Mahal na mahal kita at ang akala ko tapos na
Akala ko wala na,akala ko okay na
Pero tuwing nakikita kita,nasabi ko sa sarili ko na
Tang -ina Ikaw parin pala,ikaw parin pala
Naiyak ako kasi,kaya pala di ko magawang magmahal ng iba kasi
IKAW PARIN PALA
Gusto kitang yakapin ng mahigpit,pero naalala ko may iba kana nga pala
Naiiyak ako kasi bakit ganun
Di ka parin kayang pakawalan ng puso kong tanga
Di ko alam kung bakit,sa kabila ng lahat ng pait at sakit
Ikaw parin ang Gusto at ginugusto ng puso ko ng paulit ulit
Yung kasiyahan na nararamdaman ko sayo
Yun yung saya na diko makita sa iba o sa kahit kaninong tao
Yung alam kong may nawawalang parte sa puso ko nung mawala ka
Simula noong sinabi mo na AYAW mo na
Wala akong nagawa kaya sinubukan ko na hanapin yun sa iba
Sinubukan kong maglakbay papalayo sayo mag- isa
Pero lage nalang akong sawi at lagi nalang akong nawawala
Ang isip at puso ko'y naglakbay pabalik uli at saka ko napagtanto na IKAW,.. IKAW pala talaga ang kulang
Ikaw yung nawawalang parte ng PUSO ko na nagkokonekta uli pag nagkikita at nagkakasama muli tayo
Di ko alam kung bakit hindi pwede
Kung bakit kelangan natin pahirapan ang ating mga sarili
Di ko alam kung bakit ganito
Kung pwede naman sa ulit bumalik sa dating tayo
Di ko alam kung bakit ang sakit
Sa kabila ng saya na dulot mo tuwing tayo'y nagkakadikit
Sabi nila mas masakit kumapit sa isang bagay kung hahawakan mo ng mahigpit
Kaya mas pinili kung kumawala sayo kahit di ko gusto
Kasi para akong nakikipaghawak kamay sa hangin na walang ibang tao kundi ako
Matagal ko ng gustong kalimutan ka at matagal ko ng ginustong kalimutan ka
Pero nagmamatigas ang puso ko nagmamatigas padin ito
Ilang buwan naba ang nasayang ilang buwan naba ang lumipas?
Ngunit hanggang ngayon ikaw parin ang gusto ng puso ko
Mulat at gising ako sa realidad pero naguguluhan parin ako
Kasi iba ang sinasabi mo sa pinapakita mo
Ramdam ko ang tibok ng puso mo sa tuwing mgkasama tayo.©RoyalQueenC 2020
BINABASA MO ANG
Ikaw Parin Pala
PoetryAkala ko nakalimutan na kita sa aking puso, pero IKAW AT IKAW PARIN PALA ANG LAMAN NITO.