Habol hiningang tumaktakbo si Tiffany palabas ng gubat kung saan n'ya nasaksihan ang pagpapatay ng teacher nilang si Mr. Cruz sa kaklase n'yang si Ivy.
May camping sila sa isang kagubatan malapit sa bundok. Hinahanap n'ya ang kaibigan n'ya pero hindi n'ya inaasahan ang madaratnan n'ya sa talahiban sa gubat na iyon.
Duguan ang damit ni Mr. Cruz. Nakayuko ito at may hawak na itak na pinantataga nila sa panggatong.
Sa simula, naisip n'yang nagkakatay ito ng hayop, pero halos mangatog ang tuhod n'ya sa nakita n'ya. Nakabulagta si Ivy, naliligo sa sariling dugo, gutay-gutay ang damit at nakahiwalay na ang ulo sa katawan nito.
Na-estatwa s'ya at sobrang lakas ng kabog ng dibdib n'ya. Nanlilisik ang mga mata ni Mr. Cruz habang parang baliw na tumatawa at tinatadtad ang hita nito.
Kusang tumakbo ang kan'yang mga paa nang bigla itong lumingon sa gawi n'ya at makita s'ya nito.
"Tiffany, 'wag ka ng tumakbo! Susunod ka na! Magsasama na kayo ng kaibigan mo!" anito na mabilis na hinahabol ang dalaga.
"D'yos ko! Ayoko pang mamatay," garalgal na sabi ni Tiffany. Hindi alintana ang pinaghalong putik at bato n'yang nadaraanan palabas ng kagubatan.
Lalo n'yang binilisan nang lumingon s'ya sa likod at makitang lalong bumilis ang mga hakbang nito. Gustohin man n'yang doblehin ang bilis pero hindi na n'ya kaya. Pagod na rin s'ya.
Nagtago s'ya sa isang malaking puno ng mangga. Napaupo s'ya habang tutop ang bibig n'ya. Mabilis na rin ang paghinga n'ya habang nananalanging huwag s'yang makita ng kan'yang guro.
Ilang minutong katahimikan ang dumaan. Pigil ang pag-iyak at paghinga ay nanatili s'ya sa pwesto sa pag-aakalang ligtas na s'ya.
Subalit, halos himatayin s'ya nang bigla itong sumulpot sa harap n'ya at walang habas na tagain ang kanan n'yang braso.
"Sir! 'Wag po!" aniya sa magkahalong takot, sakit, at kawalan ng pag-asa.
.
.
.
.
."Hoy! Reign! Babad ka na naman d'yan sa panonood mo!" bulyaw sa 'kin ni Mommy.
Nakakunot ang noo kong pinindot, ang stop button ng phone ko. Inalis ko ang earphones ko at itanago na sa loob ng bag ko. Bad trip naman! Wala naman akong gagawin. Pati panonood ko pinakikialaman.
"Hoy! Ikaw bata ka! 'Wag mo kong iniirap-irapan d'yan. Hindi kita pinanganak para irapan lang ako!" dagdag pa n'ya.
It's my birthday, pero parang hindi naman. As usual, bungangera pa rin si Mommy. Kaya nga mas gusto ko si Daddy, mabait kase s'ya at silent type.
Bakit pa kase s'ya ang naging mommy ko? Nakakasawa na ang bibig n'ya. Kung may papalit lang sa akin, makikipagpalit talaga 'ko.
I put my black leather bag beside me. Inihanda ko ang unan ko at pumikit. Matutulog na muna 'ko. Mahaba-haba pa ang byahe papuntang Quezon Province. Doon ko kase i-ce-celebrate ang birthday ko.
Ayoko naman sana, pero wala naman akong choice. Ayokong maratratan na naman ni Mommy.
Nagising ako sa malakas na preno ng sasakyan namin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nag-inat ako nang kaunti at iginalaw ko ang namamahid kong binti.
Narito na ba kami?
Sinilip ko ang relo ko. Five pm na pala. Kaya pala ang sakit na ng puwetan ko. Limang oras na kaming nagbiyahe.
Nakuha ang atensyon ko nang bumaba si Daddy ng sasakyan. Binuksan n'ya ang makina nito at may sinilip doon.
"Mom, what's wrong?" tinatamad kong tanong.
YOU ARE READING
THIRTEENTH STAIR
Short StoryOne... two...three... four... be careful with what you wish for Five... six... seven... eight... don't just stare, observe and wait Nine... ten... eleven... twelve... move backward, don't step 'til twelve Tip-toe to thirteen... try to escape and nev...