'Ako ang kailangan,
pero di ang mahal'Saan nagsimulang magbago ang lahat~
I am his childhood bestfriend but I like him-secretly. Kontento na ako na mahal ko siya kahit hindi niya alam kahit alam kong pangit tingnan dahil kaibigan ko nga siya. But things had change unexpectedly.Ba't di mo sinabing nung una pa lang~
Sumulat ako ng tula na para sa kaniya pero sumulat siya ng tula——para sa iba.
I was about to confess, pero inunahan niya ako. Nasa likod ko lang ang papel na naglalaman ng tula ng pag-ibig ko sa kaniya.
"Argus, may i-
"Gumawa ako ng tula para kay Gia. Basahin mo nga, Le."
I don't know what to say, I was hurt.
Ako ang kailangan pero di ang mahal~
Bigla ko na lang naaalala ang pangako namin sa isa't isa ng mga bata pa kaming dalawa."Gusto kita, ipapangako ko na ikaw ang magiging una at huli, Ale. Tandaan mo 'yan ah hahaha!"
"Earth to Ale! Sige na, I need you. Mag coconfess na ako kay Gia. Please Ale??" Bumalik ako sa ulirat at pinilit ngumiti ng mapakla sa kaniya.
'Kailangan niya lang ako, pero hindi ako ang mahal niya..'
Saan nagkulang ang aking pagmamahal?~
Naging sila. At nagmistula akong tulay para sa kaniya at kay Gia. Masakit pero masaya ako na masaya siya.
Pero hindi ganoon kadali..
"Siguro, h'wag na muna tayong magkita. Pinagseselosan ka ni Gia 'eh."
I was shocked, pain is visible in my eyes. I don't know what to say, pero alam kong nasaktan ako.
I smiled bitterly and nodded at him, "A-Ah? G-Ganon ba?? Haha s-sige. A-Ako na ang lalayo."
Saan ba ako nagkulang?
Lahat ay binigay ng mapangiti ka lang~
Naalala ko kung paano at gaano ako kasaya kasama siya pero mas lalo siyang naging masaya sa piling ng iba. Nakikita ko sila sa malayo, masaya at ramdam ko ang pagmamahal nila sa isa't isa.Tumalikod ako at pinunasan ang luhang dumaloy sa mga mata ko.
I gave everything to you, but it takes only seconds for her to make you smile and happy.
Ba't di ko nakita na ayaw mo na?~
Muli kaming nagkita-kasama niya si Gia.
Ngumiti ako pero parang hindi niya ako nakita, nagtatawanan lang silang nilagpasan ako.
Napayuko ako para agad punasan ang luha ko. Bakit ikaw pa? Ba't di ko nakitang ayaw mo na?
Ako yung kasama pero hanap mo siya~
Pumunta siya ng bahay na siyang ikinagulat ko. Hindi ko inaasahang dadalawin niya ako sa bahay.
"Bakit ka...nandito?" Mahinang tanong ko sa kaniya at tumayo para ipaghanda sya ng meryenda.
Ngumiti siya at gaya ng ginagawa niya dati ay ginulo niya ang buhok ko.
"Namiss kita! Kamusta ka na? Hindi mo na ako pinapansin, ilang taon na ah? Buti na lang meron akong si Gia."
'Buti na lang meron akong si Gia..'
Ako yung kasama pero hanap mo siya. Ako yung nandito, pero siya ang laman ng isip mo.
I was walking in the aisle, smiling and crying while looking at the man who's waiting in the altar. Nginitian ako ni Argus ng makita ako at tinanguan.
Napalunok ako at pinunasan ang luha ko bago luminya sa mga brides maid nila.
Tama, ikakasal na sila.
Nangako siya sa aking ako ang ihaharap niya sa altar na hindi na mangyayare pa dahil ibang babae ang hinihintay niya.
Saan nagsimulang magbago ang lahat~
Nagsimula ang lahat ng ibigin kita, pinanghawakan ko ang pangako natin sa isa't isa na hindi ko dapat ginawa.
Ako yung una,
pero hindi ako ang kaniyang wakas.
Ako yung kailangan,
pero hindi ang mahal..
WAKAS
Salamat sa pagbabasa ;)
Mechaniscene●
