"Pst! Penge lima!"sabi ko kay Janine na classmate ko.
"oh!Buraot!" sabi ni Janine sabay bigay ng lima.
Vacant kase namin ngayon. Wala akong magawa kaya napaisip ako kung humingi kaya ako ng 5 pesos sa lahat ng classmate ko edi may 200 na ko,41 kase kaming lahat. Pwede na pambili ng madaming chuckie at isang garapon ng stick-o BWAHAHAHA.
"Gab! Penge payb" sabi ko kay Gab na classmate ko ren
"wala eh" sabi nya
"sige naaaaa! Wala na akong pamasahe! Nagugutom na rin ako!" sabay puppy eyes at nguso.
Yan technique ko kapag ayaw nila ko bigyan hehe.
"oh eto na nga!" sabi ni Gab sabay bigay.
"Salamat!" sigaw ko sabay takbo
"Buraot!" rinig ko pang sigaw nito.Tinawanan ko lang sya,eh sa totoo naman e.
•••
Tumambay ako sa garden para hanapin ang panghuling bibiktimahin ko. At walang iba kung di ang aking krassss.Yiiiiiii enebeeeeeee.
"Lance" tawag ko dito sabay punta sa harap nya kaya napatigil sya.
"Hmm?" tanong nito sakin. Sheeeytt kinikilig na ko kahit yun lang sinabi nyaaa.
"Ahh..ehh...penge ng pagmamahal mo este Penge payb!"nsabi ko dito.
Kalma ka lang self. Si lance lang yan, yung mapapangasawa mo.
"Sorry. I don't have barya here." habang umiiling.
Bat ko nga ulet naging crush tong conyo na to?
"Sigeee na pleaseeeeee" sabay puppy eyes and pout.
Walang nakakahindi sa kacutetan ko BWHAHAHAH.
"Aishhh. Here" kinuha nya yung wallet nya at naglabas ng 500.
Powta. 5 lang hinihingi ko. Kung hindi ko lang to crush tinanggap ko na to.
"Pero 5 lang hinihingi ko."
"I told you. I don't have barya here." putspa. "Kunin mo na lang then suklian mo na lang ako."
"Ha? Hakdog. Wala akong panukli."
"Did i say money?"
"eh ano?"
"Pagmamahal mo."
"Yun lang pal- w-wait what?!"
Tama ba pagkakarinig ko? Pagmamahal ko? Naglinis naman ako ng tainga ko nung last month.
"Lindsey. Matagal na kitang gust-i mean matagal na kitang mahal"
"H-ha?"
"I'll court you. Whether you like it or not."
Im speechless, Ay! Lindsey pala pangalan ko. Ayan tuloy nakakalimutan ko pangalan ko.
Btw, bye mama! I'm getting married!!