"Thank you dito grabe nakakahiya, pasok ka" - Sarah
"Hindi na, dinala ko lang iyan at saka may sasabihin lang sana ako" sagot ni Mike.
"Ano yun?" - SarahIsang oras na sila nakatayo sa labas ngunit hindi nito masabi sabi ang gustong aminin. Maging si Sarah ay kinakabahan sa kung anong sasabihin ni Mike sa kanya kaya naman ay pinilit niya na itong magsalita at nangakong hindi magagalit kahit ano man ang kanyang malaman.
"Gusto kita" kabang kaba na sinabi ni Mike. Hindi naman makapaniwala si Sarah sa kanyang narinig at wala siyang ibang nasabi kundi "Ha?!"
"Ano nabingi ka?" pagbibiro ni Mike.
Agad naman niyang inabot ang sing sing kay Sarah na kung isusuot daw niya ito ay ibig sabihin pumapayag siyang ligawan ni Mike. Umuwi na rin siya nang makapag tapat at maiabot ang sing sing. Gulat na gulat si Sarah sa kanyang nalaman dahil hindi niya akalain na ganun na pala ang pagtingin sa kanya ni Mike. Agad na tinawagan ni Sarah ang isa sa malapit nilang kaibigan na si Jessie at kinuwento ang nangyari. Pinagtapat niya kay Jessie na kaibigan lamang ang tingin nito at ayaw niya masaktan si Mike kung hindi niya ito bibigyan ng pagasa ngunit ayaw din niya paasahin ito sa wala.First day of school after christmas break
Mike POV
Sinuot niya kaya yung singsing? Willing naman ako magintay kahit gaano katagal. Pero paano kung ayaw pala niya baka iwasan niya ako. Hay bahala na ginusto mo yan e harapin mo.Agad na nilapitan ni Mike si Sarah pagkakita niya rito na nakaupo sa library. Una niyang tiningnan kung suot na ba ni Sarah ang sing sing. Sa kasamaang palad ay hindi ito suot ni Sarah.
"Gawa mo?" - Mike
"Wala naman nagbabasa lang" - Sarah
Alam ni Mike na may nagbago sa pakikitungo sa kanya ni Sarah bigla nalang ito naging malamig na tila nahihiyang kausapin siya.Naghahanap ng lakas ng loob si Sarah na maibalik ang sing sing at tapatin si Mike ngunit hindi niya ito magawa sa takot na masaktan ang kaibigan, hanggang sa lumipas na ang isang buwan at naghihintay pa rin ng sagot sa kanya si Mike. Sa tinagal na hindi niya ito maamin ay nawala ang sing sing sa kanyang pinaglalagyan. Suspetya niya ay kinuha ito ng kanilang yaya dahil bukod sa kanya ay ito lamang ang nakakapasok sa kanyang kwarto. Sinabi ni Sarah ang nangyaring pagkawala ng sing sing at nag sorry sa hindi pagiingat rito, hndi nagalit si Mike at naintindihan ang nangyari. Ngunit di pa rin maamin ni Sarah na kaibigan lamang ang tingin nito sa kanya. Hanggang sa ang mga kaibigan na nila ang nagtapat kay Mike ng hindi kayang sabihin ni Sarah. Pero di pa rin nawawalan ng pagasa si Mike na balang araw ay magugustuhan din siya ni Sarah.
At School Lounge
"Sarah si James oh bakit parang malungkot ata" - Caroline
"Nako hayaan mo siya" - SarahNapansin naman ni Mike na tila nagaalala rin si Sarah kahit sinabi nito na pabayaan nalang ang dating kaibigan. Halata sa mga mata neto na parang gusto niya itong lapitan at kausapin.
"Problema mo?" - Caroline
"Wala na kami" - James
Agad naman tumayo si Sarah at nilapitan si James di rin niya napigilan at gusto niya icomfort ang dating best friend.
"Okay lang yan andito pa naman kami" - Sarah
"Sarah halika ka na iniintay na tayo nila Jess" - Mike
"Ikaw na bahala sa kanya Carol sunod ka nalang samen pag ok na siya" - Sarah
"Sige una na kayo susunod ako" - CarolineAt the Cafe
"Bakit ang tagal niyo?" - Jessie
"Nasaan si carol?" - Rachel
"Nasa school pa kasama si James" - Mike
"AT BAKIT?"- Jessie
"Broken hearted" - Sarah
"Karma" - Jessie
"Nagorder na kayo?" - Mike
"Iniintay nga namin kayo e, ano oorder na ba tayo paano si carol?" - Rachel
"Chat ko iorder nalang natin siya" - SarahMessenger
Sarah: Ano order mo iorder ka na namin
Carol: The usual
Pwede ko ba isama si James pag sunod ko?
"Pwede daw ba isama si James dito?" - tanong ni Sarah sa mga kaibigan
"Ikaw okay lang ba sayo?"- Jessie
"Kayo? saken walang kaso" - Sarah
"Sige na papuntahin niyo na baka umiyak" - Rachel
YOU ARE READING
Regret hurts more than Rejection
Short StorySometimes what you want is right in front of you. All you have to do is open your eyes and see it.