CHAPTER 2

7 0 0
                                    


Come to my office tomorrow at 11am
Good job for what have you done to them
keep safe :)                                                                                                                           

Just call me if you have a problem.

09*********

-Sir Erquevas

btw you're cute

The fuck?

Bakit nya ako pinapapunta sa office nya? Hala, baka parusahan nya ako kase gumawa ako ng eksena sa kumpanya nya. Yung mga empleyado nya kase eh. Di ko naman hahayaan na bastusin nila yung pangalan ng resto ni Lola, mas lalong walang bibili sa'min nan. Saka...

btw you're cute

What is the meaning of this? Wait, is he hitting on me? Napakaassuming ko naman. 

Hindi... hindi pwede, bawal.

Anong gagawin ko pupunta ba ako? Baka mas lalo lang lumala yung gulo. Pero wala naman siyang sinasabi kung para saan 'to. Ugh, I don't know what to do. Tyaka pagpumunta ako doon baka bullyhin na naman ako, ang tatanda na mayroon paring ganoong attitude.

Wait, ba't ba ako natatakot? Eh nasa tama naman ako di ba? Wala dapat ako ikinakatakot, kasi wala naman akong ginawang masama. Hindi ba?

Dumiretso nalang ako sa cr para makaligo na. Hanggang dito ay iniisip ko parin yon. Akala ko, mawawala na muna sa isip ko pero nandito parin. Patuloy ang pag agos ng tubig galing sa shower sa aking mukha. Bakit kaya ganoon ang naging pakiramdam ko kanina? Kakaiba na hindi ko maexplain. Iba yung tinginan namin sa isa't isa, parang nag uusap yung mga mata namin. Ilang oras ang nakalipas tapos na ako maligo, bumaba na ako at tinulungan ko na si Lola magsarado ng restaurant kadalasan kasi ito ay umaabot ng hanggang alas onse ng gabi dahil masyado pang kulang ang benta. 

"Bestin, mauna kana sa loob, naghanda na'ko ng hapunan natin." aya sa akin ni Lola habang nilolock na ang resto nya.

"Lola, may sasabihin muna po ako sainyo." Saad ko.

"Oh ano yon?"

"Am I allowed to love another man again?"

Sa tanong kong iyon, alam na nila Lola kung ano ang pinaparating ko dahil pinakita nya agad ito sakanyang mukha.

"Bakit? Tumibok na naman ba ang puso ?"

"Hindi ko po alam, La. Natatakot lang po ako uli magmahal. Natatakot po akong masaktan uli... Di ko po alam kung kakayanin ko po pa ba o hindi na. Gusto ko pong pigilan Lola, gustong gusto ko." malalim na sabi ko.

"Hija kapag ang puso nagmahal, di na yan titigil di na yan papaawat, kahit pigilan mo pa. Hayaan mong puso mo ang magdesisyon. Dahil kapag ang isip ang iyong ginamit pagdating sa pag-ibig, hindi ka na makakaramdam ng saya." at hinawakan ang parehong kamay ko.

"Parte yon ng pag ibig. Ang masaktan." saka ngumiti si Lola.

Sa sinabi nya, ay mas napagaan ang loob ko.

"Masaktan na kung masasaktan. Iyong mga nadanas mo noon, tignan mo ikaw ngayon, mas naging mas malakas ka. Pero kailan ka ba uli magkakaroon ng tapang? Yung matapang na haharapin yung sakit, pagod at panghihina na alam mo dadating sayo?"

Kailan nga ba uli? Kung patuloy akong natatakot dahil sa mga naranasan ko.

"Kung iniisip mo na pagginawa mo iyon ay naging makasarili kana,  tandaan mo na ang gusto ni Ion ay 'yong makakapagpasaya sa iyo."

Cherish your Heart (WITCH SERIES #1)Where stories live. Discover now