89 - ENOUGH

356 5 3
                                    

MADDIE POV

Nagising ako na masakit ang ulo. Kung alam ko lang na ganito kasakit, hindi na sana ako uminom. At hindi na rin ako uulit.

Kaya naman napapikit ako at pabagsak na napahiga ulit sa bed. Pero biglang may nahagilap na amoy ang ilong ko. It smells like coffee.

Kaya napamulat ako para hanapin ang pinagmulan nito.

PONGS: "Bumangon ka na diyan, inumin mo na ito para mawala yang hangover mo."

Bago pa man ako makatingin sa direksiyon niya ay nakasalita na ito. Kaya naman bumangon ako at naupo sa tabi ng bed.

Napaangat ako ng tingin, it was Ponggay.

"What a morning. Ang ganda ng sumalubong sa umaga ko. Halikan ko kaya to?" usal ng isip ko

Kinuha niya ang tasa at iniabot sa akin.

MADDIE: "Thanks."

Kinuha ko ito and started sipping it.

MADDIE: "Ikaw nagtimpla?"

Wika ko to start a conversation. Nakaka awkward kasi ang namamagitang katahimikan.

PONGS: "Hindi pa ako nasisiraan ng bait para ipagtimpla ka. Kung ako ang gumawa niyan, malamang bumubula na ang bibig mo ngayon."

Bigla ako natawa sa sinabi niya. Hindi ko napigilan ang sarili na matawa na ng tuluyan.

She sounds just like the Ponggay I know. Hindi ko alam, gaano na katagal mula nang marinig ko siyang ganyan makipag-usap sa akin.

And I definitely miss those times that we are bantering that way. Yung mga panahon na nakakasama ko siya at nakakaaway. Yung mga araw na nagbabangayan kami at nagsasagutan.

PONGS: "Tawang tawa lang Madayag?"

Nakataas pa ang ang isang kilay niya na animo'y tinatarayan ako.

MADDIE: "Hahaha. Red days mo ba? Ang sungit mo eh."

Pang-aasar ko sa kanya. Okay na yung ganito kami ngayon kaysa naman yung hindi kami nagkikibuan. Nakaka akward kapag tahimik lang siya.

PONGS: "Pwede ba sa susunod kung maglalasing ka, huwag kang uuwi dito para hindi nila ako gagawing katulong mo."

Pagmamaktol niya at panenermon.

MADDIE: "Ang ganda naman pala ng katulong ko. Dahil diyan, tataasan ko ang sahod mo."

Patay malisya ko sa angil niya.

PONGS: "Yung huling sahod ko hindi mo pa binabayaran. Tapos ang lakas ng loob mong sasabihin tataasan mo pa ngayon."

Pagsakay niya sa tema ng usapan.

MADDIE: "Medyo short ako sa kita nitong mga nakaraang buwan kaya hindi kita nasahuran. Pero huwag ka mag-alala next sahod mo, doble na."

Kinindatan ko pa siya. At iniumang niya na babatuhin ako ng hawak na face towel. Kaya natawa na lang ako.

PONGS: "Masakit pa ba ang ulo mo?"

Pag-iba niya sa usapan.

MADDIE: "Bakit mo naitanong?"

PONGS: "Kasi kung hindi na iuuntog kita para masaktan ka."

Napangiti ako sa kanya.

MADDIE: "Hindi na masyado except from this part. I don't know why."

Wika ko sa kanya. Sabay hawak ko sa isang portion sa ulo ko na masakit hawakan. Parang may pasa na masakit.

PONGS: "Hindi mo naalala?"

ALL I EVER NEED continuationWhere stories live. Discover now