Chapter 1

5 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay sa paligid ko. Nagsisigawan ang mga magulang ko kung kaya't umiiyak ang tatlo kong nakababatang kapatid maging ang bunso naming anim na buwan pa lang.

Pumasok ang mga magulang ko sa CR pero dinig na dinig pa rin ang palitan nila ng masasakit na salita.

Nang mapagtanto ko ang nangyayari ay agad bumuhos ang aking mga luha. Kamakailan ay napapadalas ang pagtatalo ng aking mga magulang pero pinakamatindi ngayon.

"Mama... Papa..."

Sabay-sabay ang pagpatak mga luha naming apat na magkakapatid.

Ilang minuto pa ay lumabas na sina mama at papa mula sa CR. Hindi sila nagkikibuan.

Kami naman ay humihikbi pa rin. Nakakalungkot makitang unti-unting nawawasak ang aming pamilya.

Akala ko, kagaya ng mga nakaraang away ay magkakasundo rin sina mama at papa. Pero mali ako...

Kinabukasan, nag-aalsabalutan si papa.

"Papa, aano po kayo?"

"Uuwi na tayo sa Bataan, anak."

Mula kami sa probinsya ng Bataan. Doon kami pinanganak na magkakapatid maliban sa bunso naming kapatid na pinanganak sa Makati Medical Center kung saan nagtatrabaho bilang nursing aid si papa. Noong nakaraang dalawang taon lang kami lumipat sa Taguig. Dito ko na rin pinagpatuloy ang pag-aaral ko bilang kinder 2.

Sa susunod na buwan ay maggegrade 1 na ako. Sa katapat na kanto ng tinitithan naming tenement, katabi ng malangaw na palengke ang eskwelahan na papasukan ko. Tuwing nadadaan nga kami sa palengke ay laging tinuturo ni papa 'yon. Muntik pa kasi akong hindi tanggapin bilang grade 1 dahil limang taon pa lang ako nang mag-enroll ako. Kakaanim na taon ko lang ngayong buwan. Pero dahil honor student ako at tinanggap din ako.

Naging masaya naman ang buhay namin sa Taguig kahit medyo hirap. Maliit ang bahay namin at inaanay pa ang mga kahoy lalo na sa ibaba ng lababo at pinto.

Tuwing gabi, naglalatag kami ng foam. Ang paborito kong parte ng araw ay kapag kinukwentuhan kami ni papa ng fairytale bago matulog.

Meron kaming TV pero hindi rin namin magamit dahil walang masagap na signal ang antenna. Minsan, nakikinuod kami sa kapitbahay naming nagtitinda ng yelo. Isang beses pa nga ay kinarga ko ang si Bret, ang bunso naming kapatid na anim na buwan pa lamang dahil walang magbabantay sa kanya sa bahay para lang makinuod kami sa kapitbahay. Nagtitinda kasi si mama ng lutong ulam tuwing tanghalian at hapunan kaya naiiwan kami nina Amy at Omar sa bahay.

Dahil baka magalit ang kapitbahay namin dahil may bitbit kaming baby ay umupo na lang kami sa hagdan. Ilang minuto lang noon ay umuwi na rin si papa kaya mabilis kaming tumakbo papunta sa kanya. Masaya na kami sa ganoon.

"Paano po si mama? Susunod po ba siya?"

"Maghihiwalay na kami ni mama mo, anak."

"Po? Ayoko po sumama, papa."

Noong araw ding 'yon ay umuwi na ng Bataan sina papa, Amy at Omar. Naiwan kami ni Bret at mama.

Kinabukasan, nakita kong naglalaba si mama sa tapat ng bahay.

"Sa isang linggo, babalik si papa niyo. Sumama na kayo ni Bret pauwi."

"Paano ka mama?"

Mas malapit ako kay papa kumpara kay mama. Pero hindi ako sumama kay papa dahil naaawa akong maiwan si mama na mag-isa.

"Mag-a-abroad ako."

"Sasama na lang ako sa'yo, mama."

"Bawal ang bata doon."

Abroad? Wala akong idea kung ano 'yon pero ang alam ko lang ay iiwan ako ni mama.

Noong kinagabihan ay inayos na ni mama ang mga damit namin ni Bret. Nilalaro ko na lang si Bret kahit ang totoo ay nalulungkot akong sira na ang pamilya namin.

Ilang araw lang ay bumalik si papa. Hindi sila nagkibuan ni mama hanggang sa makaalis kami. Tahimik na lang ako umalis dahil alam kong wala nang rason para manatili pa ako.

Finally, HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon