I started my wattpad diary when choss! May paenglish e no. Hahahahah Pero di nga nagstart wattpad diary ko nung 2016. Di ko alam ba't naisip ko yun. Basta mahilig lang talaga ako magsulat, ng kung ano ano. I also have my journal for devo, na minsan nagiging death note Hahahaha At itong wattpad dairy? Ewan ko para san 'to. Gusto ko lang magfeeling writer, bakit ba. Hahahahah
So yun nga, balik tayo sa wattpad diary ko na pinamagatang Ang Diary ni Ligaya, na umabot ng 200+ reads at 13 votes Hahahahah partida ilang buwan lang yun nakapublished. choss! Naka private na ngayon, nahihiya kase ako sa mga sinulat ko dun. Ayuko naman burahin kase syempre memories din yun, and it's part of who I am today. Hahahahaha kahit puro kabonakan mga ginawa ko dati. Dang kakahiya. Hahahaha
Pero ito na nga, nagbabalik ako. Wala paring konkretong dahilan, basta gusto ko lang isulat mga ganap sa buhay ko. Mga naiisip ko at mga realizations ko na di ko mashare sa twitter at sa friends ko Hahahahah so yess! Wattpad is the perfect place! Walang maninita dito kung makalat ako at masama ugali ko Hahahahahah choss.
Random category neto kaya malamang kung ano ano isusulat ko dito Hahahaha Dami kong gusto ishare. Mga di ko makwento sa iba Hahahahaha Buti nalang naimbento wattpad.
Sa totoo lang ang kapal ng mukha kong mag gaganto ngayon. Ang dami kong gagawin! Midterms na next week pero ito ako lumilipad isip. Hahahahah Magaling parin naman ako magmulti task kagaya ng dati. Di ko lang alam ngayon kung ano kalalabasan, gayong pinag sabay sabay ko wattpad, kdrama, konting harot at LOL. Shocks ewan ko nalang talaga kung maging globally competitive upright individual ako neto Hahahahaha
So hanggang dito lang muna, kase dami ko need gawin. Sa next chapter na ako magstart ng hanash. Hahahahahah