Ang kwentong ito ay nais ko lamang po ibahagi sainyo, naway maging wais po tayo sa pagpili nang mga magiging kaibigan at mga pagkakatiwalaan.Sa mundong ito, hindi lahat nang nakaharap sayo ay kaibigan mo. Hindi din lahat nang nakakausap mo ay gusto ka. Ang iba ay ginagamit ka lang pala.
Tahimik ang aking buhay, hanggang sa pasukin ko ang mundo nang Social Media. Kung saan ako ay may mga nakilalang iba't ibang uri nang tao. Mga user friendly, gold digger, credit grabber at kung ano ano pa.
Nagkaroon ako nang mga kakilala at talagang itinuring kong parang mga kapatid ko. Pero hindi ko lubos akalain na parang isang sabaw na itinaob ang aming samahan at ni ha ni ho wala na ngayon. Wala akong matandaan na naging hidwaan namin, tinanong ko nalang ang sarili ko. Dahil ba sa di na nila ako kailangan? Dahil ba sa okay na sila at kaya na nilang tumayo sa sarisarili nilang paa? Bigla ko nalang nasabi sa sarili ko na talagang totoo pala na may mga taong hindi marunong tumanaw nang utang na loob. Mga tao na hindi marunong lumingon sa kanilang pinanggalingan.
Kahit kailan, hindi magiging masaya ang taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob.
Ang utang na loob ay hindi kayang bayaran ng kahit na anong materyal na bagay pero ito ay ating matutumbasan sa pamamgitan ng pagpapakumbaba sa taong nagbigay sa atin nang kabutihan. Maliit man o malaking pabor ang importante ay naglaan ang isang tao para sa atin nang panahon lalo na nung kailangan natin sila.
Isang simpleng mamamayan lang ako, nagttrabaho kasama ang iba't ibang mga artista noon. At madami nadin akong mga experiences sa buhay gawa nga nang matagal na ako sa industriya nang showbiz at talagang nakalakhan ko na ang social media.
Pero hindi ako naging madamot, nagkaroon nga ako na tinatawag na mga kaibigan na itinuring kong mga kapatid ko. Lagi ko silang kausap. At ngsshare kami nang mga insights tungkol sa mga bagay bagay. Ako yung tanungan nila kapag ka meron silang hindi maintindihan dahil nga sa marami na akong mga bagay bagay na napagdaanan at talagang mahilig akong magsaliksik. Kumbaga ako ang takbuhan kapg ka sarado na ang tindahan at wala nang rekadong magagamit. Malalalim ang mga hugot ko sa kwentong ito. Kasi wari ko, parang nang malaman at matutunan na nila lahat mula sa akin e nagsikanya kanya na sila nang lipad. Sumobrang tayog pa nga nang iba. At nang lumagpak at andoon parin ako para saluhin sila. Kahit na alam kong sa kabilang banda, hindi nila alam ang mga tulong na iyon. Hindi ako perpekto at hindi naman talaga ako dalubhasa pero yung mga alam ko ay ibinabahagi ko dahil hindi naman ako yung tipo nang taong madamot.Isang araw, napagtanto ko na itong mga tao na ito ay tinatawagan o kinakausap lang nila ako sa tuwing sila ay may kailangan pero pagako ni konting suporta di nila maibigay. Hindi naman sa makwenta akong tao, pero wari ko ako ay naisahan, ako ay nalamangan.
Siguro ganito na nga talaga. May mga taong nabubuhay sa mundo na di marunong tumanaw nang utang na loob. Nung una may pakialam pa ako sakanila dahil nga mga kaibigan ko sila at tinuring kong mga kapatid pero di naglaon isa isa ko na silang pinabayaan. Isa isa ko na silang kinalumutan tutal hindi naman nila ako naisip.
At dumating ang isang araw na nagkausap usap kami, pero imbes na maging maayos ang lahat ay nauwi sa sumbatan. At sobra akong nasaktan, dahil sakanilang lahat ako ang higit na nagmahal at nagpahalaga sa aming samahan nang sobra. Kaya nung balewalain lang nila yun ay talagang masakit sa part ko. At magmula noon tinandaan ko ang nangyari na yun, kaya tuloy ngayon para akong natrauma. Hirap na ako magtiwala.
BINABASA MO ANG
UTANG NA LOOB
HumorSA KWENTONG ITO AY IBABAHAGI NI PETER ANG KANYANG NAGING KARANASAN SA MGA KAIBIGAN NA ITINURING NIYANG MGA KAPATID. SANA PO AY INYONG MAGUSTUHAN. -SNB