Chapter Four : Ang Unang Pagkikita

64 2 0
                                    

“ Ganda mo ngayon ah ? San lakad mo ate Chloe ? “ tanong ng kapatid ko sakin.

Napatingin ako sa salamin. Aba, oo nga no ! Ang ganda ko ngayon !  :)))) ahaha .. ngayon lang naman ee .. pagbigyan nyo na po ako : ))

“ahm .. ikaw talaga bolero ka din ee nu?  Dyan lang sa Quiapo, sisimba ko.” 

“weh ? makikipag kita ka lang sa boyfriend mo ee ..” sabi nya ng may nakakalokong ngiti.

Piningot ko sya sa tenga. “Ikaw talaga loko loko ka din ee nu? Manahimik ka nga !”

“Aray ko naman ate. Para nagbibiro lang ee .. alam ko namang wala kang boyfriend nu .. wala namang nanliligaw sayo ee .. tsaka ang panget mo kaya ! AHAHA .. :P “ sabi nya sabay takbo.

Grabe yung kapatid ko nu ? Mahal na mahal nya ko diba ? Maka sabe ng panget saken wagas  .. oh well sorry na lng sya. May boyfriend na ko. HAHAHA ..

You read it right ! May boyfriend na nga ako. Kame na ni Brandon : ))) Ang landi ko nu ? oh well papa.chossy pa ba ko ? Sabi ko nga Ulam na ee .. pakakawalan ko pa ba ?

Paano naging kame ? Eh di niligawan ko sya. Pakipot pa nga nung una ee.. Sasagutin din naman pala ko. Kala nya ba makakaligtas sya sa bangis ko ? AHAHAH ..

Pero syempre joke lang yun. Ano ko bale ? Ako pa manliligaw sa lalake ? Gwapo naman nya.

Ang totoo simula nung sinabe nya saken na gusto nya ko lagi na kameng magkatext at magkausap. Kung anu-ano lang mapag-usapan. In fairness masarap talaga sya kausap.

Dami ko pang natututunan sa kanya. Tulad ng pakikipag-usap sa mga kaluluwa sa kabilang buhay o kaya pakikipag communicate sa mga maligo at impakto.

 HEHEHE .. echosz !

Basta ! mahirap iexplain yung feeling kapag kausap ko sya. Mahal ko na talaga sya. Kaya naman nung nanligaw sya hindi ko na pinatagal pa. Eh di sinagot ko na. Dun din naman punta nun diba ?

Pinag-isipan ko talaga yun ah ? Dumugo nga mga brain cells ko sa pag-iisip kung tama bang sagutin ko sya ee.. pero sabe nga ng niya, hindi ako dapat mag alala hangat wala naman akong ginagawang masama. As long as we’re happy to each other.

Oo nga pala syempre pinaalam ko ‘to kay Chelle nu ! Sinabi kong suko na ko sa pustahan namen. Tsaka ako naman panalo ee .. Na inlove sakin ee. Simula ngayon ayaw ko ng isipin na nakilala ko si Brandon dahil lang sa isang walang kwentang pustahan.

Ang dami kong satsat nu ? Alis na nga ako. Baka inaantay na ko ng mahal ko sa aming tagpuan. AHAHA ...

Nakasakay na ko ng jeep papuntang Quiapo Church. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako and yet excited.

Excited na kong Makita sya sa personal  .. Sa facebook ko lang naman kase sya nakikita. Gusto kong malaman if gwapo talaga sya sa personal. HAHAHA ..  ang landi ko talaga : )))

Pero kinakabahan ako. What if hindi nya ko magustuhan ? What if hindi sya sumipot ?  What if pinagtitripan nya lang din pala ako ? Ang daming “what if’s” !

Ahhh .. bahala na ! tsaka ko na lang yun iisipin kapag nandun na ko.

 Nandito na ko sa loob ng simbahan. Dito ko sa may bandang confession room tumambay. Gusto ko nang ikumpisal ‘tong gagawin ko. Asan na kaya yung lalaking yun ??

1 MESSAGE RECEIVE : Brandon

@hey babe ? wer are you ? I’m in the entrance door already.

BENTE : A STORY OF UNEXPECTED LOVE (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon