Day 1

2K 47 12
                                    

I woke up feeling dizzy because of a hang over, i just drunk until i dropped last night.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit nito, drinking is fun not until you felt the hang over the next day.

Napatingin naman ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang babaeng kinamumuhian ko.

Maya lejine Abrosa-Hernison

My freaking wife

Sinamaan ko siya ng tingin ng makita ko ang pagpasok niya.

"What are you doing here?"tanong ko habang kunot noo at masamang nakatingin sa kanya.

Napayuko naman siya. "Ah-ahmm may ano may niluto ako para mawala hang over mo." pabulong niyang sabi halatang takot sa akin dahil hindi makatingin sa mata ko.

"Tss i can manage myself. Hindi mo na kailangang ipagluto ako kainin mo kung gusto mo o kaya itapon mo yan wala akong pakialam." walang emosyon kong sabi pero may rahas sa aking pananalita.

Napayuko siya lalo. "Ahh si-sige pero magsabi ka kung kakain ka ipagluluto kita." humarap siya at tumingin ng saglit bago ngumiti ng kaunti.

"Alis na." pagtataboy ko sa kanya na sinamahan ko pa ng senyas ng kamay agad naman siyang lumabas.

Tumayo na ako at dumeretso sa banyo, maliligo muna ako para kahit papaano ay mahimasmasan at mawala anh sakit ng ulo ko.

Pagkatapos kong maligo ay itinapis ko nalang muna ang twalya sa bewang ko at lumabas ng banyo, narinig ko namang tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito at nakitang ang private investigator ko ang tumatawag agad ko naman iyong sinagot.

"Yes any update?" bungad ko pagkasagot ko ng tawag niya.

"I have all the information that you need sir." pormal at magalang niyang sabi sa akin.

"Good. Bring it to my office later." hindi ko na siya pinasagot at agad na pinatay ang tawag, alam na niya iyon.

Pagkababa ko ay nakita ko ang babaeng yun na nakaupo sa may sala nakahawak ito sa kanyang bandang dibdib at parang may tinitingnan.

"Bakit nakatayo ka lang dyan?!" seryoso ngunit may bahid na galit ko sabi. Agad naman siyang napatayo. "Ano ka dito Senyorita?! Ang kalat ng bahay oh?! tapos makikita kitang nakaupo lang diyan?!" galit na sermon ko sa kanya.

Ang tamad tamad talaga kahit kailan hindi na nagbago, kailan ko nga ba siya nakitang magsipag? wala akong matandaan. Kung noon ay prinsesa siya noong nabubuhay ang magulang niya pwes ngayon hindi na dahil ngayon isa na lamang siyang hamak na katulong ko.

Asawa ko lang naman siya sa papel at para sa akin isa lang siyang sampid sa bahay na ito, pahirap sa buhay ko at higit sa lahat hadlang sa kaligayahan ko.

"Pasensya na parang masama kasi pakiramdam ko--"

"Masama pakiramdam mo?! Kung sayo parang ako masama na talaga pero ano nakita mo ba akong humilata lang sa upuan?! hindi diba kaya huwag kang mag-inarte dyan at gawin mo na ang trabaho mo!" galit na galit kong sabi sa kanya at sa sobrang galit ko ay dinagdagan ko pa ang trabaho niya.

Pinagbabasag ko lahat ng vase na gawa niya kaya lumikha iyon ng ingay dahil sa pagkahulog noon sa sahig. Napasigaw naman siya.

"Tama na please!" lumuluha niyang sabi habang nakatingin sa tatlong vase na magkakaiba ang kulay na ngayon ay basag na. "Maglilinis na ako please tama na!" nagmamakaawa niyang sabi.

"Sinisigawan mo ako?!" sigaw na tanong ko sa kanya at marahas na hinawakan ang kanyang panga nakita ko siyang napangiwi dahil sa sakit kaya mas lalo ko itong hinigpitan.

Seven Days, My Wife. (Days Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon