... "sa babaeng mahal na mahal ko magpahanggang ngayon, sana ay masaya ka, sana nahanap mo ang kasiyahang di ko maibibigay kailanman. Maraming taon man ang nakalipas, isang sulyap lang sayo, bumalik lahat ng alaalang pilit ko nang ibinabaon sa limot, lahat ng masasaya at masasakit na alaala na pinagsamahan. Ang pagmamahal na kailanma'y walang katumbas."Rinig na rinig ko ang sakit sa mga binibitawang salita niya, na akala mo'y parang kahapon lang nagdaan ang lahat. Di ko mapigilang umiyak ng palihim, dahil alam kong lahat ng sinasabi niya ay para sakin.
... "Ang sarap mo paring pagmasdan, gustong-gusto kitang yakapin at sabihing minamahal parin kita pero alam kong di na pwede sapagkat ako ay nakatadhana na, nakatadhana na sa Panginoon. Gusto kitang yakapin pero alam ko, pag nahawakan at nahagkan kita, di ko na kakayanin pang bitawin ka ulit."
Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng aking luha, ang puso ko naman ay pilit na sumasagot, gustong sabihin na mahal na mahal ko parin siya. Ganito pala ang pag-ibig, ganito pala kasakit ang pagpaparaya at ang pagpapaubaya sa taong akala mong siya na ang huli ngunit sa iba pala nakatadhana.
J | SadPill
Sana po ay subaybayan niyo po ang kwentong ito, ito po ay hango sa kanta ni Ate Moira, yung Paubaya. I was really moved with the song and sobrang tagos sa heart kaya may nagagawa akong kwento na tulad nito.ENJOY READING!
stay safe rin po.
BINABASA MO ANG
Paubaya
RomanceAt kita naman sayong mga mata, kung bakit pinili mo siya. Ang hirap labanan ng tinadhana. Pinapaubaya ko na sa kanya. - Paubaya by Moira