Beautiful Goodbye (One Shot)
I remember your eyes were so bright.
When I first met you, so in love that night,
And now I’m kissing your tears goodnight,
I can’t take it; you’re even perfect when you cry.
A Beautiful Goodbye…
Since nangyari yun, parang nakakatakot magmahal ulit. Parang nakakatakot masaktan ulit. Yung tipong lahat naman ginawa mo, pero ganun yung isinukli sa’yo. Inaamin mo naman na may pagkakamali ka, pero hindi lang naman ikaw. Ano sya, perpekto? Yung tipong kahit anong gawin niya, hinding-hindi siya nagkakamali?
Yan ang mahirap sa love, ang maranasan mo ang It-hurts-very-much -na stage. Pero hindi naman maiiwasan ang magmahal. Sabi nga nila. Hindi natuturuan ang puso. Kasi nga daw a---
“NESSSSS!!! Kakain na!!!!”
“ Busog pa po!!!!!!!!!”
Katulad nyan, hindi ka pa tapos gumawa ng one shot story mo sa wattpad, tatawagin ka na para kumain. Eh parang kakakain palang namin kanina. =___=
By the way, the other way, all the way, Ako nga pala si Vanessa Michaella Gomez. Ness na lang for short. Kaya ako nagdadrama ngayon sa kwarto ko dahil…. Saan pa ba, edi sa lintik na pag-ibig na yan. Tinitiis kong kalimutan yung ibang mga lalaking umaaligid sakin para lang sa nag-iisang tao na yun, Natiis ko ngang seatmate ko na wag pansinin eh. Kawawa. Nerd kasi… Feel ko may gusto sakin. (Feeler/.) Pero binalewala ko lang. nagpaka effort ka, to think na ikaw yung babae, nagtapat ka sa kanya ng buong puso, ang seryoso mo pa nun ah, tapos bigla na lang sasabihin sa’yo, “We’re not perfect for each other. Sorry.” Yun na yun? Magsosorry na lang tapos Boom! Wala na yung nararamdaman mo?
Kaya ang sarap magsenti eh. Favorite ko rin yung kantang nasa taas. Lagi kong kinakanta yan kapag malungkot ako. Maganda naman ako, pero bakit ganun?
“A beautiful goodbye… oh. Was dripping from your eyes…”
*Swisshhh*
Lakas naman ng hangin. Teka, ano to? Paper plane? Astig naman. Sakto talaga sa kwarto ko huh. Tingin sa kaliwa, ayy, nakabukas pala yung window. Tsaka sino naman magbibigay nito? Pero bakit parang may sulat?? Mabasa nga.
“When did the rain become a storm? When did the clouds begin to form?”kalimutan mo na siya. Nandito naman ako. Aalagaan kita. Ipapakita ko sa’yo na deserving ako sa pagmamahal mo. Kahit di mo ko napapansin, mahal pa rin kita. Kahit ganito yung itsura ko,kahit katabi mo lang ako pero parang wala lang sa’yo, ok lang, mahalin mo lang din ako. Kahit umuulan na ng malakas, kahit ilang araw pa. hihintayin kita dito sa labas ng bahay niyo. Kapag hindi ka lumabas. Bahala na. Basta mahal kita Vanessa.
J-j-j-ames??? Si James lang naman yung nerd kong katabi eh. Hinihintay niya ako sa labas? Imposible. Madaling araw na oh. Ts ka madilim. Hindi nya ko hinihintay. Matutulog na lang ako.
Monday, December 3, 2012. 8:05 am.
Pagpasok ko sa school, bangag na bangag ako. Wala akong maintindihan sa nilelecture ng teacher ko. Pero narinig ko bigla yung name ko.
“Gomez!”
“Uy, Ness. Tawag ka ni Ma’am.” At doon lang ako natauhan.
“ Yes Ma’am?” Hala. Nagkandaloko loko na.
“ Answer my question.” Terror pala tong si Ma’am. Lagot.
