Ang Simula.

54 1 2
                                    

"Kim! Andyan na siyaaa!" sigaw ng mga friends ko sa akin habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria. "Sino?" tanong ko sa kanila sabay lingon sa kabilang table. Diyos ko! Nabilaukan ako sa nakita ko! Ang crush kong si Rain suot ang kanyang blue na varsity jacket at sunglasses covering his captivating eyes. Napaubo ako ng sobrang lakas, it was so loud that the whole cafeteria heard it. Lumilingon ang lahat sa akin pati na si Rain. Lumapit siya sa amin.

"Kim, umayos ka. Papalapit siya!" sabi ni Mitch sa akin.

"Magpulbos ka, madali!" sigaw ni Rhea sabay kuha ng powder sa bag niya. Konting hango sa buhok dito, biglang pahid ng lip balm, at  nagmamadaling pag-apply ng face powder. Sa dami ng ginawa ko, hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Rain.

"Mitch, tapos ka naba sa project natin kay Mrs. Santos?" tanong niya kay Mitch na kaklase niya sa English.

"Oo, tapos na. By the way, meet our friend Kim." sabi ni Mitch sa kanya. Kinurot ko si Mitch, pa as if na nahihiya ako, pero I swear, tuwang-tuwa ako dahil tinignan ako ni Rain, yun bang tingin na parang may pandidiri pero walang akong pakialam basta tinignan niya ako. I extended my hand to him, gusto kong makipag-handshake, "Chance mo na 'to girl!" sabi ko sa sarili ko. I hanged on for few seconds pero hindi niya ako pinansin! Tumalikod ito at bumalik sa kanilang table sa cafeteria.

"Hindi gumana ang charm mo girl?" sabi ni Rhea habang binubuksan ang chips na dala niya.

"Sa'n ba ako nagkamali?" padrama kong sinabi habang bigla akong tumingin sa kanila. "Sa'n ba?" I repeated.

"Ang kapal..." sigaw ni Michelle.

"Oo, nga sobra..." sigaw ni Rhea.

"Umaarte nga lang ako dito, makapal na agad?" tanong ko habang kumukuha ng chips.

"Gaga!" bigla nilang sigaw. "Ang kapal ng powder sa face mo! Daig mo pa ang choco crinkles!"

Bigla kong kinuha ang salamin ko sa bag. Tama nga sila, dinaig ko pa ang choco crinkles sa kapal ng powder sa face ko! After few seconds of realizing that I looked silly, I wiped it off of my face. Kitang-kita sa salamin kong tawang-tawa si Rain. Hindi ko alam kung magagalit ba ako dahil nagmukha akong tanga o matutuwa dahil napatawa ko si Rain. "Whatever, I am going to shake it off pagdaan ko mamaya sa harap ni Rain, mag-aala super model ako. Humanda ka." I said to console myself.

"Hoy, Kim, sigurado ka bang si Rain ang nagligtas sa iyo  nung ma-hit-and-run ka last month?" tanong ni Michelle.

"Oo, I'm 101% sure. Kahit medyo blurry yung paningin ko, kitang-kita ko yung mukha ni Rain. My knight in shining armor!"

"Baka kamukha lang?" tanong ni Rhea.

"Hindi, I'm sure. Tinignan ko kaya yung logbook ng ospital and I saw the name, Rain John Martinez"

"Hindi naman obvious na obsessed ka ano?" Rhea continued

"Hindi naman masyado. Hahaha"

Pagkatapos ng ilang minutong pag-chichikahan, nag-ring na ang bell to tell us klase na namin. Magpapasikat na ako.

"Kim, ano ba? Why are you walking like a worm?"

"Nagpapa-pansin ako dito. Di ba parang super model?"

"Anong super model? Super crinkles siguro?"

"Tumigil nga kayo diyan. Watch and learn."

Habang nag-momodeling ako palabas ng cafeteria at habang hinihintay kong tumingin si Rain sa akin, hindi ko namalayang may nag-mo-mop pala ng sahig. Nadulas ako in front of the table where Rain was situated. Tumilapon pa yung bucket on the right part of my dress. I don't know what to do, tinulungan akong tumayo ni Mitch at Rhea while laughing at me as if I was a walking catastrophe, pero imbis na tulungan ako, tumayo si Rain at umalis. Nakakainis! Hindi ko alam kung manhid ba siya o wala lang talaga siyang pakialam. Ah, basta, naguguluhan ako! Lumabas ako ng cafeteria na basang-basa ang damit. Hay, malas nga naman oh!

Pagdating sa classroom, patuloy akong ginawang katatawanan nina Mitch at Rhea. Nahiya ako pero that event made me feel determined na mapansin ako ni crush. Yung tipong dahil sa sobrang kagustuhan ko, nakapag-isip pa talaga ako ng mga paraan para mapansin ni crush. Nag-isip ako ng halos isang oras at hindi na ako nakinig sa aming teacher sa Algebra kaya't napalabas ako sa klase dahil hindi ako nakasagot sa tanong ni ma'am.

"Oh, kumusta? Nakapag-isip ka na ba? Hahaha!" tanong ni Rhea habang tumatawa.

"Oo, at sa ten ways na ito, sisiguraduhin kong mapapansin na ako ni crush! Hahahaha"

At yun, ilang buwan lang ang nakalipas, dahil sa ten ways na ito, I was not able to predict the whirlwind of events. The event which would lead both Rain and I, twisted and speechless.

TEN WAYS TO GET YOUR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon