Unang taon pa lamang ni Sarah sa kolehiyo samantalang nasa ikalawang taon naman si Mike sa parehong unibersidad nang dumalo sila sa isang seminar para sa mga estudyante ng Business Administration na kursong kanilang parehong kinukuha, Kung saan din sila'y unang magkakilala.
"Miss may nakaupo na ba dito?" - tanong ni Mike. "Ah uhm wala" - nahihiyang sabi ni Sarah
"Dito nalang ako ah kung okay lang, Mike nga pala" "Haha ok sige, I'm Sarah"
"Freshman ka?" - Mike
"Oo, ikaw?" - Sarah
"Second year" - Mike
"MIKE! ano ka ba kanina pa kita iniintay dun sa labas akala ko naman wala ka pa nauna ka na pala dito" - Geraldine
"Ah sarah si Geraldine nga pala friend ko" - Mike
"Hi Sarah" - Geraldine
"Hi" - Sarah
"Freshman?" pabulong na tinanong ni Geraldine kay Mike. Siyang tungo naman ni Mike pag tugon nito.
"Ikaw ah" panunukso niya kay mike
"Nakikipagkaibigan lang eh ikaw talaga" sagot ni mike. Nang magsisimula na ang seminar ay dumating na rin ang iba pang mga kaibigan nila Mike na sila Justine at Harold at ipinakilala din naman nila ito kay Sarah.Wala pang mga kaibigan si Sarah ng mga panahong iyon kaya ng matapos ang seminar ay niyaya siya ni Mike na sumama sa kanilang magkakaibigan upang kumain.
Tuwang tuwa si Sarah sa kanilang samahan at ninais niyang maging kaibigan ang mga ito subalit alam niyang ito'y imposible, laking panghihinayang rin niya na hindi na niya ulit sila makakasama ng matapos ang seminar na iyon dahil ahead sila ng isang taon sa kanya.
Lumipas ang ilang buwan at nakahanap din si Sarah ng mga kaibigan. Si Rachel, Jessie, Caroline, at James. Naging pinaka malapit siya kay James at tinuring nila na bestfriend ang isat isa. Naging maganda ang kanilang pagkakaibigan, palaging magkakasama ang lima tuwing pagtapos ng kanilang klase. Lumipas ang isang school year at second year na sila. Hindi akalain ni Sarah na ganun lamang kabilis natapos ang school year na yun.
Habang tumatagal ay lumalalim din ang kanilang pagkakaibigan ni James at hindi namalayan ni Sarah na siya pala ay nahuhulog na sa kanyang best friend. Dahil na rin sa hindi maipaliwanag na pagiging sweet at caring ni James sa kanya. Akala rin ng marami ay mag boyfriend girlfriend ang dalawa dahil sa araw araw ay sila parati ang magkasama.
Habang nagreresearch ang dalawa sa library ay may napansin si James.
"Bestfriend, kilala mo si Antonette?" - James
"oo classmate ko sa isang minor subject, bakit?" - Sarah
"May chat pala siya saken nung pasko "Merry Christmas" di ko nareplyan, di ko kasi siya kilala e" - James
"Bakit naman siya babati sayo ng Merry Christmas eh kagaya nga ng sinabi mo, di naman kayo magkakilala"- Sarah
"Ako nga kilala niya hindi ako binati" - Sarah
"Replyan ko nga" - James
"Isang buwan na nakakalipas oh ano sasabihin mo Merry Christmas din? tsss Bahala ka" - Sarah
Agad namang tumayo si Sarah at nagpaalam na uuwi na ito.
"Uwi na ko wala na akong klase" - Sarah
"Sige" - JamesSarah POV
Ano yun nag Merry Christmas lang sa kanya type na niya agad?! Grabe ! Magsama silang dalawa pareho silang malandi hmp!Messenger
James: Nagreply siya !
Sarah: Sino?
James: Si Antonette!!!
Sarah: Ano naman ngayon?
James: ligawan ko kaya?
Sarah: Agad agad???
James: Ano masama wala naman akong girlfriend.
Akala pala niya girlfriend kita, inexplain ko naman na mag bestfriend lang tayo.
Sarah: hahaha 😂
Sarah POV: akala ko rin e, at kung akala pala niyang may girlfriend si James bakit siya magmemessage sa hindi personally kilala. Hindi naman siya malandi masyado.
James: Ano bes okay lang ba ligawan ko siya?
Sarah: Bakit ka nagpapaalam saken di mo naman ako girlfriend. Bahala ka.
James: Sungit, wag ka magalit bes nagtatanong lang ako baka di mo siya gusto para saken
Sarah: Alam mo gusto ko man siya para sayo o hindi, di naman magmamatter dahil ikaw ang makikisama sa kanya hindi ako.
James: eh syempre bestfriend kita kailangan ko ng opinion mo.
Sarah: Bahala ka nga ikaw ang bahala. Sige na matutulog na ko.
James: Good night bes sweet dreams.
YOU ARE READING
Regret hurts more than Rejection
Short StorySometimes what you want is right in front of you. All you have to do is open your eyes and see it.