“Can you repeat the question Ma’am.” Sana di magalit.
“ What are the 2 kinds of electrical charges?” Ohem. Hindi ko alam.
Electron and Ion…
Hala. Parang may bumulong ng sagot. Tapos lumakas yung hangin. Nakakapangilabot. Imposibleng katabi ko yun. Boses lalaki eh. Babae katabi ko . No choice.
“ Ah eh Electron and Ion Ma’am.” Sana tama naman.
“ Good.” Yesss!!!
Krrriinnggg!
Yes! Break na. pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom. May sumugod sakin bigla na babae. Parang matanda na. Sinabunutan niya ako.
“ Walanghiya ka!! Pinatay mo!! Pinatay mo ang anak ko!!” Umiiyak sya. Hindi na lang ako pumapalag. Pero naiiyak na rin ako.
“ Ma! Tama na.” pinigilan nya yung babae tapos pinalayo nya muna. Babae sya. Maganda. Kamukha ni… aiisshh. Nakalimutan ko na. basta classmate ko yun.
“Ako nga pala si Nadine. Nadine Santiago. Vanessa Michaella Gomez, right?” pano nya nalaman. Hindi ko naman sya kilala. Tapos parang ang lamig lamig.
“ O-opo. Bakit po ba?”
“ Kapatid ako ni James Santiago.” Ahh. Okay.
“ Ah okay po. Bakit nga po pala siya absent? May sakit po ba siya?” hindi ko kasi sya napansin kanina.
“Mas malala pa sa sakit.” Huh? Ano yun?
“ A-ano po?” Bat ganun? Kinakabahan ako.
Then, she started to cry. “Patay na sya.”
“Huh?! He-he. Totoo po ba yan?” hindi ko na napigilan. Tumulo na rin ang mga traydor kong luha.
“Totoo yung mga sinasabi ko.
At dahil yon sa’yo”
“ Sinabi niya sa amin ni mama ang mga plano niya. Simula nung una pa lang. Mahal ka niya. Sadyang manhid ka lang talaga. Naaalala mo ba nung pinadalhan ka niya ng sulat? Ang kapatid ko yun.” Humahagulgol na siya.
Nararamdaman ko yung sakit na sinasabi niya. Mawalan ka ba naman ng kapatid? Mahirap talagang tanggapin.
“At dahil don, hinintay ka niya talaga sa labas ng bahay nyo. Umulan man o umaraw. Pinilit naming siyang umuwi kahit makakain man lang pero ang sabi niya lalabas ka daw. Kaso nung gabi, napagtripan siya ng mga taong kanto sa inyo. Kaso pumalag siya kaya, n-n-anasaksak siya.”
“H-hindi ko naman alam n-na m-maghihintay sya ng ganun katagal.” Hindi ako makapaniwala. Naghintay pala siya ng matagal pero binalewala ko lang. Hindi ko na mapigilang umiyak.
“Yun na nga ang problema! WALA KANG ALAM!” She walked away. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Parang may sariling utak yung mga paa ko at pumunta sa puntod ni James.
“J-james, alam kong kasalanan ko naman ang lahat eh. D-dahil sakin, nadisgrasya ka. D-dahil sa pagbabalewala ko sa’yo, namatay ka.” Gusto kong umiyak. Pero di pwedeng makita ni James na umiiyak ako, na nanghihina ako, na nawawalan ako ng lakas ng loob, kasi dahil sakin, nawala siya. Pasensya na ha… Sorry. Tama yung sinabi ng ate mo, kase nga wala akong alam.”
Akala ko pa naman magiging isang Beautiful Goodbye yung storya ko. Hindi ko halos akalain na magiging ganito.Na magiging isang Alaala na lang ang lahat. Kaya kayo, huwag kayong tumulad sakin na manhid, dahil ba magsisi din kayo sa huli.
Halla! Ang pangit naman ng gawa ko. Masyadong senti. Nyehehe.. x)