Hillary's POV
"Hillary gumising kana tatanghaliin ka nyan sa Klase" naririnig ko si Mommy na ginigising ako, ano nga ulit sabi nya? malelate na ako sa Klase?
"Oh Shit" sigaw ko
"Oh bakit?" tanong ni mom
"Mommy! start na ng 2nd Sem ngayon! nakalimutan ko" sabi ko na nanlalaki ang mata
"kaya nga kita ginising diba? sige na mag almusal kana muna".
Nagtungo naman ako sa hapagkainan at kumain ng mabilis para hindi ako mahuli sa Klase, matapos iyon ay diretso ako sa banyo at naligo. Alas 7 ng umaga hanggang ala una ng hapon ang pasok ko sa School at wala akong breaktime. Pagkasuot ko ng sapatos ay agad akong tumakbo palabas at nagtungo sa paradahan ng tricycle, ayoko kasing malate sa unang araw ng klase.
Sa LRT, dali dali akong pumwesto sa lokasyon kung saan ako lagi pumupwesto, doon kasi nakapwesto ang crush ko na madalas kong makita at makasabay ng ganitong oras lalo nitong bakasyon na nagpalit ng schedule ang shop at maaga ang pasok ko sa trabaho at sya rin marahil... ewan basta sobrang pogi non, mukhang prinsipe, kaso hindi ko sya kilala, haizt!
Lumipas ang 45mins na byahe mula sa bahay ay nakarating nadin ako sa school, bumungad agad sakin si Anna
"I miss you best! anong nangyari sa hair mo? di mo nasuklay? nagmadali ka nanaman no?" pagbati nito na may halong pangaasar.
"i miss you too best! yah your right, tinanghali ako ng gising haha kaya nagmadali ako" ang sinabi ko sa kanya
"may suklay ka? naiwan ko yung sakin" pahabol ko, agad nyang kinuha ang suklay nya sa bag at iniabot sakin. Medyo basa pa ang hanggang siko kong buhok na alagang alaga ko sa conditioner at pag may pera ay pinapahot oil ko ito.
7:15 na wala padin yung prof namin? darating pa kaya yun? nakakainis naman nagmadali pako! hindi ko na nga nakita si crush ganto pa? letse!
Natapos ang buong umaga hanggang tanghali nalaman ko na boring ang sem na ito dahil block section kami at walang nadagdag na studyante kundi si Cedrick na mula pang Probinsya, pero infairness gwapo at mukang matalino. Isang prof lang pala ang hindi dumating kung kelang major subject pa.
Dumiretso ako sa Dress shop na pinagtatrabahuhan ko, nagpalit nanaman kasi ng schedule noong bakasyon ay pang umaga ako pero ngayon panghapon na, kinuha ko sa locker ang uniform ko at nagsimula na akong magtrabaho.
"Hill, kamusta soulmate mo si Lab (love)?" tanong ni Jenah
"Nako Jeh, nakakainis nga hindi ko nanaman sya nakita, may sakit kaya ang lalab ko?"
"haha next time kasi picturan mo na para hindi mo namimiss" pabirong sabi ni Jenah.
"gaga! eh wala namang camera itong cellphone ko! tingnan mo nga nakagoma pa"
"haha! oo nga pala".
Nagpaalam ako kay Jenah dahil kailangan ko ng mag cr, ibinilin ko sa kanya ang mga damit na inaayos ko.
Habang nasa cr ako narinig ko na may customer si Jenah, maliit lang din naman kasi ang dress shop na pinagtatrabahuhan ko kaya naririnig ko din ang paguusap ng dalawa. Paglipas lang ng ilang minuto ay lumabas na ako
"Huy Jeh, nga nga?" biro ko sa kanya dahil para syang wala sa sarili,
"ha? Naku Hill, i finally found him" hinawakan ang kamay ko at patalon talon ito sa kilig.
"are you alright?" tanong ko,
"Alam mo bang may pumasok ditong guy? ang pogi" sabi nito,
"ah yoon sana itatanong ko kasi pambabae ang tinitinda natin, sigurado kabang lalaki talaga yon? tsk! ikaw talaga baka mamaya may girlfriend na yun!" sabi ko
BINABASA MO ANG
Hello Sir Lab !!! (COMPLETED)
General FictionHard working student ang peg ni Hillary, nagaaral sa umaga at nag tatrabaho sa gabi... Mayroon syang long time crush na never nyang naitanong ang pangalan, madalas nya lang ito makasabay sa train... Nag-umpisa na ang 2nd Sem sa huling taon ni Hill s...