Prologue

190 77 45
                                    

"Kapagod training! Buti natapos din." Sabi ko habang inaayos ang gamit ko.

"True ka dyan, Tin! Grabe si Coach walang patawad kahit game na bukas." Reklamo ni Dani.

"Dami niyong reklamo tinapos niyo rin naman. Pag-umpugin ko kayo dyan eh." Sabi ni Mikay habang nakasalubong ang kilay.

"Iyan ka na naman eh. Galit na naman. Kalmahan mo lang kasi." Sabat ni Dani.

Sanay na ako sa dalawang 'yan na laging nag-aaway. Wala ng bago riyan. I continued fixing my things habang nagbabangayan sila. After that, nagpaalam na rin ako sa kanila para umuwi.

"Dani, sabay ka ba? Uuwi na ako." Inaya ko siya dahil pareho lang naman kami ng dadaanan pauwi.

"Hindi muna. May kukunin pa ako kila Chloe eh."

Tumango ako at nagpaalam na sa kanya. Pagkarating ko sa dorm ay nandoon na rin si Vannesa na nanonood sa kaniyang laptop.

Vanessa is my friend since Junior High School. We never separated since we became friends. Kahit ngayong college ay magkasama pa rin kami.

"Saan ka na naman galing ha?" Ayan kaagad salubong sakin ni Vanessa.

"May training kami. Alam mong game namin bukas"

"Akala ko kung saan ka na naman pumunta eh. May pagkain dyan sa fridge initin mo na lang. Kumukulo na tiyan ko kanina 'di na kita naintay." sabi ni Vanessa tapos binalik ang atensyon sa laptop niya.

"May ticket ka na ba para bukas?" I ask habang inaayos yung pagkain ko.

"Wala pa. Alam ko namang bibigyan mo 'ko."

"Pa'no kung wala na pala akong extra ticket siraulo ka."

"Bakit ka mawawalan eh laging ikaw supplier ko ng ticket sa UAAP." Tawa habang dumakot ng popcorn pero nakatuon pa rin pansin sa pinapanood.

"Kapal talaga ng mukha nito."

"Hindi mo naman ako matiis eh. Alam ko namang mahal mo ko, tol. Huwag mo ng ipagkaila."

"Yuck! Mandiri ka nga. Nakain yung tao oh!" bulyaw ko sakanya kaya tumawa lang siya.

After kumain ay nag-ayos na ako ng sarili para matulog. Si Vanessa ay nanonood pa rin. Adik talaga.

Kinabukasan ay nandito kami sa school para maghanda for our first game.

"Tabi tayo sa bus ah, Tin." Pag-aya sa'kin ni Dani.

Tumango ako at biglang nagsalita si Mikay.

"Hindi ka na nahiya kay Tin. Lagi kang nakakatulog sa tabi nyan tapos tulo pa laway."

"Echosera ka! Kelan ako naglaway pagtulog? Give me exact date."

Babangayan na naman sila. Hinayaan ko silang mag-away sa tabi ko dahil hindi rin naman sila pinapansin ng teammates namin dahil sanay na.

Sumakay na kami sa bus at tulad ng napag-usapan ay katabi ko si Dani. Si Mikay ay katabi si Ate Jaja, Captain ball namin. Pagkarating namin sa Araneta Coliseum ay kaagad kaming bumaba. Pagkapasok namin sa loob ay hiyawan ang sumalubong sa'min dahil naglalaro na pala ang Men's team. DLSU vs. FEU nanood muna kami bago magwarm up dahil maaga pa naman.

Habang nanonood ay may nakakuha ng atensyon ko. Ramirez ang surname. He has sharp feature. Perfect jawline and thick eyebrows. Matangos din ang ilong niya at may katamtamang laki ng labi. In short, Gwapo.

"Dani, kilala mo ba 'yong Ramirez dun sa DLSU wearing jersey number 18?" Tanong ko sa kanya dahil marami itong kilala sa iba't ibang universities. Magugulat na lang kami sa tuwing may nakakasalubong kami ay binabati niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Above the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon