"Hoyy! Babae gumising ka na dyan!" bigla na lang akong dumilat ng may sumigaw sa tenga ko.
"Ano ba yan Kuya! Ang aga aga e!" sigaw ko. Kasi naman alas singko pa lang e. Tapos mang gigising sya.
"Tanga ka ba!? Malalate ka na sa flight mo! Bahala ka mapagalitan ni lolo." ngayon lang pumasok sa isip ko na ngayon nga pala yung alis ko sa korea.
"Ehhhh! Kuya ayokong umalis dito." pagmamakaawa ko kay kuya. Lumabas naman yung awa sa akin ni kuya."Hindi pede bunso. Kailangan mong umalis para tanggapin yung parusa. Gusto mo ba mapahiya sina mommy at daddy?" sabi nya.
"Syempre ayoko kuya. Pero ayoko ko nang bumalik dun sa Pilipinas. Natatakot ako." naiiyak na sabi ko. May nakaraan kasi ako roon na ayoko ko nang balikan pa.
"Hindi pede unso e. Nasa kautusan na yun e. Wala nang masasamang tao dun. Hindi na sya katulad ng dati" sabi nya sabay upo sa kama.
Bigla naman guminhawa mg kaunti yung loob ko dahil sa narinig ko. Nakidnap kasi ako roon nung bata ako at pinag bubugbog. Kaya dahil doon bumalik kami sa korea at dito ako nagpagaling ng 6 na taon. Bali 2 years akong nagpapagaling sa hospital. Kaya nga ayoko nang bumalik sa Pilipinas e baka kasi mangyari sa akin ulit yun. Baka hindi ko na kayanin.
"Sabi mo yan kuya ah. Magtitiwala ako sa sinabi mo" tumayo na ako para maligo at makapag ayos na.
Umalis na naman sya at bumalik sa kusina. Ngayon kasi si kuya lang ang karamay ko. Na dissapoint kasi sa akin yung magulang ko dahil sa pagsuway ko sa kanila. E sa ayoko nga magpakasal sa lalaki na hindi ko naman kilala at hindi ko mahal. Bigla naman akong napaiyak habang naliligo.
"Ano ba yan! Naiiyak na naman ako. Magiging maayos ka din ryujin" pampalubag loob ko. Bahala na kung ano mangyari sa akin doon. Kung mamamatay man ako edi mamamatay.
Natapos na ako maligo at nakapag ayos na ako. Handa na sana akong bumaba nang may kumatok sa pintuan ko.
"Pasok!" sabi ko habang nag aayos ng buhok. Natigilan naman ako nang pumasok si mommy sa kwarto ko.
"Ano pang ginagawa mo!? Bumaba ka na at hinihintay ka ng lolo mo sa baba!?" napapitlag na lang ako nang sumigaw si mom ng malakas. Maluha luha naman akong tumayo para bumababa. Dinala ko na yung maleta ko.
Nakita ko naman agad si dad na parang walang pakialam sa akin. Si kuya naman katabi si lolo at nakatingin sa akin habang bumababa sa hagdanan.
Nung nakababa na ako nag mano muna ako kay lolo. Pumunta ako kay dad at mom na nakatingin sa akin na walang buhay ang mukha. Hindi ba nila tututol sa pag alis ko? Aishh ano pa bang aasahan ko?
Nang magmamano na ako kay mom kinabig nya bigla ang kamay at sabay nag walk out. Natulala na lang ako sa nangyari napatingin naman ako kay dad na umalis din. Napayuko na lang ako habang pabalik kay lolo.
"Kuya, bakit ganun parang itrato nila parang hindi nila ako anak?" naiiyak na sabi ko.
Bigla naman bumalik si mom at may binato sa akin na parang kwintas. Pagtingin ko, yung kwintas na binigay ko sa kanila ni dad.
Napatingin naman ako sa kay mom. "Wag ka nang bumalik! Kahihiyan ka lang sa pamilyang to!" napaatras ako sa sigaw ni mom.
"Mom! Ano ba yang sinasabi nyo!? Tumigil nga kayo!" sigaw agad ni kuya.
"Oo nga naman victoria. Hindi naman ata tama yang ginagawa mo." sabi naman ni lolo.
"Basta wag nyo na syang ibabalik. Dun na lang sya sa Pilipinas habang buhay. Isang kahihiyan na isang Lake at sumuway sa utos nyo. Hindi sya nababagay sa isang Lake. Dapat pala pinalaglag na lang kita nung pimagbubuntis kita!"
"Mommmm!!! Ano ba yang sinasabi nyo!"
"Tumigil ka na Victoria, hindi mo ba naririnig yang sinasabi mo?"
Sumakit naman yung puso ko sa sinabi ni Mom. Di ko akalain na pag sisihan nya na ipinanganak nya ako. Ewan ko pero bigla akong nanghina sa lagay na yun. Please wag ngayon! Wag ka nang bumalik!
May sakit kasi ako sa puso. Nagsimula lang to nung makidnap ako sa Pilipinas at dito lang nila nalaman na may sakit ako sa puso.
Simula ngayon papatunayan ko na worth it ako maging Lake. Papatunayan ko yun sa inyo once na bumalik ako dito.
Humarap naman agad ako sa kanila. "Pinagsisihan nyo po ba na ipinanganak ako mom? Ngayon ko lang yun nalaman ah." pinakita ko sa kanila yung pinakamalamig na itsura ko.
Napa ngisi na lang ako sa kanila nang magulat sila sa itsura ko. "Gulat kayo? Tsss ngayon nyo lang nalaman na nag aral akong makipag laban at sa pagkontrol ng emosyon? Kasi puro kayo TRABAHO!!!!! Hindi nyo lang napansin na gumaraduate ako. Hindi kayo nagpunta sa graduation ko. Samantalang kay Kuya, excited pa kayo pumunta!!!! Oo isang kahihiyan na mapunta ako sa ganitong pamilya na hindi man lang pumunta sa graduation ko. Gusto ko lang malaman nyo na naging top 1 ako! Sige wag nyo na akong asahan na babalik pa ako dito!!!" sigaw habang hingal na hingal. Bigla naman sumakit yung puso ko pero hindi ko pinakita yun.
"Ryu, babalik ka! Okay!?" sigaw ni kuya sa kin. Simula ngayon si Kuya na lang ang kilala kong pamilya.
"Lo tara na po" aya ko. Tumango naman si lolo. Pero bago ako umalis pumunta muna ako sa kay Kuya sabay yakap sa kanya.
"Babalik ka ah!? Kung gusto mo pupunta din ako dun paminsan paminsan para kamustahin ka" tango na lang ang naisagot ko kay kuya sanay talikod.
Nakalabas na ako sa bahay nang bumukas ang pinto at lumabas si Kuya. "Babalik ka ah!!!! Mag iingat ka dun!" ngumiti naman ako kay kuya nang sabihin nya yun.
Buti pa si kuya nag aalala sa akin. Samanalang ang mga magulang ko walang pakialam
Napa ngisi na lang ako sa naisip ko. Ano pa bang aasahan ko sa kanila?
Nung makaalis na ako sa bahay papunta sa airport. Nang biglang magsalita si Lolo. "Mag iingat ka dun apo ah. Kahit ayoko kitang dalhin dun pero yung ang tradition natin e. Sorry apo." sabi ni lolo sabay yakap sa akin. Napaiyak na lang ako sa sinabi ni lolo.
"Okay lang yun lolo. Malay nyo lolo pagbalik ko dito maipagmamalaki na ako nina mom at dad" isang tipid na ngiti ang naibigay ko nang sabihin ko yun.Kung babalik pa
"Wag mong alalahanin ang mga magulang mo. Baka magulo lang ang isip nang mga yun."
"Ganyan naman sila lagi sa akin. Lagi ako yung mali sa paningin nila." naiiyak na sabi ko.
"Hindi naman sa ganun y-" napatigil si lolo sa biglang pagsasalita ko.
"Yaan mo na lo. Wag mo na lang silang pansinin. Siguro nga hindi ako bagay maging Lake." sabay mapait na ngiti.
Nang balak na ni lolo magsalita. Nagsalita agad ako. "Sige na lo. Alis na ako baka malate ako at maiwan ako."
Napakaway na lang si lolo sa akin habang makatulala sa akin. Nakita ko naman sa mata ni lolo sa akin na naawa. Hindi ko naman masisi si lolo dun. Tradition na kasi yun.
Mang pumasok na ako. Nasa isip ko na ano kayang mangyayari sa akin sa Pilipinas? Bahala na!
-----------------------------------------------------------
Sana mag enjoy kayo hehe. Mag comment kayo kapag hindi nyo nagustuhan para malaman ko. Thank you!
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Nerd
JugendliteraturMay nagmamahal pa kaya na hindi bumabase sa itsura? Siguro meron, pero bihira lang. Kung gusto mo malaman. Basahin mo to hanggang dulo. Siguradong hindi ka magsisi. Thank you!