"Ate? Kelan po ulit kita makikita?"
Tanong ng batang paslit.
Napangiti ang babaeng kausap niya at bahagyang ginulo ang buhok ng bata.
"Kung kelan mo gusto, lagi lang naman akong nandito eh. Hindi kita iiwan. Lagi mo kong kasama."
Napangiti ng maluwag ang batang paslit at marahan niyang niyakap ang babae.
"Hindi moko iiwan kahit kailan? Pangako?"
Dahan dahang tumango ang babae at niyakap ng mahigpit pabalik ang bata.
"Hindi kita iiwan. Pangako yan, Ina."