Mga tatlong oras na ang lumipas simula nung dumating kami ni Liam dito sa gym. Nagpa-practice sila para sa isang intermission number sa opening ng intrams dito sa university. As always, kulang nalang batuhin ni Prim yung upuan sa stress dahil karamihan sa bagong member parelax-relax lang.
"Piste." Bulong ni Prim sa tabi ko, pinilit siya ni Coach Oli na magpahinga muna at baka mamaya manuntok na ng tao o pader sa galit. Hinimas-himas ko buhok niya habang pinunas niya ang kaniyang pawis gamit yung bimpo na dala-dala ko para sa kanya.
Kulang nalang maging yaya ako nito.
"Kumalma ka, Blake Kennedy." I stated at sumandal siya sa balikat ko, pilit na pinigilan ko ang pamumula ng pisnge ko. Nakapikit mga mata niya at halatang pagod na.
"Paano naman ako kakalma, Gabriella Inez? Sa Friday na yan. Maayos pa sana kung isang buwan pa bago mag-perform, hindi eh. Parang mga bata." She rambled, hininaan boses niya para walang makarinig bukod sa aming dalawa.
"Ganyan talaga kapag baguhan. Kahit saan naman nangyayari yan. Aayos rin sila soon. Magpahinga ka muna, sina Coach Oli na bahala sa kanila." Napahinga nalang siya ng malalim at lalo kong naramdaman ang bigat niya habang sumasandal siya sa akin.
Napangiti nalang ako ng patago at tinuloy na himasin ang buhok niya.
Pagkatapos ng practice nila, karamihan sa mga baguhan nila umuwi na. Tumulong si Liam sa pag-ayos ng mga equipment.
"Kain tayo sa Jollibee, libre ko na." Napatingin agad ako kay Blake sa pag-sambit niya ng pangalan na Jollibee at napansin kong natawa siya ng mahina.
"Pass muna, leader-nim. May date kami." Umakbay si Liam kay Veronica at agad kaming napa-irap.
"Edi magda-date rin kami." Palokong sabi ni Blake at agad akong inabayan, namula agad mga pisngi ko at ngumiti sa akin si Veronica na pang-asar.
Pinilit kong pigilan yung malakas na pagtibok ng puso ko. Gustuhin ko man na ilayo sarili ko sa kanya, parang bang naka-dikit ang paa ko sa sahig, hindi ako maka-urong.
Sanay na ako sa ganitong galawan niya. Sobrang komportable na namin sa isa't-isa kaya kahit mag-akbayan kami o holding hands okay lang. Hindi niya lang alam na sa tuwing ganun kami, lalo akong nafafall.
"Sige, sumbong kita sa nililigawan mo." I said jokingly at natawa lang siya sa akin.
"Friendly date, Gabriella. May clear difference yun." She smiles. "Tara na, ako na bahala sa'yo pag na-late ka umuwi sa bahay."
Nag-paalam na kami kana Liam at dumiretso papuntang Jollibee, nagkwentuhan kami about sa mga nangyari sa klase namin along the way. Napapangiti ako sa tuwing tawang-tawa siya sa mga kwento niya, tapos biglang mahihiya at mananahimik. Naging habit niya na yun simula high school.
Pagdating namin ng Jollibee, umorder kaming pareho ng chickenjoy at ice tea. Nakahanap kami ng upuan na nasa pinakang-suksok ng building, siguro nirereserve na yung pwestong yun para sa amin kasi palagi kami doon umuupo. HAHAHA!
"Ano na ang plano mo doon sa nililigawan mo?" I asked at kumagat sa chicken, napatingin siya sakin at tumawa ako sa itsura niya. Puno pa ng kanin ang bibig at halatang nalilito siya base sa ekspresyon ng kaniyang mukha. "Sige, lunukin mo na muna yan." Sabi ko habang tumatawa.
Nilunok niya yung pagkain niya at pinunas ang bibig gamit ang tissue, ininom ang ice tea at tumingin sakin. Pagkababa niya ng baso, sinabi niya. "Mukhang wala naman akong pag-asa sa kaniya, Gab."
"Ay, bakit naman?" I asked curiously at ininom rin ang ice tea ko habang inayos niya ang pagka-upo niya.
"Nakita ko kasi na mas gusto niya pa sa piling ni Jake kaysa sa akin. Ni hindi nga siya nililigawan nung tarantado. Tatlong buwan ko na siyang nililigawan, pwede niya namang sabihin na itigil ko na para magsama sila ng masaya." She sighs at napanguso ako.
"Well. Panliligaw lang naman, wala pang kayo. She can be with other people and accept other suitors. Pero yun nga, halata naman kasing ayaw niya sayo. Bakit ayaw mong itigil? Ikaw mismong umayaw?" I asked at napatingin siya sakin.
"Ako? Aayaw?" She scoffs at sumandal sa upuan, "kilala mo ako, Gabriella Inez Montefalco. Hindi ako umaayaw o tumitigil hanggang yung tao mismo ang nagsabi na tumigil na ako. Masakit sa pride yun." Tumawa siya at napa-irap nalang ako.
Ayan, diyan tayo nagkakapareho. 'Di tayo basta-basta sumusuko.
Napatingin nalang ako sa baso ko at inubos yung ice tea. "I'm just saying naman, there's always that option." Ngumiti ako sa kanya. "Ayoko lang kasi na umaasa ka sa wala, masasaktan ka. 'Di yun pwede, best friend kita."
Napangiti siya ng malaki sa pagsabi ko nun. "Kaya mahal kita eh." She leaned towards me, at agad akong namula sa pagsimula niyang paggulo sa buhok ko.
"Ano ba!" Ngumuso ako at hinawakan yung wrist niya upang pigilan siya sa paggulo lalo sa buhok ko. Tawang tawa siya sakin at umupo ulit ng maayos.
Mahal niya ako?
Ay gaga, as a friend nga lang pala yun. Yawa.
"Ubusin mo na yan, bagal-bagal mo kumain." She says at inubos ko agad pagkain ko.
Pagkatapos namin kumain, naglakad na kami pauwi. Malamig ang simoy ng hangin, buti nalang naka-hoodie ako.
"Papanoorin mo ako sa biyernes, alright?" Ngumiti siya sa akin pagdating sa bahay, "Hindi pwedeng hindi, tutulungan mo pa ako sa panliligaw ko." Hinawakan niya ang batok niya at halatang kinakabahan sa kung ano man ang pinaplano niyang gawin.
Natawa ako at agad na ginulo buhok niya. "Huwag kang kabahan. I always got your back, you know that naman na sa dami na nating pinagdaan diba?" Ngumit ako sa kanya at pakiramdam ko matutunaw ako sa pagngiti niya sa akin.
Sheepish, halatang sobrang kinakabahan at nahihiya for such favors. Pero alam kong this could make her happy. Her happiness is my own, hindi ko kakayaning makita siyang malungkot.
"Magpahinga ka na pag-uwi mo, kailangan mo yan." Binuksan ko ang pinto at kumaway sa kaniya, kumaway siya pabalik at agad na umalis.
Pumasok ako sa bahay, tahimik ang paligid sapagkat ako lang ang nakatira dito. Hinayaan kong nakasara ang ilaw sa sala at umakyat papunta sa kwarto para makapag-ayos at mag-aral para sa susunod na araw.
BINABASA MO ANG
Confessions
Teen FictionLimang taon na ang lumipas simula ng makilala ni Gabriella ang kaniyang matalik na kaibigan, si Blake. At so loob ng mga taon na iyon ay nahulog na ang loob niya sa kanya. Hindi naman maitatanggi na ang pag-ibig ay walang batas. Pero paano naman kun...