I

14 1 1
                                    

Zayne Castillo

Umagang umaga, pagkadilat ko ng mga mata ko, bumungad sakin ang mapupulang labi, matangos na ilong, mapupukaw na mata, at amoy na parang galing ibang bansa

"Gising na, bub" sabi ni Jax

Tumalikod ako sakaniya sapagkat ayokong makita niya ang mukha kona bagong gising

"Si bub parang hindi sanay na nakikita ko siya ng bagong gising. Bub, gising ka na. Kain na tayo" sabi pa niya

Jax Ventura is my boyfriend

3 years na kami pero walang nagbago

Kung ano siya dati ganon pa rin siya hanggang ngayon

"Bub, labas ka na" sabi ko sakaniya kahit nakatalikod ako

"Sige bub. Bangon na ha" ramdam ko ang paglapit niya sakin at paghalik sa buhok ko

Tumango lamang ako bilang tugon at ramdam ko na paalis na siya sa kwarto

Nung narinig ko na sinara niya na ang pinto tumayo na ako at pumunta sa study table ko

Kinuha ko ang journal ko at ballpen

Day 1209

I wish that Jax will stay that way, no changes, no hestitations, no other girls

I love him, so much

-Zayne

Dumiretso na ako sa banyo at nag ayos

Pagkababa ko ay naamoy ko na agad ang luto niya

"Wait lang bub, patapos na to" sabi niya sakin

Lumapit lang ako sakanya at yinakap siya habang nagluluto

"Mabaho na ako love. Upo ka na muna dun" sabi naman niya

"Ayaw" sagot ko

Tinignan niya lamang ako at ngumiti

"Mahal na mahal kita" sambit pa niya at hinawakan ang mga kamay ko na nasa tyan niya

"Mas mahal kita" sagot ko

Nagsimula siyang kumanta at nakatingin lamang ako sakaniya

"Wag mo ako iiwan ha" sabi ko naman sakaniya

"Oh upo ka na dun. Okay na to" sabi niya at tinanggal ang kamay ko na nakapalupot sakaniya

Pumunta na ako sa dining area namin at umupo na

"Here's my princess favorite. Bacon, egg, tocino, and fried rice" sabi niya at hinapag ang pagkain sa harap ko

"Thank you bub" sabi ko sakanya

Tumabi na siya sakin at napansin ko na ako lang ang may pagkain

"Nasaan pagkain mo?" tanong ko sakaniya

"Wala" sagot niya at ngumiti

"Hati tayo"

"Nope. That's only yours"

"Please, bub?" sabi ko at nagpacute sakaniya

"One spoon lang" sabi naman niya

Sinubuan ko na siya at ngumiti lamang siya

"Wait lang, bub" sabi niya at umalis

Sinubukan ko na ubusin ang luto niya

Nasa kalahati na ako ng bumalik siya at may dalang isang baso ng kape

Huling Sandali (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon