Kabanata 2

23.7K 682 58
                                        

 Kanina pa naiinis si Rhezi. She looked at her phone and  pouted. She even tapped the table in front of her. She sighed. She was very impatient, especially if the thing was related to food.

Nasa canteen siya ng eskwelahan. Pagkatapos ng huling subject niya kanina, agad siyang nagtungo roon kasama ang mga kaibigan. Malaki ang lugar at maraming bakanteng mesa at upuan. Malinis din itong tingnan dahil sa kulay puti nitong interior. Glass wall din ang dingding kaya kita ng dalaga ang tanawin sa labas mula sa kinaroroonan.

“Ang tagal naman niya. Gutom na gutom na ako.” She looked around the canteen and saw her best friend Mics at the counter, ordering food for them. Nasa bandang unahan ito sa linya ng mga oorder din na estudyante. Iyon nga lang, mukhang matatagalan ito dahil sa dami ng pila ng mga estudyanteng naroon.

“Ayos ka lang, Rhezaliza?”

Sumimangot siya at binalingan ng tingin ang kaibigan na si Carmina. She rolled her eyes on her immediately. Kung hindi lamang niya ito mahal ay aawayin na niya ito. She hated to be called by her first name. Mas gusto niya ang kaniyang palayaw na Rhezi. It sounded classier and more appealing.

“Stop calling me that, Carmi! Eww!” may inis sa boses niyang wika sa kaibigan.

Natawa ito nang mahina at inayos ang hijab na suot. “I’m sorry, Rhezi.”

She sighed again. Gutom na gutom na siya dahil hindi naman siya kumain ng lunch kanina. Bukod pa roon, sinadya niya talagang hindi kumain. May dahilan siya kung bakit niya ginagawa iyon.

Isang magandang dahilan.

Sa naisip, napangiti siya. Namumungay ang mga mata na tila ba nananaginip siya ng gising. Tumitibok-tibok din nang mabilis ang kaniyang batang puso. Kapagkuwan, magaan ang pakiramdam na nakapangalumbaba siya sa mesa habang may ngiti sa labi.

“Kumain ka ba kanina, Rhez? Bakit mukha kang baliw d’yan?” si Tin. Hindi na niya namalayan na pati ito ay nasa mesa na rin nila.

Apat silang magkakaibigan sa kanilang eskwelahan, ang Saint Benilde College na isang private school. Eksklusibo lamang ito sa mga mayayaman at kabilang na nga sila sa nabiyayaan ng swerte kapag pera ang pag-uusapan. Her family owned a chain of hotels. Ang kaniya namang kaibigan na si Carmina ay isang Muslim princess mula sa Malaysia. Her other friend, Mics, was a politician’s daughter, while Tin’s family was old rich from the Visayas.

Matatalino rin ang grupo nila. They excelled in every curriculum in Grade Twelve. They competed in every competition outside their school, regional or even international. They won because they were smart. At siya ang pinakamatalino sa lahat. Iyon nga lang, siya rin ang pinakamabigat.

“Huy! Ano? Daydreaming?” wika muli ni Tin na may kasamang pagtapik sa kaniyang balikat.

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Tumaas din ang kilay niya. Natawa si Carmina kaya maging ito ay binalingan niya ng tingin at tinaasan din ng kilay. Surely, Tin and Carmina were both beautiful. May kaniya-kaniyang ganda ang mga ito at style, even Mics.

“Why are you here, Tin? Akala ko ba may date kayo ng jowa mo?” mapang-asar na tanong niya. A rebut. Nang natigilan ito ay natawa siya nang mahina. “Break na kayo? Poor boy!”

Ito naman ang tumingin sa kaniya nang masama. “He cheated on me. What should I do? Hindi ako martyr, noh!” inis na sagot nito.

Nagkibit-balikat siya. Tiningnan niyang muli ang kinaroroonan ni Mics at nakitang palapit na ito sa kanila. She smiled when she saw the large-sized pizza that she was holding and a coke in can. Tiyak niyang masisira na naman ang plano niyang mag-diet. Wala munang diet-diet dahil gutom na talaga siya!

BS#3: OWNING HER INNOCENCE (SELF-PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon