Synopsis: Catching feelings for the wrong person.
Warnings: Bit of angst, bit of fluff, mention of cheating.
Song that inspired me to write: "Ipagpatawad mo by Mayonnaise" But the one who requested this fic prefers the song "Sa Aking Puso by Kaye Cal"
A/N: This is requested by a close friend. :) I hope you enjoy. This is a quick written mini fic. Also this is written in Tag-lish.
WC: 1,748
***
"PRRIIIIITTTT!!!" malakas na sipol ng pito ni ref, tanda ng break ng laro.
"Whew." Hingal na tambad ni Mike sa kanyang mga ka-team mates. Napa-iling siya ng makita ng scoreboard: 31 - 26, tambak na ang team nila Mike.
"Pre," isang mainit na palad ang dumapo sa balikat ni Mike, "Nakahabol pala si Anj. Andiyan siya nanonood."
"Ha?" Nanlaki ang mata niya sa mga sinabi ng kaibigan. "Saan banda?" Lumingon siya sa mga taong maingay na nanood sa court. Kaliwa't kanan ang pag liko ng kaniyang ulo, pilit na hinahanap ang isang importanteng tao sa gitna ng karamihan. Halos humaba na ang leeg niya para suyurin ang buong court pero hindi niya makita ito.
"Pre, ano ba? Ang layo ng tingin mo. Ayan lang malapit sa side court." singhal ni Jeth.
Marahang tumalikod si Mike at nakita niyang kumakaway ang kaibigang si Anj.
"Go, Mike!! Lampasuhin mo sila!!" Nakangiting sigaw ni Anj bilang suporta sa kaibigan.
Ang kaninang nakasimangot na mukha ni Mike ay napintahan na'ng 'di maitagong ngiti. Sa hiya ay hindi siya makatingin nang diretso kay Anj.
"Oy oy oy? Anong mukha yan? Kinikilig, ha? Kinikilig?" pang aasar ni Jeth.
"Ulol." banat ni Mike sa kaibigan.
"Ulol mo rin, Mike. Di mo yan matatago sakin." Dagdag pang pang-aalaska ni Jeth kay Mike.
Natapos ang breaktime at itinuloy ang laro. Parang musika sa kanyang pandinig sa tuwing naririning niya ang mga hiyaw ni Anj sa side court dahilan para lalo siyang magpakitang gilas sa laro. Sa tuwing makakanakaw ng tingin kay Anj, ay di niya mapigilang magbitaw ng pasimpleng ngiti sa sarili. Isang pakiramdam na hindi niya maintindihan.
---
Halos mapaos si Anj sa walang humpay na pag hiyaw at pag cheer para sa kaibigang si Mike. Bakit nga ba ganito na lang kung suportahan niya ang kaibigan? Sa dinamirami ng malalabong bagay sa mundo, isa lang ang malinaw para kay Anj -- hulog na hulog na siya sa kaibigan niya. Kung dati ay pinipili niyang isawalang bahala ang mga panunukso ng kanilang mga kaibigan, ngayon ay parang kakaibang pakiramdam na ang bumabalot sa kaniya ng buo sa tuwing tinutukso sila, kilig. Maling kilig. Aamin na ba ako? tanong ni Anj sa sarili. Matagal na niyang tinatago ang tunay na nararamdaman para sa kaibigan. Pero habang nilalabanan niya, ay lalo lang tumitindi, lalong lumalalim at lalo siyang nahuhulog.
---
Isang malakas na pito at kasabay nito ay ang hiyawan ng mga nanonood. Nanalo ang team nila Mike. Sa sobrang taas ng andrenaline ni Mike at agad siyang tumakbo sa side court para yakapin ng mahigpit si Anj.
Sa kabilang banda si Anj naman na punong puno ng excitement, ay napayakap rin ng mahigpit kay Mike.
"Congrats, Mike!" pag bati ni Anj sa kaibigan habang nakayakap dito.
"Shet, thank you sa pag punta Anj! Thank you talaga!" pasasalamat ni Mike sa kaniya.
Na'ng dahan dahang bumaba ang excitement ni Anj at andrenaline ni Mike, napansin nilang nakayakap parin sila sa isa't isa. Unti unting nawala ang higpit ng yakap ni Anj at dahan dahang pinalaya ni Mike si Anj mula sa mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya. Dun lang nila napagtanto na nakatingin na ang buong team ni Mike sa kanila.

YOU ARE READING
Random One Shots
De TodoRandom requests, song drabbles, mini fics which are not fandom based. The story, all names, characters, and incidents portrayed in this production are fictitious. No identification with actual persons (living or deceased), places, buildings, and pr...