K-I-N-A-G-A-B-I-H-A-N
Hindi ako masyadong makatulog kaya pabaling-baling lang ako sa hinihigaan ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Habang nakakasama ko si Sir Mark ay hindi ko maintindihan ang puso ko bigla nalang itong kumakabog ng mabilis at hindi mapanatag kapag kaharap ko siya.
Pinipilit ko pa ring matulog, pero kahit anong gawin ko ay hindi talaga ako dinadalaw ng antok kaya naman lumabas nalang ako. Paglabas ko ay sinalubong ako ng isang hampas na hangin, maliwanag din ang sinag ng buwan na nakapag-bibigay sa akin ng liwanag kaya naman kahit madilim ay nakikita ko pa rin ang aking dinadaanan.
Hanggang sa makita ko ang tree house na nangdon lang malapit sa garahe, parang hinihila ang mga paa ko pa punta doon. Dahil na rin sa kuryosidad at ngayon lang naman ako makakapunta doon, ay nag pahila na rin ako. Nasa ikatlong hagdan pa lang ako ay naaninag ko na ang ilaw na galing sa loob, naka bukas din ng kaunti ang pinto. Kaya naman tuluyan na akong umakyat sa itaas. Pag-karating ko ay agad ko ng binuksan ang pinto. Inilibot ko pa ang paningin ko sa loob, hanggang sa isang sulok ay may makita akong anino ng tao na nakatayo. Nilapitan ko naman ito dahil akala ko kong sino, pero si Sir Mark lang pala nakaharap siya sa bintana habang tumitingala at nakatingin sa napakaliwanag na buwan. Aalis na sana ako ng mag-salita siya.
"Hindi mo ba ako sasamahana dito Samantha?" hindi ko alam na nalaman niya na pala na nangdito ako habang nasa likuran niya. Kaya naman bigla akong humarap sa kanya na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. Agad naman nagtama ang aming paningin at ito na naman ang kakaibang pakiramdam na siya lamang ang nakapag-bibigay sa akin. Dahil sa maliwanag na buwan na tumatama sa kanya ay nakikita ko ng maayos ang kabuuhan ng mukha niya. Agad naman siyang ngumiti sa akin, at ito na naman ang puso ko na parang may tambol dahil ang lakas-lakas ng kalabog.
Lumapit naman siya sa akin at, hinawakan niya ang kanang kamay ko. At hinila ako kung saan man siya nakatayo kanina.
"Halika Samantha, pagmasdan natin kung gaano kaganda at kaliwanag ang buwan" sabay tingala ulit nito. Kaya naman tumingala na din ako para mapag-masdan ang buwan.
"Mahilig din pala kayo sa buwan Sir? Minsan lang ako nakakakita ng ganyang klaseng tao. Iba na kasi ang panahon natin ngayon, hindi na nabibigyang pansin ng mga tao ang ganda ng ating paligid kasi naka-tutok na sila sa ibat-ibang teknolohiya"
"Yeah your right, but for me while looking at the moon it's represent my life from the past" habang hindi pa din niya inaalis ang kanyang paningin sa maliwanag na buwan.
"That's why I'm very thankful to you Samantha"
"Para saan po?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"For bringing the old Mark, the old Mark that always smiling, the old Mark that have a positive mind for making the things in a simple way, the old Mark that never give up for the challenges, and the old Mark that can accept the fact that no matter what happen there is always a reason to survive and to move forward from the past" sabay tingin ng diretso sa mga mata ko. "And because of you Samantha the old Mark is back" sabay ngiti sa akin.
"I love you Samantha, and I will do anything just to be with you. Even my mom doesn't like you for me. I promise I will fight for you no matter what happen" dahil sa sinabi ni Sir Mark ay napaiyak nalang ako, at don ko napag-tanto na hindi lang pala ako ang nag-kakagusto sa kanya pati na rin pala siya. Niyakap naman niya ako kaya gumanti na din ako ng yakap sa kanya.
Sabay naming pinagmasdan ang liwanag ng buwan, habang nakasandal naman ako sa balikat niya. Ako nalang ang bumasag sa katahimikan naming dalawa.
"Sir?" pinanglakihan naman niya ako ng mata. At doon ko lang napag-tanto ang tinawag ko sa kanya.
"Ang ibig kong sabihin, Mark?"
"Yan dapat masanay kana" sabay ngiti nito. Napangiti nalang din ako.
"Ano yon?"
"Bakit mo pala nalaman ang tungkol sa sinabi ni Ma'am Celine?"
"Narinig ko kayo"
"Narinig?"
"Yes, pupunta na sana ako sa room mo pero nakita ko si mom na pumasok sa room mo kaya nakinig nalang ako sa pinag-usapan niyo" napayuko nalang ako dahil narinig niya pala ang pinag-usapan naming dalawa ni Ma'am Celine.
"Hey" inangat niya naman ang baba ko para mapatingin ako sa kanya. "Sorry nga pala sa sinabi ni mom sayo, wag mo nalang siyang intindihin ako na ang bahala sa kanya"
"Pero Mark natatakot ako, paano kong malaman niya ang relasyon natin? At paalisin niya ako dito"
"Nah, that will never happen akong bahala hanggang sa dumating ang araw at matanggap ka na ni mom. Okay?" napatango nalang ako sa sinabi niya. Dahil may tiwala naman ako sa kanya.
"Here, take this" sabay abot sa akin ng bagong cellphone na naka lagay pa sa box nito.
"Para saan to?"
"Ibibigay ko sana yan sa darating mong birthday ngayong linggo, dahil nalaman ko na nasira pala yong phone mo"
"Teka, paano mo nalaman na birthday ko ngayong linggo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Kay Manang Telma" napakamot pa ito sa batok niya. At don ko lang naalala na nasabi ko pala kay Manang Telma kong kaylan ang birthday ko nong nag-luluto kami sa kusina.
"Wag na, hindi ko naman yan kaylangan at wala naman akong pag-gagamitan niyan. At tiyak akong mamahalin yan" sabay abot ko sa kanya, pero ibinalik niya rin sa akin.
"Anong walang pag-gagamitan? Meron kaya magagamit mo yan para sa communication nating dalawa, kaya tanggapin mona and wag kanang mag-alala sa price niyan" kaya wala na akong nagawa at tinanggap ko nalang ang ibinigay niya.
Malalim na ang gabi, at napag-desisyonan na nga naming dalawa na bumalik na lamang sa loob, para mag-pahinga. Nang dito na kami sa tapat ng pinto ng aking kwarto nag good night pa muna siya sa akin saka pumasok sa katapat na pinto. Pumasok na din ako sa loob ng aking kwarto at napalundag nalang ako sa kama at pinipigilan ko ang mapatili dahil sa mga sinabi niya kanina. Kahit hindi niya sinabi sa akin na girlfriend niya ako ay para sa akin boyfriend ko na siya at girlfriend niya naman ako. Niyakap ko nalang si Macky hanggang sa dinalaw na ako ng antok, hanggang sa aking pag-pikit ay dala-dala ko pa rin ang labis na kaligayahan.
***************************
#MOMCB
YOU ARE READING
Maid of My Cold Boss
RomanceAko nga pala si Samantha Flores maid lang naman ako ng pinaka-masungit, pinaka-gwapo, pinaka-hot na boss ko na si Mark Lopez. Iwan ko ba diyan sa boss ko pinag lihi yata yan sa sama ng loob. Walang araw na hindi ako pinapagalitan niyan. (Parang ara...