Chapter 6

1 0 0
                                    

Nasali rin ako sa Journalism noong grade 6. Bago magsummer break noong grade 5 ay isa ako sa mga sinabihan ni Ma'am Angel na magwoworkshop para sa Journalism. Walang kasiguraduhan kung mapipili ako dahil marami kaming umattend ng workshop.

Sinubukan ko lang mag-Journalism dahil sabi baka interesting nga kagaya ng kwento ni Ate Joyce.

Sa totoo lang, medyo nakakatakot si Ma'am Angel. Ang pinakanakakatakot ay ang boses niyang kapag napagalitan ka ay gugustuhin mo na lang lamunin ng lupa dahil sobrang mapapahiya ka!

Dahil magtatransfer na ng school si Alenna ay mababakante ang English feature writer. Kasalukuyan ding bakante ang Filipino feature writer.

Pinagsulat kami ni Ma'am Angel ng aming life story. Nagsulat lang akong hindi iniisip kung matatanggap ako o hindi. Okay lang, naiisip ko na rin namang hindi umattend sa susunod na linggo dahil bakasyon na bakasyon pero pag-aaral pa rin ang inaatupag ko.

"Magaling palang magsulat si Meg!"

Mula sa pagkakayuko ay napatingin ako kay Ma'am Angel. Hindi ko akalaing pupurihin niya ang akda ko.

Ayokong pinapabasa sa iba ang sulat ko o ikwento ang buhay ko dahil nahihiya ako at pakiramdam ko, may mawawalang bahagi ng pagkatao ko. At isa pa, hindi rin naman ako magaling magsulat. Marunong, oo pero hindi mahusay.

"Sige, bibigyan kita ng assignment! Ipasa mo next week. Limang taong gusto mong makita sa langit."

Dahil sa assignment ay napilitan ako pumasok nang sumunod na linggo. Hindi ko sineryoso ang pagsulat ng assignment dahil wala naman akong gustong makita sa langit.

"Ano 'to, Meg? Basura?!"

Oo, ganyan kaharsh ang bibig ni Ma'am Angel. Pero aminado naman akong basura ang sinulat kong 'yon. Kulang na lang ay ihagis sa basurahan. Dahil doon, hindi na talaga ako pumasok noong mga sumunod na linggo.

Grade 6 Filipino teacher namin si Ma'am Angel. Kahit na hindi ko tinapos ang workshop noong summer ay sinabihan pa rin niya akong sumama sa Journalism meeting pagkatapos ng klase sa hapon.

Nasa Audio Visual Room ako katabi si Jess. Kagaya noong summer ay pinagsusulat ulit kami ng article ni Ma'am Angel.

Nang mabasa niya na lahat ng entry ay simabihan kami kung napili kami bilang myembro ng Journalism o hindi.

"Meg, photojournalist ka. Marunong ka ba sa camera?"

"Hindi ko po alam."

"Sige, itetrain ka na lang. Magaling kasi ang mga caption mo."

Noong summer kasi, paglatapos mabasa ni Ma'am Angel ang basura kong article ay inilipat niya ako sa Photojournalism. Pinagcaption ako ng mga larawan. Kami ang bahalang mamili ng larawan at pagtugmain iyon upang makalikha ng kwento.

Hindi napili si Jianne kahit na tinapos niya hanggang dulo ang summer workshop kaya gano'n na lang ang inis niya sa akin. Hindi naman ako amg nagdesisyon. Pwede naman akong tumanggi pero dahil si Ma'am Angel 'yon, hindi ako makatanggi dahil talagang magagalit siya! Nakakatakot talaga si Ma'am Angel!

Nang mga sumunod na buwan ay parati kaming nagtetrain para sa District Schools Press Conference. Laging nananalo ang TPMES sa kompetisyon sa buong District 1 kaya malaki ang expectation sa amin. Nakakakaba dahil iyon ang una kong kompetisyon.

Sabay ang curricular at extracurricular activities kaya naman kailangan ng dobleng sipag at tiyaga. Gabi na ako umuuwi dahil sa training. Pagkatapos kasi ng 7 am to 4 pm na klase ay nagtetraining pa kami para sa Journalism hanggang 7 pm.

Bata pa lang ako ay magaling na ako sa time management kaya naman kahit may exam o quiz kinabukasan, nakakapasa pa rin at minsan pa ay nakakakuha ng mataas na marka.

Sa Journalism ko rin nadiskubre na magaling pala akong magsulat. 'Yon nga lang, minsan ay hindi ko alam kung tungkol saan ang isusulat.

Finally, HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon