March 26, 2020
The Day I Saw His Picture"What a tiring day!!"
Sambit ko ng makapasok ako sa aking kwarto. Sandali akong napahiga sa aking kama, at napatitig na lamang sa kisame."Kamusta kaya yung grades ko ngayong final quarter?"
Tanong ko sa aking sarili at ipinikit na lamang ang aking mga mata.
Sandaling pumasok sa isip ko ang kakatapos lang namin na exam. First week pa lang ng March ay tapos na ang exam naming mga nasa honor's class, tapos na rin yung mga projects namin, tanging announcing of rankings na lang ang kulang.
Haysstt....Kamusta kaya yung grades ko?
Hindi ko talaga maiwasan na hindi isipin.
"Ginawa ko naman yung best ko eh!" I shouted as I'm trying to convince myself.
Tumayo naman ako sa aking kama at lumapit sa aking study table kung saan nakapatong ang aking cellphone.
I opened my Facebook app and started scrolling up and down.
"Ang boring naman ng feed ko!" angal ko ngunit patuloy parin ako sa pag'scroll.
A few minutes past, click here, click there, panay shared post at talagang wala akong nakikitang muk----
"HALA!!!"
I shouted as I saw a picture. Bigla na lamang akong napangiti and I don't know why!!!Eh mukha lang naman ng isang tao to! Pero.... napapangiti parin ako eh!! HAHAHAHAHA!
Isang lalake yung nasa picture, he changed his profile picture at talagang maaagaw ng atensyon mo yung picture nya. He's smiling, at kitang-kita mo sa mapupungay nyang mga mata kung gaano sya kasaya. He's handsome....
I used to click his photo, and started zooming in.
Ang ganda ng labi nya, pulang-pula......Parang ang lambot nitong hali----
"BAD!" saway ko sa sarili ko at napatawa na lamang ng malakas. Para na akong nasisiraan ng ulo dito!HAHAHAHAHAHA!
"Pero, para syang bakla..." I murmured while my lips still curving,and forming a smile.
Out of curiosity I visited his timeline.
Wala rin akong maalala na may in'add akong ganitong mukha, at wala rin akong maalala na may in'accept ako! So, who's this guy?
"Andy Fuentes,hhmmm..." I murmured his name and for the second time, I click his photo and started zooming in again.
Ano ba tong ginagawa ko?
I zoom it out and I was about to scroll down to his timeline ng bigla kong makita ang status nya
"In a relationship with *****"
"OUCH!"
"Taken pala, may pakilig-kilig pa akong nalalaman" sambit ko at napasimangot na lamang.
Agad ko namang nilisan ang timeline nya, at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na i'save lahat ng pictures nya dito sa cellphone ko, taken pa naman.....Sayang.
Pero, aleast! Confirmed!
DI SYA BAKLA!
YOU ARE READING
10 Days With The Ghost
Teen FictionWARNING!!!! Mahalagang paalala, ang kwentong ito ay para lamang sa mga biktima ng ghosting at hindi para sa mga ghoster!!!! Pero kung ika'y isang ghoster, na napadpad dito...Basahin mo na lang! Sa panahon ngayon, mga multo'y pagala-gala. Walang awa...