Breaking news!
Mahigit apat ang namatay sa pagsabog na nangyari sa Tepente ng Pampon. Dalawang guardia at dalawang inmate. Isang lalaki at isang babae. Nakita ang kanilang lasog-lasog at sunog na katawan sa mismong gusali. Hinahanap pa sa ngayon ang mga posibleng suspek sa krimeng ito, sinasabing sinadya ang pagsabog at magpahanggang sa ngayon ay pinag-aaralan pa kung konektado ba ito sa rebelyon o hindi.
Napatigil si Angie sa pagkain ng sopas ng marinig ang balita sa maliit nitong telebesyon. Nandito siya ngayon sa ilalim ng tulay nakatira, malapit sa estasyon ng tren. Di akalain ni Angie na mamatay ang kaibigan ng ganoon nalang. Di niya namalayan na nahulog niya ang kaniyang kinakain na sopas dahil sa pagkabigla.
"Nabigo ako!" Hagolhul na iyak ni Angie. Sa susunod na araw na sana niya dadalawin si Janelle ngunit huli na ang lahat para sa kaniya. Nakahanda narin sana ang perang ipapyansa sana sa kaibigan kaso mukhang di na umabot. Ilang araw siyang nagpursigi para sana sa paglaya ng kaibigan ngunit wala na ang lahat ng kaniyang pinangarap para sa kapamilya." Patawad Janelle." Dinampot ni Angie ang mangkok na pinalgyan ng sopas niya at inilagay sa lababo. Di niya lubos akalaing mag-isa na siya ngayon. Sa ilang taon niyang naging ulila at palaboy ay nakahanap siya ng pagmamahal at pag-aruga na parang pamilya kay Janelle, pero mukhang biglaang naglaho yun lahat.
"Angie! Tao po!" Sigaw ng isang binatilyo sa ilalim ng tulay. Agad pinunasan ni angie ang luha sa mata nito at pinunasan ang natapong sopas sa sahig. Lumabas siya sa barong-baro at hinanap ang tinig na kaniyang narinig. Nakita niya si Joaquin na may dalang isang sakong mais para sa kaniya. Si Joaquin ay isang kargador ng Garding ni Paterno Veltrex. Isang sikat na negosyante. Madalas silang magkita ni angie ngunit di rin ito nagtatagal." Oh nandito na yung garding mo!" Masayang saad nito ngunit agad namang napalitan ang ngiti niya ng makitang malungkot si Angie." Mukhang may nangyari? Anong problema?" Usisa nito. Di na sumagot si Angie at Ibinigay kay Joaquin ang paunang bayad nito. Malugod na tinanggap ni Joaquin ang bayad pero di parin maalis sa binata ang pag-aalala kay Angie.
"Anong ba talaga ang nangyari? Okay ka lang?" Usisa ulit nito. Sa puntong iyon tiningnan ni Angie is Joaquin na may lungkot at kirot sa mata. Gusto niyang sabihin lahat ng hinanakit niya pero natatakot siyang mabalewala. Ayaw niya ng ganun, ayaw niyang maiwan ulit.
"Joaquin, pwede bang samahan mo ako ngayong gabi." Malumanay na saad ni Angie. Nababahiran ng lungkot ang tono nito. Walang nagawa ang binata kundi ang tumugon sa gusto ng dalaga, pagkat naging malapit na rin sa puso niya si angie dahil sa tagal ng kanilang pinagsamahan.
***
Saragoza Institute for Peculiar Individuals.
"You are Vanessa Sanchez. The lost Princess, the Last Elite of Maledonia." Bulgar ni Lady Veronica. Di naman naniwala si Janelle sa pinagsasabi ng matanda dahil minsan narin siyang nauto nito. Agad namang pumasok sa isipan niya ang planong saktan ang matanda ngunit wala siyang kahit na anong gamit para gawin ito." Alam kong malaki ang galit mo sa akin, ngunit kailangan mong makinig. Inorder to survive you must listen. Tara, sundan mo 'ko." Dagdag pa ng matanda. Napadugtong naman ang kilay ni Janelle dahil sa pagtataka. Baka ang matandang ito ang magiging susi sa totoong pagkatao ng binibini.
Sumunod si Janelle sa babae na humakbang papalayo sa kaniya. Lumabas sila sa kwarto at naglakad papunta sa mahabang pasilyo ng gusali. Madaming mga larawang magaganda at naglalakihan. Meron ding mga muwebles na gawa sa klase-klaseng mga batong mamahalin. At ang bagay na umagaw sa kaniya ng pansin ay ang ulo ng tao sa nakalambitin sa kisame. Bigla naman siyang kinalibutan dahil mukhang sariwa pa ito.
YOU ARE READING
The Last Elite
FantasyThere was a girl. A lost Elite, was sent into an institution for kids like her. Her mental powers are more powerful than others, she's an elite! And elites like her are treated like gods because of their capability to manipulate all sorts of stuffs...