UNKNOWN

31 9 2
                                    

Nakaupo at tinatanaw ko ang labas ng aming bahay. Tanaw na tanaw ko ang papalubog na araw at okupado na daan sa labas.

"Dadaan na naman sya ngayon" sambit ko at ngumisi. Tumingin ako sa maliit na salamin na hawak ko. Napasimangot ako ng makitang namumutla na naman ako, kahit sobrang puti ay mahahalatang maputla ako. Kinuha ko agad ang liptint at nilagyan ang aking labi.

Nakatukod ang aking kamay sa aking baba habang minamasdang mabuti ang labas.

"Antagal naman nya" reklamo ko sa kawalan. Ngunit alam kong kahit anong reklamo ko dito ay hindi nya pa rin maririnig.

Ngunit lumipas na lamang ang gabi ay hindi pa rin sya dumaan. Nagreklamo na rin si Mama na magpahinga na raw ako kasi gabi na. Kaya kahit nagtatampo ako ay sinunod ko pa rin si mama. Natulog akong hindi ko sya nakita. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na hindi sya dumaan sa labas ng bahay, ngunit nakakapaghinayang lang.

Kinabukasan, pagsapit ng hapon ay nakatunganga na naman ako sa kwarto ko at nakatingin sa labas, tinatanaw ang mga taong bisi sa paglalakad sa kalsada, syempre may inaabangan rin ako.

Agad na lumatay ang maliit na ngisi sa aking labi ng makita ang pamilyar na sapatos. Hindi ko pa kita ang katawan at mukha nya kasi natatabunan iyon ng sanga ng puno sa bakuran ng aming kapitbahay. Sapatos palang ay alam kong siya na yun.

Mas lumaki ang aking ngisi ng tuluyan kong makompirma na sya nga. Matangkad, maputi na halos magkasing puti ng suot nyang uniporme, matangos ang ilong, may katamtamang liit ng mata, medyo makapal na kilay at naghuhugis rectanggulo ang mga labi pag ngumingisi, prenteng naglalakad ang lalaking tinatanaw ko ngayon. Walang makakapantay sa sayang nararamdaman ko ngayon.

Tinatanaw ko pa rin sya habang nasa baba ko pa rin ang dalawang kamay ko. Dinadamdam ang nakakaayang tanawin sa labas. Araw araw talaga ay nadadagdagan ang nararamdaman ko sakanya.

"Ang guwapo talaga" bulong ko na naman sa kawalan.

"Uy Terrence! Kumusta?" rinig kong sambit ni Mang Ben. Kausap nya si Terrence na agad namang ngumisi sakanya.

"Wag ka ngang ngumisi ng ganyan, dagdag points ka na naman sakin nyan eh!"

Tumingin ulit ako sa naglalakad na si Terrence. Nasa unahan na sya ng bahay namin kay mayamaya ay hindi ko na naman sya matatanaw.

Gamit ang daliri, hinahaplos ko ang likod nya sa ere, iyong parang nasa malayo sya pero parang hawak ko sya gamit ang daliri ko.

Ngunit namilog agad ang mga mata ko ng sa isang iglap ay umikot sya at tinatanaw na ako, hindi ako nakareact. Naiwang bukas ang bibig ko at naiwan rin sa ere ang kamay ko. Pero ng makaisang kurap ako ay agad akong umupo at nagtago sa pader ng kwarto ko.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog.

"Nakita nya kaya ako?" tanong ko. Hinayhinay akong sumilip at nakahinga ako ng maluwag ng nakita ko syang nagpatuloy sa paglalakad. Siguroy guniguni ko lang iyon, sa iba siguro sya nakatingin at hindi sa akin.

Mahigit isang taon na siguro mula noong una ko syang nakita at pinagmamasdan sa malayo. Una ko syang nakita ng kausap nya ang mga bata sa harap ng bahay namin. Bukod kasi sa gwapo sya ay mabait rin siguro. Iyon ang nakikita ko base sa interaksyon nya sa mga taga rito.

Kinabukasan ulit ay nakita ko ulit ang mga ngisi nya, ngising nakakaakit. How can he be this handsome?

Buong linggo ko ulit syang minamasdan mula sa malayo. Nagiging masaya na rin ako sa pagtanaw ko sakanya sa malayo, nakakalimutan ko na ang sariling problema ko dahil sakanya. Isa lang naman talaga ang pangarap ko eh, ang magkausap kami at kantahan nya ako, kahit pagkatapos nun ay pwede na akong mamatay.

One-SidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon