Simula

12 5 15
                                    


Nagising ako sa alarm ng phone ko. Hindi ko pa sana gustong bumangon kaso kailangan kong magtrabaho. Ang hirap kung a-absent ako dahil ang daming kailangang permahan. Naligo at nagbihis ako ng pormal at tinignan muna kung maayos na ang sarili tsaka bumaba. Nakita ko naman sina dad na naka-upo sa hapag. Lumapit lang ako sa kanilang dalawa at hinalikan sa pisngi bago umupo.

"Pupunta ka ngayon sa company?" Tumango lang ako dahil tinamad akong magsalita. Inaantok pa rin kasi ako at wala pa sa huwisyo.

"Anak, mukhang pagod ka ah. Hindi ka ba nagpapahinga ng maayos?" Lumingon ako kay mom ng nakangiti. I suddenly remembered that she wasn't like this when I was still young. Both of my parents were always busy with work and can't find even just a minute to be with me. But I guess, things happen and change but we changed for the better.

"I shouldn't waste my time mom, dad" sabi ko at nilingon silang dalawa. "Masyadong po kasing madaming gawain tsaka wala akong panahon isipin ang pahinga ko. Work is more important" Nakita ko namang napa-iling siya.

"Hindi 'nak. Mas importante ang kalusugan mo. Napapansin kong pinapabayaan mo na ang sarili mo. It's not healthy anymore, sweetheart. Baka kung anong mangyari sayo"

"You mom's right, princess. Health is wealth kaya 'wag mong pabayaan na lagi ka nalang pagod" Dad seconded.

Lagi nila akong pinapaalalahanan sa kalusugan ko pero wala talaga akong panahon para d'yan. Time is gold for me kaya hindi dapat iyon sinasayang.

"Don't worry, I'm taking vitamins kaya 'wag na po kayong mag-alala" Nakatingin lang sila sa 'kin pero nagpatuloy lang ako sa pagkain. I was lying about taking vitamins though. Hindi ko na masyadong naiinom kasi nakakalimutan ko na dahil sa dami ng paper works.

These past months kasi ang hectic ng schedule ko. Everyday, there's always a pile of paper works to be read and signed. Nagiging busy na rin dahil may bagong launching products kami and it will be announced and launched this August.

Pagkatapos kumain, nagpaalam na ako para pumunta sa company. Nagpahatid ako dahil hindi ko talaga kayang mag-drive ngayon sa sobrang pagod. Mga alas 4 na rin kasi akong natulog at nagising ng 7 kaya halos mga 3 hours lang tulog ko. Nasanay naman na ako pero iba talaga ngayon. Medyo sumasakit rin ang ulo ko.

"Welcome po, Ma'am"

Hindi ko na inabalang tumingin o ngumiti man lang dahil parang umiikot ang paningin ko.. Dumiretso na lang ako sa top floor na siyang matatagpuan ang personal office ko. Tinawagan ko na rin yung secretary ko para magreport sa 'kin.

"Good morning, Ma'am. Here's the report and schedule for today" Jenny said sabay bigay sa 'kin nung folder. Tinanggap ko iyon at tiningnan. As always, overloaded na naman.

Pinakuha ko na lang siya ng kape para naman may mainom ako habang nagbabasa at nagpipirma.

Biglang na namang sumakit ang ulo ko kaya napahinto ako sa pagbasa. Napahawak rin ako ng mariin sa papel na hawak ko. Medyo nahilo rin ako pero nawala rin naman.

"Are you ok, ma'am?" Jenny said with a worried face. Tinanguan ko lang siya.

Bumalik na lang uli ako sa pagbasa at pagpirma. I was reading the words at medyo blur siya pero napakunot ako ng noo nang mabasa ko ang isang laman ng folder.

"Why is Crex Corp. not agreeing about the shares? Didn't we already settled that? Why are they backing out?" Bigla ko namang naramdaman na nanginginig ang secretary ko.

"What's the meaning of this?" She gulped first before answering.

"U-Uh, Mr. Sanchez knew about the scandal that happened through his secretary and he immediately backed out since he didn't want his company invovled in the incident" Mas lalong nangunot ang noo ko.

Sweet CheeksWhere stories live. Discover now