CHAPTER THREE

11 1 0
                                    

DISCLAIMER: This is work of fiction. All Names, characters, places, events and incidents are purely made by the imagination of the author. Any resemblances to the actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

CHAPTER THREE:

Kararating ko lang sa Twinn Jolly Dormitory. Isa lang ang masasabi ko, napaka lawak nito. Sa lobby pa lang ng dorm kakasya ang higit sa 50 katao.

"Good Afternoon po!" Bati ko sa receptionist ng dorm. "Transferee po!" Malumanay kong sabi. Pa sweet para mag mukhang bata sa boses.

"May i know your name." Sabi ng receptionist sa akin.

"Kwinne Odette Olivares Miller." Sagot ko.

"Please log your name here." Binigay nito ang isang log book. Nag sulat naman ako don saka ko binalik ang log book. "For a while lang po. I will check the system." Tumango naman ako sa kanya. "You may sit, i will call you." Tinuro nito ang couch na nasa gilid ng lobby.

In all fairness, hindi man ganong kasikat ang school na ito pero mukhang yayamanin.

May pa chandelier pa ang lobby. At ang receptionist ay naka uniform pa. Ang wall ng building ay light pink and light blue. At ang floor nito ay granite. At ang lobby ay puno ng cctv cameras. Meron din itong censored door, elevator at hagdan.

Well dito ko uumpisahan ang pag imbestiga, kailangan ko ma access ang cctv camera nila.

"Ms. Miller!" Narinig kong tawag sa akin ng receptionist.

Lumapit ako dito.

"Na confirm ko na po ang inyong name. Your dorm room ay sa 5th floor room 501." Sabi niya sa akin.

Nakita kong may kinuha ito sa drawer.

"And here is your room key." Inabot nito sa akin ang isang card. Wow! Pang hotel style hindi na kailangan ng mabigat na key.

"Thank you.... Ms. Coleen Aguilar." Sabi ko habang binabasa ko yung pangalan nito na naka print sa damit. Ngumiti pa ako to look friendly.

"Your welcome." Ganti nitong sabi. Mula sa counter ng reception ay lumabas ito at tinulungan ako na mag hila ng aking maleta.

Sa itsura ko ngayon mukhang dito na ako titira dahil mukhang dala ko na buong bahay namin.

May tatlo akong malalaking maleta may bag pack pa ako na dalawa at may nakasukbit pa sa balikat ko na sling bag. Na napaka liit.

"Manang!" Tawag ni Ms. Coleen doon sa isang matanda. Baka staff din dito. "Isang stroller po." Nakita ko naman na umalis na yung matanda at pumasok sa isang room.

"Ms. Coleen!" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman ito sa akin. "Bakit parang walang tao dito sa dorm?" Tanong ko sa receptionist.

"May pasok ang mga student ngayon." Sagot niya sa akin.

Tiningnan ko ang relo ko at nakitang lunch break na dapat dahil 12:10 na.

"By this time di ba dapat lunch break na?" Tumango naman ito sa akin. "Bakit walang pumupunta dito?"

"Mas pinipili ng mga student na sa cafeteria mag lunch kesa pumunta dito sa dorm nila." Tumango naman ako.

"I see. Pero pwede naman na pumunta dito during lunch break." Tanong kong muli.

"Oo naman, dati ang mga student especially yung mga bago lang dito ay umuuwi sa dorm para mag lunch, pero eventually hindi na sila umuuwi dito."

"Matagal ka na ba dito sa Twinn Jolly Dormitory?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission: Catching GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon