Sabi nila ang Puso ang pinaka mahalaga sa lahat pero anu naman ang silbi ng puso kung walang laman ang bulsa at kumakalam ang sikmura?. Iyan ang aking pananaw pagdating sa pag-ibig. ayoko yatang magutom, ahil alam kong hindi naman ako mapapakain ng love love na yan. Kung iibig lang din naman ako dun sa mayaman na! kahalintulad ng kasabihan nuon na matandang mayamang binata na madaling mamatay! hahaha well ayoko naman talaga sa matanda! at saka mahirap humanap nuon dahil tyak may na-una na bago ko pa makilala. Ako nga pala si Sussy! 24 years old, a news reporter sa isang network. Araw-araw laman ako ng kalye para maihatid ang maiinit na kwento. andyan na yung balitang "Oastrich nagluwal ng pinakamalaking itlog!" kaya lang nang andun na ako sa set bago ko pa matapos yung pagbabalita ko eh napatid ako at nabasag sa mukha ko yung itlog ng oastrich kaya hinabol ako. kaya ang naging kwento "Oastrich hinabol ang kawawang reporter dahil nabasag ang itlog". Isa pang kwento yung sa mga sinasapian ng masasamang espirito, yung tungkol sa mga estudyante na ginagambala ng mga kaluluwa, kaya lang habang nagbabalita ako, eh sa katangahan ko ay napahawak ako sa isang kable ng kuryente at nagkikikisay habang nagbabalita kaya ang akala ng lahat eh pati ako sinasaniban. Kaya ng magpatawag ng abularyo ay kasama ako sa mga ine-excorcist at pinapaamin ng totoong pangalan ng sumasanib habang iniipitan at pinipiga ang bala ng baril sa daliri sa paa
"Sino ka bang talaga?" tanung ng albularyo
"SUSANA Di MAKULANGAN PO" tugon ko
""Uulitin ko! Sino ka ba talaga!!!" tanung ulit ng albularyo habang patuloy na hinihigpitan ng madiin yung bala ng baril sa may daliri ko sa paa.
"ARRAAYYYYY KO PO!!! SABING SUSANA DI MAKULANGAN PO" sagot ko ulit sa albularyo. hayy naku anu ba talaga gagawin ko eh susana di makulangan talaga ang pangalan ko anyway buti nalang may lagi akong dalang mga dokumento from Birth certificate, NBI Clearance, Police Clearance at kung anu-anu pang uri ng clearance hangang sa mga ID's.
"ARAYYY KO ARAYYY KO ! TAMA NA ! ANG SAKIT-SAKIT NA NG DALIRI KO SA PAA! NAMAMAGA NA YATA! huhuhu!! tignan nyo yung mga dokumento ko sa Bag ko at mga ID's ko para maniwala lang kayo na SUSANA DI MAKULANGAN talaga ang totoong pangalan ko! " kaya ayun tinignan nila ang mga dala ko at SALAMAT NAMAN sa wakas naniwala na sila.
"ay sori iha kala ko kasi sinasaniban ka! eh, kasi kala ko SUSSY Dee pangalan mo, dahil yun palaging naririnig ko sa tv kapag nagbabalita kana.. sorry talaga!" sabi ng albularyo.
hayy naku bakit kasi may mga screen name, screen name pa nayan! bakit kasi hindi nalang mga totoong pangalan ang ginagamit sa tv para naiiwasan yang mga insidente kagaya niyan.
kaya ayun after ng balita ko sa mga sinasaniban ay umuwi akong luhaan at nanankit ang katawan. Well palagi naman akong on time sa trabaho, never be late sabi nga nila! kaya lang every after report eh palagi akong iniiwan ng nakakapartner ko, from resercher to cameraman kasi ayaw daw nilang madamay sa kapalpakan ko. Alam ko yun, kahit hindi nila sabihin harapan at alam ko din na pinagtatawanan nila ako kapag hindi ako nakatingin.
Nagbago ang lahat magmula ng makilala ko, ang bago kong makakpareha sa trabaho. Si Luke isang baguhan sa trabaho kagaya ko, pero matanda sya sa akin ng isang taon. Mabait at maalaga sa kapareha si Luke, palakaibigan at matulungin. Gwapo at palangiti at higit sa lahat mabuting anak sa kanyang magulang. ika nga nila nasa kanya na ang lahat at sa aking palagay ay walang babae na hindi magkakagusto sa kanya at alam kong hindi sya mahirap mahalin. PERO may isang problema! Mahirap si Luke at ayokong mapangasawa ang isang mahirap!
---- Katapusan ng Unang Kabanata... Muling Tunghayan ang ikalawang Kabanata.. Maraming salamat po sa mga bumasa ng maiksing kwento na nilikha ko. To be God bless Us All.. :)
BINABASA MO ANG
Puso Vs Utak
RandomAng pag-ibig ay hindi natuturuan, bagkus dapat kinikilala. Anu ang gagawin mo kung ang puso mo ay tila may sariling tibok at hindi kayo magkasundo? paiiralin mo ba ang puso or ang utak.