simpleng mga salita
ako'y napapahanga
simpleng mga galaw
aking mga mata'y napukaw
ako'y napapangiti
sa tuwing ika'y maiisip
ako'y kinikilig
sa tuwing maririnig iyong tinig
ngunit paghangang namumuo
pilit tinatago
sapagkat paghangang nadarama
hindi maaaring ipakita
sapat ng sa malayo ay masilayan
mukha ay maaninagan
ngiti'y masilip
halakhak ay marinig.