapag tapos na si ate at isa na sya ngayong sikat na designer
At ang Ex Boyfriend naman nitong si Kuya Ashton, Ang susunod na magiging CEO nang sikat na kompanya rito sa pilipinas sakanila kasi ito.

"Athena.. Ayoko na" tanging sabi ni ate, magulo ang kanyang buhok at namamaga ang kanyang mga mata dahil sa pag iyak

Dahan dahan akong lumapit sakanya
At ng makalapit ay niyakap sya
Nang mahigpit niyakap niya rin naman ako pabalik

Kinuha ko ang patalim sa mga kamay niya at itinapon iyon sa hindi maabot ni ate, bago nag salita

"Don't worry ate kakausapin ko si kuya Ashton" pagpapagaan ko sa loob niya

"Talaga?" Tanong niya

"Oo naman.. Kong gusto mo ngayon na nga eh.." Biro ko sakanya

"Sige kausapin mo na sya ngayon.." Akala ko ay kuha niya ang biro ko pero di pala

"H—Ha? Ah sige ate.." Alanganing sabi ko

"Salamat athena ha? Nandito ka palagi para sakin.." Sabi niya"sana hindi nalang ako nag hanap ng iba habang nasa canada ako"umiiyak na sabi niya

"Shh, ate wag mo nang alalahanin yon, pupuntahan ko si Kuya Ashton ngayon." Pagpapatahan ko sakanya
Huminto narin sya sa pag iyak at unting unting nakatulog

Hindi na ako naka pag bihis dahil nag mamadali akong pumunta kila kuya Ashton nag pahatid din ako sa driver namin.

Nag door bell ako nang ilang beses bago nabuksan iyon ng isang katulong

"Hi po nandito po ba si Kuya Ashton?" Tanong ko rito

"Sino po sila ma'am?" Tanong nito saakin

"Ah Athena po, Athena Madrigal, kapatid ako ni Sheila Madrigal" sabi ko

"Ah sige po sasabihan ko muna si ser" sabi nito at umalis bumalik naman ito mga ilang minuto

"Mam pasok po kayo nasa may pool po si Ser, samahan ko nalang po kayo" sumunod ako kay manang

Nakita kong naliligo si kuya Ashton at may mga bote ng beer din doon sa may pool side.

Halos matulala ako habang pinapanood syang umahon galing sa pool.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon