1

186 2 1
                                    



Agnes POV

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw. Natulala na lang ako at napaisip.

Hay. Panibagong araw na naman 'to para isurvive ang kalokohan ko. Nakakapagod yung routine ko everyday pero iniisip ko na lang na maswerte pa rin ako. Maya-maya kumilos na ako at paalis na sana nang bigla akong makarecieve ng text.

"Good morning, Love! Otw kana ba? Ingat ka. Papasok na rin ako. 'Wag kalimutan kumain ha at baka atakihin ka na naman. See you later. I love you always"

Napabuntong hininga na lang ako at lumakad na papuntang parking lot. Maya maya nakarating na rin ako sa office by 8:43. Medyo napa-aga ako para sa 10 AM na meeting kaya naisipan ko munang tumambay sa coffee shop malapit sa office.

Nang makapasok ako sa shop, malayo pa lang pero nakita ko na agad siya. Seryosong nagbabasa ng libro habang may coffee at cake sa mesa niya.

Kinabahan ako bigla, dahil bigla rin siyang lumingon at nagtama ang mata namin kaya dumiretso na rin ako.

After how many seconds tinawag na rin ako ng barista at naghanap na ako ng mauupuan pero nag-tama ulit ang mata namin at nagulat ako ng tawagin niya ako kaya lumapit na rin ako. Gusto ko rin naman 'to kaya sige.

Pagdating ko sa table niya napansin ko na nakalapag at nakasara na yung libro niya. How come na natigil siya magbasa ng libro eh ako lang naman 'to. Napansin niya sigurong nakatingin lang ako sa libro niya kaya tinapat niya yung kamay niya sa mukha ko sabay sabing "kaya today?" Bigla naman siyang tumawa. Hay ang cute naman nito. Paano ko titiisin 'to?

"Dito ka na lang umupo para parehas tayong hindi mag-isa." Tapos tumawa siya kaya ngumiti rin ako at umupo.

Hindi ko alam kung paano ako makikipagusap sakanya after ng mga nangyari pero i guess kailangan ko itong harapin. Kasi kung hindi, kailan pa?

"Kamusta ka?" Panimula niya habang nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko. Bigla naman akong na conscious at umiwas ng tingin.

Ok naman, Kinakaya. Medyo stress lang din daming deadlines eh.

"Mukha ngang busy ka bihira kitang makita lumabas kapag lunch or merienda eh. Hindi kaba nila tinutulungan? Gusto mo pabawasan ko yung tasks mo or ipalipat kita ng team kay Dad?" Sunod sunod niyang tanong.

"O gusto mo ako?" Dugtog niya habang humihigop ako ng coffee kaya bigla kong nasamid.

"Hala affected. Siguro gusto mo talaga ako." Sabi niya habang tumatawa siya at nawawala na yung mata. Natawa tuloy ako.

Dami mo naman tanong. Kalma, isa lang ako. Pero to answer your question, tinutulungan naman nila ako. Hindi mo din kailangang pabawasan yung tasks ko or ipalipat. Kaya ko pa naman.

Tumingin ako sakanya at napansin kong nakasimangot siya.

O bakit ka nakasimangot?

"Hindi mo sinagot yung huling tanong. Ang daya mo talaga." Habang nakasimangot pa rin siya kaya natawa ako ng bahagya. Ang cute niya talaga.

Diba napagusapan na natin 'to?

"Sabi ko nga biro lang." She pouted.

Ikaw kamusta ka? Balik ko naman ng tanong sakanya.

"Gusto mo ba talagang malaman?" Nabigla ako sa tanong niya kaya napatingin ako sakanya pero umiwas sya ng tingin.

Ikaw, kung ano yung gusto mong malaman ko.

"Joke lang. Ok lang din naman ako. Kinakaya ko pa din."

Good to hear. Let me know kung ano yung pwede kong maitulong kung nahihirapan ka on something. Willing pa rin naman akong tumulong.

"Alam mo naman kung ano yung kailangan ko pero hindi mo binibigay."

Ito na naman siya kaya tinignan ko siya to warn her. Ngumiti ulit siya pero gaya kanina alam kong pilit.

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa work pero bigla rin kaming natahimik sa hindi malamang dahilan. Tahimik lang kaming dalawa at nagpapakiramdaman. Somehow this silence is comforting pero alam kong gusto niyang magsalita at magkwento pero pinipigilan niya.

Maya maya tumunog yung cellphone niya kaya nataranta siyang kinalkal yung bag niya. Natawa pa ako nung hndi niya makita. Makalat na naman siguro bag niya.

"O ano? Saan kana? Nandito pa ako. Im with Agnes."

"Luka luka ka talaga. Bilisan mo na dito kita hihintayin."

"Sige. Bye!" Nakita kong ibinaba na niya yung phone niya kaya naghanda na din akong magpaalam.

Uy, mauna na ako. Ok lang ba? May dadaanan pa kasi ako sa kabilang department.

"Matagal kanang nauna." Bigla naman siyang tumawa.

"Joke lang ulit wag ka sana magalit." Kaya ngumiti na lang ako.

Thank you, Pat. Namiss ko 'to. Hindi ko alam kung tama ba yung huli kong sinabi pero gusto ko talagang sabihin yun sakanya kaya hindi ko na pinigilan yung sarili ko.

"Ikaw kasi eh iniwan mo ako." Tumawa siya pero alam kong may lungkot sa mga mata niya. Ngumiti lang ako. Kung alam mo lang, Pat. Kung alam mo lang. Sabi ko na lang sa isip ko.

Naglakad na ako palabas kahit wala naman talaga akong dadaanan. Noong paglabas ko ng elevator sa office biglang nagvibrate yung phone ko at nakita ko nagtext ulit sya. Hindi nga pala ako nagreply kanina.

"Let's meet after work. I want to see you. Baka pagod kana, ako na magdrive for you. Please take care, I love you so much."

Nagreply naman ako.

Hi! Ok lang naman kahit hindi. I'm good pero ikaw bahala. Ingat din!

Pagkasend ko dumiretso na ako sa table ko at nakita ko na din na papasok na si Pat kasama si Nicole. Sumenyas naman sila na pasok na daw sa conference room kaya kumilos na rin ako.

Medyo naging mahaba yung meeting at kung suswertehin nga naman ipinadadala ako sa isang conference at out of the country pa. Don't get me wrong pero madalas mas gusto ko yun kasi atleast kahit papaano nakakaalis ako tapos sagot pa nila lahat. Minsan mas pagod nga lang dahil puro byahe. Buti na lang din si Alex yung partner ko sa project so kami yung magsasama. Medyo kinabahan nga ako kanina nung tatawagin na kung sino partner ko sa project. Kasi kung si Pat yun... Hindi ko na talaga alam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Conquering What If'sWhere stories live. Discover now