03

5 1 0
                                    

The History Of Royal Family...

Bubuklatin ko na Sana to, pero bigla akong tinawag nila Maui Kaya, Hindi ko na tuloy Ito nabasa, atsaka Sabi nila na bawal daw yun basahin, Kaya mas lalo akong nacurious, ano ba kaseng meron don, sa title pa Lang, lakas na Ng dating, may pa royal family pa.

"Ash, anong Plano mo this weekend?" Tanong sa akin ni Sab, uwian na namin at hinihintay ko na Lang si papa na sunduin ako, kahit sinabi Kong Kaya ko nang umuwi mag-isa, ayaw pa den nila akong payagan.

"Wala pa naman, bakit kayo ba?" Tanong ko sa kanila pabalik.

"Wala din kami eh, ganito na Lang pano Kaya Kung mag mall tayo, magbonding Tayo, para makilala pa natin si Ash diba" masayang Sabi ni Nessa sa Amin. Maganda yon ah, mukhang masaya yon, getting to know each other HAHAHA.

"G ako" Sabi ko sa kanila.

"Kung go kayo, edi go na den ako" Sabi naman ni Maui. "G pala kayo eh, eh Di damay nyo na den ako HAHAHA" tumatawang sagot sa Amin ni Sab.

***

Weekend na ngayon at ready na den ako sa pupuntahan naming apat, masaya ako Kasi pumayag sila mama na gumala ako kasama sila Sab, ngayon na den nila makilala Ang mga kaibigan ko. And speaking of mukhang nandito na sila.

"Hi po sa inyo" magalang na Sabi ni Nessa sa kay mama, Wala si papa ngayon eh masyadong busy sa hospital, kasama nya si kuya.

"Hi po tita" nakangiting bati ni Maui Kaya mama. "Hello po" si Sab naman Ang nagsabi Nyan.

"Hello, kayo pala Ang mga kaibigan ni Ash, masaya akong nakilala ko na din kayo, lagi Kasi kayong kinukwento nitong batang to" nakangiting Sabi sa kanila ni mama.

"Tita, ilang taon na po kayo? Bakit Ang ganda nyo po?" Tanong ni Maui Kay mama, dahil sa tanong na Yun, malakas namang natawa si mama, Kaya pati kami ayun nahawa, nakitawa na den.

"Ma, Alis na po Kame" putol ko sa usapan nila at baka Kung saan pa Ito mapunta HAHAHA.

***

"Kyahhh, ano kayang bibilhin ko dito, Ang gaganda" tuwang-tuwa Sabi ni Maui sa Amin, sa aming apat Kasi pansin ko na sya Ang pinakafashionista sa Amin, kahit na isang linggo pa Lang Kaming magkakaibigan, napansin ko na yon.

"Kung bilhin mo na Lang Kaya buong mall, ano? Lahat na Lang Ng Makita mo eh gusto mo, jusq" pamababara sa kanya ni Sab.

"Tse, inggit ka Lang bleeh" Hala, naging Bata si Gaga.

"Isip-bata ka ghorl?" Laptrip na tong dalawang to ah HAHAHA.

"Hay nako, tumigil na nga kayong dalawa dyan, hambalusin ko kayo eh" parang nanay na Sabi ni Nessa sa kanila.

"Opo, nay" sabay na Sabi nung dalawa, Kaya natawa na Lang kami ni Nessa sa kanila.

"Ikaw, Ash anong gusto mo dito, pili ka Lang ah" sabi ni Nessa sa akin, sa way na pagkasabi nya sa akin, parang sya Yung may-ari Ng mall, at Ewan ko na HAHAHA.

"Ano mas trip nyo, sama-sama Tayo or maghiwa-hiwalay Tayo para mas makapaglibot tayo?" Tanong ni Sab sa Amin, maganda Yung idea nya na maghiwa-hiwalay Kame, at dahil Hindi lang ako Yung nagandahan sa idea nya, pumayag na Kaming lahat at kapag uuwi na kami, magkikita-kita kami sa isang fast-food chain.

Kung saan-saan ako nakapunta, pero syempre Hindi pwedeng Hindi ako nakapunta sa book store, eto Kaya Yung pinunta ko dito.

Andami talagang libro, Hindi ako makapili Ng bibilhin ko. Wahhhhh Ang saya-saya ko, Ang damiiiiii.

"Babe, anong gusto mong libro dyan?"

"Eto oh" Sabi ko sabay turo dun sa libro na gusto ko. Kaya Lang bigla Kong naalala Wala nga pala akong boyfriend, Hala anong kagagahan itong pinaggaga-gawa ko jusmeyo porpabor naman oh.

"Excuse me?" Nakataaas na kilay na tanong sa akin nung lalaki, ngayon ko Lang narealize na kasama nya pala Yung girlfriend nya, nako po ano ba naman tong kahihiyan na Ito oh.

"Po?" Patay-malisya Kong tanong dun sa lalaki.

"Ahhh nevermind" Sabi nya sa akin, sabay talikod at umalis na kasama Yung girlfriend nya, nako bat naman kase Ang tanga ni selp nakakahiya. Para makalimutan ko Yung kahihiyan ko na yon, bumili na Lang ako Ng libro, para mawala stress ko at nag work naman.

Palabas na ako Ng bookstore Ng may mabangga ako, shet Ayan ka na naman sa katangahan mo selp.

"Hala, sorry po, sorry po talaga" hingi ko na tawad dun sa nabunggo ko.

"Nah, its fine, I'm sorry din, Hindi kita napansin" hingi din nya Ng tawad sa akin, ay wait familiar Ang kantang pakening voice ah. Tinignan ko sya Ng mabuti at nang marealize ko Kung Sino sya.

"Ikaw?" Sabay na tanong namin sa isa't-isa. Sya kase Yung lalaki kanina sa bookstore, jusko bumalik na naman Ang kahihiyan na nararamdaman ko...






Raindrops [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon