Tuwing September 26, nagcecelebrate kami ng monthsary namin ni Ella.
Syota? Yun kami. Ibig sabihin short time. Panandaliang relasyon lang. Pero ako, mahal ko si Ella.
Hindi ko alam kung mahal din ba niya ko.
Lagi kaming nagccutting tuwing monthsary namin. Para lang magkasama.
Nagsasaya lang kami. Kwentuhan, mag-lalaro, pero hindi ko maintindihan kung bakit ang cold niya sa akin.
Lagi siyang tulala, matamlay, ang lalim lagi ng iniisip. Tuwing itanong ko naman, biglang aalis.
Hindi ko na maintindihan. Parang iniiwasan niya ko. Nilalayuan.
Tuwing itatanong ko minsan kung bakit, biglang magagalit. Magwwalkout.
Pero, pilit ko siyang iniintindi, kasi mahal ko siya, mahal na mahal.
Teka, bigla na naman siyang nawala. Ewan ko ba sa kanya, hilig ba niya ang taguan?
Hinahanap ko na naman siya. Paikot ikot na ko. Hindi ko parin siya Makita.
Ayun siya kasama ni Quen...
Nasasaktan ako, sobra.
Uminom ako, naglasing. Para na kong, basing sisiw na nagpapaulan.
Mahal ko siya...
Makalipas ang anim na taon.
Tuwing September 26, sinusuot ko parin ang school uniform naming nung high school kami. Pupunta parin ako sa lugar tuwing monthsary naming, masyado kasing memorable dun, dahil dun kami nagkakakilala’t dun niya rin ako, sinagot. Ginagawa ko parin ang mga ginagawa naming tuwing monthsary namin, ako lang magisa. Kahit nagmumukha na akong tanga.
Yung tipong aasta ako na parang may ka-hawak kamay habang naglalakad.
Gumagawa ng bula, na parang kasama siya.
Tatakbo takbo na parang may hinahabol na bata.
Iguguhit ang mukha niya, na wala naman sa aking harapan.
May bubuhatin na akala mo’y may buhat buhat..
Para na kong tanga, eh anong magagawa ko? Mahal ko siya...
Napatabi ako sa mga tambay dito, tulad nung dati, nung kasama ko pa si Ella.
Narinig ko na naman..
”Pare punta tayo dun sa lumang building. Balita ko may multo dun. Ptangina.”
“Ggo pare.”
“Balita ko, six years ago daw may nirape at pinatay dun. Tngna.”
“Oo nag pare. Pta. Kawawa pre yung babae, pinagsasaksak.”
Naririnig ko na naman ang mapait na nakaraan.. si Ella kasi yung tinutukoy nila
Ginahasa raw siya ni Quen noon dun sa lumang building, nagpupumiglas siya, kaya pinagsasaksak siya.
Nahampas pa nga raw nun ni Ella si Quen ng bato sa mukha para makatakas eh, kaso, naabutan siya.
Pinatay siya...
Pinatay ang taong mahal na mahal na mahal ko...
May sinulat pa nga siyang sulat sakin noong araw na un bago siya mawala sa pangin ko’t Makitang kasama ni Quen,
Ang nakalagay...
Dear Patrick,
Hello. Alam mo ba, ang saya saya ko tuwing kapiling kita. Hindi ko alam kung bakit pero,... Ugh ang corny ko na. Pero, alam ko naman nagtataka kung bakit ako nagiging cold sayo. Pero sana maintindihan mo ako. Pinagbantaan kasi ako nila Quen na kapag hindi ko raw siya sinagot ay sasaktan ka nila araw-araw hanggang sa mamatay ka. Kaya pumayag na ko, MAHAL KASI KITA eh. Si Quen kasi leader ng isang gang kaya hindi ako makatanggi. Pasensya na ha? Ayaw lang kasi kita mapahamak, ng dahil sakin. Pero eto tandaan mo ah? I LOVE YOU. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Patrick. To infinity and beyond...
Love, Ella :*
Araw-araw akong pumupunta sa puntod niya’t inaalala ang bawat masasayang pangyayari sa amain, pero hindi ko maiwasan na pati mga mapupuot ay aking, natatandaan..
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Andyan po sa gilid yung original.. (YOUTUBE)
BINABASA MO ANG
September 26 [One-Shot]
Fanfiction[TAGALOG] Syota? Ano nga bang ibig sabihin ng syota? Short time. Panandaliang relasyon lang. (inspired by : Raynier Brizuela)