6:06 PM

701 39 22
                                    

             Moriset Paz Garcia's POV

Kinakabahan na may halong pagkatakot ang aking nararamdaman. Dahil isang duguan na babae ang nakaratay ngayon sa aking harapan. Nasagasaan siya ng isang humaharurot na sasakyan.

         Nakita ko ang buong pangyayari. Nakatayo lang siya do'n sa gilid ng isang fast food chain habang nakasabit sa kanya ang kanyang shoulder bag. Nang biglang may isang humaharurot na sasakyan ang bumangga sa kanya.

          Tumilapon siya at humampas nang malakas ang kanyang ulo sa sahig. Tumilapon din ang kanyang dala-dalang cokefloat. Parehas kami ng uniform no'ng babae. Pero 'di ko makilala kung sino siya.

          "M-Moris-set t-tulungan mo 'ko." Nagulat ako bigla dahil tinawag ng misteryosong babae ang aking pangalan. Humihingi siya ng tulong.

           Kilala niya 'ko? E, bakit hindi ko man lang siya mamukhaan? Pa'no niya 'ko nakilala? 'Yong mukha niya, sobrang labo.

           Nakita ko 'yong ID niya, hindi ko masyadong mabasa ang kanyang pangalan.

            Mm-? Me-? 'Di ko mabasa ang kanyang pangalan. Basta nagsisimula ito sa letrang M.

            Hinawakan ako ng babae sa aking braso. "6:06 PM. 6:06 PM," pautal-utal niyang sinabi sa'kin.

            Hindi ko maintindihan kung bakit niya 'yon sinabi sa'kin. Pero pakiramdam ko may masamang mangyayari.

            "Ka-kailangan niyong umalis ba-bago mag 6:06 PM."

            Pumikit ang kanyang dalawang mata nang dahan-dahan at tila nawalan na siya ng buhay.

            "MORISET! MORISET! Gumising ka na! Male-late ka na naman sa school niyan!" Napabalikwas na lang ako bigla dahil sa sigaw ng aking ina.

            Pagkagising ko, basang-basa ako ng pawis at 'yung puso ko tibok nang tibok na para bang gustong kumawala.

            Panaginip lang pala ang lahat. Natakot ako do'n! Napahawak ako sa aking dibdib at huminga ako nang malalim.

            "MORISET PAZ GARCIA! Bumaba ka na riyan! Kundi malilintikan ka na naman sa'kin!" sigaw ng aking ina.

            "Eto na po, bababa na po!" magalang na tugon ko sa kanya.

-----

            Habang ako'y naglalakad sa corridor ng paaralan namin, nakita ko ang aking bestfriend, mag-isa sa comfort room. Nagpapaganda ang mokong sa salamin.

            Ang landi talaga nitong Meg na 'to kaya naman pinatayan ko ito ng ilaw sa loob at sabay sarado ng pinto.

            Narinig ko ang kanyang napakalakas na tili sa loob kasabay ng pagbukas niya sa pinto ng comfort room.

            Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa kakatawa. Napaka matatakutin talaga nitong si Meg.

            "Nakakainis ka talaga Mori! Lagi mo na lang akong tinatakot," pabebeng reklamo niya sa'kin.

            Naglabas ulit ako ng isang malakas na halakhak bago magsalita.

             "Masyado ka kasing matatakutin kaya ang sarap mong lokohin, Meggy."

            Ang tawag ko sa aking bestfriend ay Meggy at ang tawag niya naman sa akin ay Mori. 'Yan ang tawagan namin dahil cute raw pakinggan sabi niya.

            Cute nga pakinggan, ngunit hindi naman bagay sa kanya dahil nga hindi naman siya cute.

            "Che! Magiging matapang na 'ko ngayon." sabi niya sa'kin at pabirong umirap.

6:06 PMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon