Chapter 8

2.4K 77 7
                                    

"JILLIANNE," banggit ni Roger sa kanyang pangalan pagkaupo nito sa tapat niya. Pagkarating niya galing Bicol ay agad na tinawagan ang boyfriend para makipagkita sa isang restaurant. "Bakit dito ka nakipagkita? You want to eat in this cheap place?"

Umismid si Jillianne. Bakit kaya hindi mo ibigay sa mga anak mo iyang ginagastos mo sa pagkain sa mga mamahaling restaurant? Gusto niyang sabihin iyon sa lalaki pero pinigilan ang sarili.

Kumunot ang noo ni Roger. "Is there something wrong, Jill? May nangyari ba sa'yo?"

Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Inilabas ni Jillianne sa dalang bag ang ringbox na ibinigay ni Roger noong mag-propose ito sa kanya. Ipinatong niya iyon sa mesa, inusod patungo sa tapat ng lalaki. "Gusto ko lang ibalik ito sa'yo." Ginawa niya ang lahat para maging matatag ang boses. Tapos na siyang umiyak.

"Ibalik?" Nasa mukha ni Roger ang kaguluhan. "Jill, sinabi ko naman sa'yo na puwede mong itago 'yan hanggang sa pumayag ka nang magpakasal sa akin."

How could he easily mention the word 'marriage'? Hindi alam ni Jillianne na may mga tao pala talang sobra-sobra ang kapal ng mukha. Puno ng kalamigang tiningnan niya ang lalaki. "I will not marry you, Roger."

Bumahid na ang pagkagulat sa mukha ni Roger. "W-what?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Bakit... bakit ang bilis mo namang sumagot ng ganyan, Jill? Pinag-isipan mo bang mabuti? Bakit hindi? May kulang pa ba sa akin?"

Kinagat ni Jillianne ang pang-ibabang labi para pigilan ang mapaiyak. "Pinag-isipan kong mabuti, Roger. Nakipag-usap ako sa ibang tao, maging sa... sa isa sa mga asawa mo."

Tinakasan ng kulay ang mukha ni Roger, mabilis na iniiwas ang tingin. "A-ano bang... ano bang pinagsasasabi mo, Jillianne? Asawa? Sa-saan galing ang—"

"Gusto mo akong isali sa mga koleksiyon mo, Roger?" galit na tanong niya, inilabas sa bag ang photocopy ng marriage certificates nito sa dalawang babae. "Hindi pa ba sapat ang mga 'to? May mga anak ka pa, Roger. Itatanggi mo rin ba ang mga 'yon?!"

Hindi na naitago ni Roger ang pagkabalisa. Tila wala rin itong mahagilap na salita para ipagtanggol ang sarili.

Ikinuyom ni Jillianne ang mga kamay. Gusto niya itong bigyan ng pagkakataong magpaliwanag pero para saan pa? Baka kasinungalingan na naman ang ibigay nito. Hindi niya gustong magpakatanga. "Let's... let's end this relationship, Roger. A-ayoko na... ayokong patuloy na makisama sa taong pinagsisinungalingan at niloloko lang ako. Tama na."

Tumingin sa kanya si Roger, nagmamakaawa ang mga mata. "Give... give me another chance, Jill. Gagawin ko ang lahat... para... para ma-annul ang kasal ko sa mga... sa mga babaeng 'yan. Aayusin ko ang lahat. Huwag mo lang gawin sa'kin 'to. Huwag mo akong iwan, please."

"Mga babaeng 'yan?" Hindi makapaniwalang ulit ni Jillianne. "Tinatawag mo na lang na ganyan ang mga babaeng pinangakuan mo noon na hindi iiwan? Mga babaeng sinabihan mong mahal na mahal mo?! Hindi ko gustong matulad sa kanila, Roger."

"Hi-hindi mangyayari 'yon, Jill," pangako pa nito. "Mahal na mahal kita. Totoo 'yon. Gagawin ko ang lahat para sa'yo. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito para sa isang babae. Hindi kita gustong mawala."

"Stop... stop lying, Roger." Sobrang higpit na ng pagkakakuyom ng kanyang kamao dahil sa galit. "Kung... kung mahal mo ako. Hindi ka dapat nagtago at nagsinungaling sa akin simula pa lang. Hanggang kailan mo pa planong itago ang mga ito? Habang-buhay? I don't want to be a fool anymore, Roger. This is enough."

"Jillianne..." Umiiyak na ngayon ang lalaki. Hindi alam ni Jillianne kung totoo iyon o napakahusay lang talaga nitong umarte. "Hu-huwag kang makipaghiwalay, please... Gagawin ko ang lahat... kahit ano..."

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 7: Judd SamaniegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon