Hill's POV
Friday morning, ang pag alis nila mommy at Hannah, kahapon palang ay nakaayos na ang mga gamit namin, mamayang hapon ay ihahatid ko sa Airport sina Mommy at Hannah, si tita ang bumili ng ticket nila. Ibinenta na namin ang aming Ref, Washing Machine at ibang appliances para may dagdag kaming pera, mamaya doon na ako sa aking uupahan uuwi,well nandoon na ang mga gamit ko dinala namin ni Mommy kahapon,konti lang naman kaya nakayanan pang buhatin. Maaga akong nakarating sa School, may mga quizzes ngayon at hindi ako nakapagreview ng maayos, stock knowledge nalang, ngayon malamang mababa grades ko dahil sa madalas kong pag absent.
Natapos na ang klase nang makareceived ako ng text. "How are you?" sa pagkakatanda ko ito yung tumawag sakin last time at sabi ni sir Lab ay number nya iyon.
nagreply naman ako agad, "Ok lang po, pupunta ako airport mamaya, hahatid ko sila mommy uwi na po kasi sila province" binuo ko na ang text para wala ng tanungan pa, hindi sya nakapagreply agad,
after few minutes.. "What time?" aba may balak atang sumama nito..
"3pm po" reply ko, Hindi nanaman sya nagreply kaya itinabi ko ang phone ko at namalengke muna, 6pm kasi dapat ay nasa Airport na kaya bibilisan ko pagkilos ko.
Biglang nagring ang phone ko, at pag sagot ko "3pm sharp sa bahay nyo" tapos pinatay nya na ang phone, aba't baliw yun ah tinext ko sya hindi naman nagreply.
2:30 nang makauwi ako sa bahay namin, nakabihis na si mommy at Hannah,
"Magpahinga kana muna, bago mag bihis"
"opo" yoon lang ang sagot ko, ayoko nang umiyak eh nagbihis lang ako saglit dahil nga nakauniform pako nang dumating,
Saktong alas 3 dumating si Sir Lab, ano kaya talagang balak nya?
"Sir" sabi ko lang na kunwari ay nagulat,
"Good afternoon sir" pagbati ni mommy.
"Ah, ma'am ihahatid ko na po kayo sa airport may pupuntahan akong kaibigan malapit doon, nabanggit kasi sakin ni Hill na doon kayo papunta"
ah isasabay lang naman pala kami.. edi ayos libre pamasahe.
"Ah sige, salamat sir Thomas". Binuhat ni sir ang mga gamit at inilagay sa sasakyan matapos yon ay sumakay na din kami para umalis, habang nasa byahe ay tahimik ang lahat,
"Sir, pwede nyo po bang tingnan tingnan ang anak ko pag alis namin ni Hannah?" sabi ni mommy,
"Mommy! matanda na po ako"
"Ok po ma'am, tetext ko kayo pag nagpasaway si Hill"
Huh? textmate sila? gosh! isusumbong ako ni sir pala
"Sige sir" nakangiti lang si mommy.
Matapos ang ilang oras na byahe ay nakarating na kami sa airport, saglit palang ay kailangan na nilang pumasok sa loob,
"Hill, galingan mo pag aaral mo ha? wag munang magboboy friend" sabi ni mommy, naiyak na ako bigla, naalala ko si dad noong umalis sya yun din ang sinabi nya sakin bago sya umalis, niyakap ko si mommy,
"Mamimiss ko po kayo ni Hannah mom, uuwi po ako sa Christmas" pinunasan nya ang luha ko,
"Be strong anak" Hindi umiyak si mommy pero alam kong malungkot din sya, wala kasi kaming magawa, wala na kaming bahay.
Tuluyan na ngang umalis sila Mommy at Hannah, nalungkot ako ng sobra. After non ay lumabas na kami ng Airport ni sir.
"Sir thank you, sige na po una na ako" kasi nga may pupuntahan pa si sir Lab.
BINABASA MO ANG
Hello Sir Lab !!! (COMPLETED)
Ficción GeneralHard working student ang peg ni Hillary, nagaaral sa umaga at nag tatrabaho sa gabi... Mayroon syang long time crush na never nyang naitanong ang pangalan, madalas nya lang ito makasabay sa train... Nag-umpisa na ang 2nd Sem sa huling taon ni Hill s...