SIMULA

8 2 3
                                    

There was a girl.

A lost Elite, was sent into an institution for kids like her.

Her mental powers are more powerful than others, she's an elite!

And elites like her are treated like gods because of their capability to manipulate all sorts of stuffs.

Nature.

Even technology.

Before, everyone treated her like she was absolutely weak.

Everyone underestimates her ability but not now.

She was an orphan until she was found by the secret institution.

An institute for kids even adults like her that are still learning about their true powers.

Meet Janelle Sanchez. The last Royalty of Meladonia.

She was the last Elite of her kind.

***


The Dawn of Maledonia, 3940

"Magsilabas na kayo!" Sigaw ng isang sundalong Malen. Nagsilabas lahat ng tao sa loob ng palasyo kasama ang kanilang mga maleta. Lumalakas na ang pwersa ng mga Hydra.

Magmula nung alitan ng hari sa Hydra at Maledonia ay mas lalong naging madilim at delekado ang taong yun. Kalahati sa populasyon ng Maledonia ay nalagas at ganun din sa Hydra. Matapos ng isang taong di pagkakaintindihan ay umusbong na ang digmaan sa pagitan ng Maledonia at Hydra.

"Pabagsakin sila!" Sigaw ni Capitan Sanchez na siyang punong sundalo sa hukbo lawin. Siya ang naatasang mamuno sa hukbo ng palasyo." Sugod!" Sigaw ni Capitan Sanchez. Sumugod sila sa mga lalaking nakadamit na itim na may pulang logo sa likod. Agad nagpaputok ang kabilang kampo at pinatay isa-isa ang mga sundalong tanging hinahangad ay kapayapaan. Agad nakapagtago sa isang poste ni si Capitan Sanchez at matagumpay na mailagan lahat ng bala. Kinuha niya ang telepono sa kaniyang bulsa at tinawagan ang kaniyang kabaro.

"Poncho!" Pagtawag sa pangalan ng kaibigan. Napaubo naman si Poncho ng marinig ang boses ng kaibigan. Paos at hingal na ang boses nito kakasigaw.

"Sebbe? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Poncho sa kaibigan. Hindi agad nakasagot si Sebbe dahil may sumabog sa mismong likuran ng posteng kinatataguan niya dahilan para tumilapon siya. Napagapang siya sa sahig at pinilit abutin ang telepono. May malaking tama ang kaniyang tagiliran niya at nais lang niyang makausap ang kaibigang si Poncho.

"P-poncho! Itakas mo na si...Prinsesa Valeria." Hingal at mahinang saad ni Sebbe. May idudugtong pa sana si Sebbe ngunit tinamaan ang kaniyang ulo ng semento mula sa poste dahilan para mabagok ang heneral.

"Sebbe?! Sebbe. Sebbe!" Nag-aalalang sabi ni Poncho. Di na nakapagsalita si Poncho at dali-daling tumakbo patungo sa kwarto ng reyna. Binuksan ni Poncho ang pinto at nakita niya si Prinsesa Valeria na abala sa pag-eempake ng bagahe. Bumaba siya sa higaan at dinampot ang sanggol na umiiyak dahil sa magulong ingay sa labas.

"Poncho! Kamusta ang asawa ko? Kamusta si Sebbe?" Tanong ni Prinsesa Valeria sa kaibigan ng kaniyang asawa. Umiling-iling si Poncho sa prinsesa na indikasyon na may masamang nangyari sa asawa nito. Napayakap ng mahigpit si Valeria sa anak nitong di maawat ang kakaiyak. Kailangan na nilang umalis ngunit naistatwa sa kabilang sulok si Valeria at parang gusto na nitong magpakamatay dahil papalapit na ang mga hydra sa palasyo.

The Last EliteWhere stories live. Discover now