Chapter 1

6 1 0
                                    

"Dad alis na po ako" sabi ko. Haysss heto na new school new life. Pero kahit na ganun nalulungkot parin ako kasi Hindi ko na makakasama ng matagal si Dad at kuya, hayysss mamimiss ko sila.

"Sige baby ingat ka hah, pasensya ka na Kung Hindi Kita maihahatid sa school mo may important meeting kasi ako." Sabi ni dad

"Okay lang dad, naiintindihan ko po" sabi ko

Sumakay na ako sa kotse namin at ngunit bago ako umalis humalik muna ako sa pisngi nya at nag paalam. Habang nasa daan kami nakaramdam ako ng antok kaya natulog muna ako. Pagkagising ko wala na kami sa siudad at bumungad sa akin ang mapunong daan.

"Kuya tama pa ba ang dinadaanan natin? Masyado ng mapuno dito oh, sigurado ka bang may academy pa dito?" takang tanong ko kay kuya

" Oo naman lil sis, dito ako nag aral dati diba?"sabi ni kuya. Oo nga pala nag aral nga pala sa dormitory school noon si kuya pero hindi ko alam na dito pala siya nag aral nun. Mas matanda ng 6 na taon si kuya kaysa sakin 17 nako siya naman 23 na, diba ang tanda na niya haha. Kanina pa ko dada ng dada dito pero di pa pala ako nakakapag pakilala, ako nga pala si Ayesha Jane Almante at ang pangalan naman ni kuya ay Eion Drake Almante galing kami sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa Asya at marami kaming kaaway sa negosyo kaya kailangan naming mag ingat. Lalo na dahil sa nangyari sa amin 3 years ago.

Nang maka lampas kami sa mga puno ay bumungad sa amin ang isang napaka laking gate at pader na may naka sulat na Clarkton Academy. Automatic na bumukas ang gate ng makarating kami sa harap nito. At hindi ko maiwasan ang mamangha sa ganda ng academy na ito pinaghalong modern at old design ang school na ito at napaka ganda ng kombinasyon na iyon, marami ring halaman sa paligid at mga puno na mas nakapag dagdag ng ganda ng eskwelahan na ito.

Maraming estudyante ang nakatingin sa amin pagbaba namin ng kotse lalo na kay kuya na akala mo nakakita sila ng artista.

"Wahhhh si Drake!!!"

"Drake ang gwapo mooo!!!"

"Drake my babyyy!!!"

"Drake pakasalan mo ako!!!"

Tilian pa nila tapos may nag bubulungan pa na sana sinigaw niya nalang kasi rinig na rinig naman.

"Sino kaya yung babaeng kasama niya?"

"Ang ganda nung babae pre."

"Uyyy chixxx"

"Kaano ano kaya yan ni Drake?"

"Ewan, pero ang ganda niya ah"

Hindi nalang namin sila pinansin at dumiretso na kami sa Headmaster's office. Kumatok si kuya at agad naman kaming pinagbuksan.

"Oh Mr. Almante, long time no see." bungad ng isang mid 40's na lalaki, matangkad ito at may itsura, mukha itong mabait but screams authority.

"Headmaster Valdez" pagbati ni kuya


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon