Dear John,
Isang taon na ang nakalipas at hindi ka parin nagrerespond sa mga sulat ko. Wala rin akong balita kung kumusta kana nga ba. Hindi ko maiwasang mag-alala pero hindi ko rin maalis sa isipan ko na baka nalimutan mo na ako. Siguro ay mas masaya ka na ngayon ng wala na ako na lagi mong alagain noon. Hindi ko alam kong dapat ko parin bang ituloy ang pagsulat ko sayo gayong hindi ko namn nasisigurong tama pa ba ang ginagwa ko.
Malapit na ang kaarawan mo, gustuhin man kitang sorpresahin gaya noon ay hindi ko na magagawa pa dahil kahit ang kinaroroonan mo ay hindi ko alam. Nakakatawa noon ay saakin ka hinahanap palagi ng mga tao dahil kahit hindi ko sinasadya or di ko tiyak pag sanbi kong baka anun ka sa isang lugar ay nagtutugma namn. Lagi nilang sinasbi na kilalang kilala na kita at pati kilos mo ay kabisado ko na. Masyado akong natuwa sa kaisipang iyon, pero mali sila. Hindi pa talaga kita ganoon ka kilala dahil ang nakikita ko lang ay ang mga bagay na gusto mong ipakita sa akin. Masyado siguro talaga kitang mahal kaya't ni minsan ay hindi ko kinuwestyon ang mga kilos mo at ang mga bagay na ipinipakita mo. Habang nagbabalik tanaw saka ko napagtanto na masyadong masaya ang nararamdaman ko ng mga panahong magkasama tayo kaya hindi ko namamalayan kung may mga bagay ba akong dapat pagdudahan o kung ano man. You're just that ideal boyfriend that i have and i dont have anything to ask for.
Lagi mong sinasabi na marami pang kulang sayo na dapat mong i-improve, sign na siguro yun na hindi kana kontento sa kung ano man ang meron tayo or sa takbo ng buhay mo. Pero hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin yun ang lagi ko lang sagot sayo " Just stay the way you are right now" without even considering your true feelings. As days pass by andami kong tanong, mga ala-alang bumabalik na gusto kong mabigyang linaw. Pero wala kana, na laging nagpapaliwanag at nagbibigay linaw sa mga bagay bagay na hindi ko maintindihan. Ikaw rin ang laging nagpapalawak ng point of view ko sa mga sitwasyong mahirap tanggapin para sakin. Ngayon hindi ko na alam kung san magsisimula, kung anong pananaw ba ang dapat kong sundan. Masyado akong nakadepende sayo kaya simula ng mawala ka ay parang tumigil narin ang buhay ko.
Nasaan ka na nga ba? Hindi mo ba talaga pwedeng ipaalam sakin ang kalagayan mo? Wala naba talaga akong karapatan at puwang sa buhay mo? Kahit isang beses lang ay sana sagutin mo ako, kahit isang tanong lang ay sana sagutin mo. Sabihin mo namn sakin kung mahal mo paba ako o kung minahal mo ba talaga ako.
- JANE
BINABASA MO ANG
Dear John
Short StoryNaranasan mo naba ang maghintay? Ang umasa sa isang bagay na walang kasiguraduhan? Hanggang kailan mo kakayaning mag-antay? Paano kung isang araw pag-gising mo ay wala kana palang aantayin?