II

1 0 0
                                    

II

"YOU'RE fired!" Napatungo siya sa harap ng manager ng pinasukan niyang Restaurant-- as a dishwasher-- ng i-announced nito na tanggal na siya malungkot man ay tumango siya at tinanggap ang defeat niya.

"You already broke twenty plates! Kulang pa 'yan sa sweldo mo!" Sigaw sa kanya ng babaeng manager na hindi naman nalalayo sa edad niya.

"Sorry Ma'am! Pangako babalik ako kapag may pambayad na ako sa mga nabasag kong plato." Sinalubong niya ang matatalim nitong tingin bago magbaba ulit ng tingin.

"Bakit babayaran mo? Kaya mo ba? E hamak ka lang na dishwasher!" Sarkastikong anito at nag flip hair pa ang panget naman argh!

"Pasensya na po talaga!" yumuko pa siya ng kaunti para makita nitong sinsero ang paghingi niya ng paumanhin sa mga nabasag niyang plato at baso, tama naman ito dahil simula ngayong araw na nagtrabaho siya rito ay nakabasag na siya ng maraming baso at plato. Anong magagawa niya e madulas iyon at madaling nadulas sa mga kamay niya kaya nahulog at nabasag!

"Hyst! Ano pa nga ba ang magagawa ko? E nabasag na e! Ang gagawin mo nalang ngayon ay umalis sa harapan ko!" She don't have to be told twice kaya dali dali na siyang umalis doon at pumunta sa locker nila para magbihis. Itinakas niya rin ang suot niyang uniporme dagdag collection! harhar.

Nang makalabas siya sa opisina ng ex-boss niya-- na mataray pero 'di naman kagandahan-- ay pinalibutan siya ng mga naging ka-trabaho niya sa nagdaang tatlong oras.

"Hey. Na fired ka?" Tanong ng lalaking kasamahan niya sa kusina, tumango siya.

"Hala! Why daw?" tanong ni leila na siya lang din ang natanadang pangalan.

"Anong why, why? Syempre andami niya kayang nabasag na plato at baso" Sabad naman ng kontrabidang babae na 'to na hindi niya matandaan kung sino!

"Nag sorry na 'ko okay? Kaya 'wag ka ng magsalita diyan!" Aniya na parang iyon lang ang kailangan para umayos ang lahat! Sarkastikong tumawa ang babaeng walang pangalan.

"Huh? Yabang ah! Para namang may magagawa 'yang 'sorry' mo sa mga nabasag na plato." Hindi na niya ito pinansin inggit lang naman kasi amp! 'Di kasi gumaya para parehas silang may nabasag na plato! Kagigil!

"Manahimik ka nga diyan, Ruby. Wala na ngang trabaho si Elle pagsasabihan mo pa" Depensa sa kanya ni Leila. Napangiti siya at tinanguan ito.

"Una na 'ko may part time job pa akong papasukan baka malate ako!" Aniya habang inaayos ang mga gamit sa loob ng bagpack niya!

"Sige. Ingat ka!" Niyakap pa siya ni Leila na parang dinadamayan siya sa pagkatanggal niya sa trabaho.

"I will" nginitian niya ito sa huling pagkakataon at nagmamadaling lumabas ng gusali.

Humahangos siyang huminto sa gilid ng kalsada at papara na sana siya ng jeep para ng may humintong itim na Hayubusa sa harap niya. Napasimangot siya ng mapagtanto kung sino iyon.

"Bakit ka nandito?" Inis niyang tanong kay Lily habang habol habol pa rin ang hininga.

"Strolling ta's nakita kita kaya lumapit ako dito" She exasperated said. As usual!

"Stroll ka na ulit magpapalit lang ako at magta-trabaho na ulit!" She shrugged and walk. Sinundan naman siya ng kaibigan.

"Hotel clerk?" Tumango siya "Hatid na kita" Hindi na siya nag matigas at umangkas nalang sa kaibigan napagod din siya kahuhugas at lalo na ang frustration sa t'wing nakababasag siya.

"Dumaan ka ba sa apartment ko?" tanong niya ng makasakay.

"Hindi pa bakit?"

"Wala lang! Siguro bibilhan ko nalang ng malaking kulungan si Ash para 'di na 'ko nag aalala ng ganito."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love At First LieWhere stories live. Discover now