"Señorita's Island"

13 0 0
                                    

Sa isang malaki at kilalang Unibersidad sa Davao, sa loob nang isang hindi kalakihang silid nagka- katipon ang mga magkaibigan.
May mga iba't-ibang ginagawa at sariling mga mundo.

May nakaharap sa computer, nakaharap sa mga maraming papel, naglalaro sa cellphone nito, may kausap sa telepono, nakaharap sa isang aklat, naglalagay ng kolorete sa mukha at iba pa na pwedeng pagka- abalahan ng mga ito.

Habang abala sila sa iba't-ibang ginagawa, maya- maya'y pumasok ang tatlong babae.
Ang tatlo ay parehong nakasuot ng uniporme ng kanilang skwelahan, katulad rin ng suot ng mga naroong kababaihan.
Ang isa na nasa likuran ng dalawa ay may dala- dalang maraming aklat, may salamin ito sa mata at nakatirintas ang buhok.

Ang isa naman kung titignan ito ay, nagmumukha itong batang- bata pa na negosyante. Dumiretso ito sa isang mesang nasa sulok ng silid na nakaharap sa pinto.

Ang ikatlo ay katulad rin ng ikalawang babae ngunit ang mas mapapansin rito ay ang nakataas na kilay habang inililibot ang paningin sa loob ng silid.
Parehong seryoso ang tatlo na mas naiiba sa mga babaing naroroon din sa loob ng silid.

"Good morning everyone"
seryoso at walang kangiti- ngiting bati ng babaing hanggang ngayon nakataas pa rin ang kilay.

Ang mga ito nama'y parang nakarinig ng isang tinig ng kulog, natataranta nilang iniwan ang bawat ginagawa.
Lumipat ng upo sa mga upuang nakapalibot sa isang mahabang mesa, nang maka- upo ang mga ito saka naman pumunta sa pasimuno ng mesa ang babaing bumati kanina.

"Hi, good morning rin sayo Trelle" nakangiting bati rin ng isa sa mga ito.

"You know Ella, you look even more beautiful in my eyes"
ang nakangiting sabi rin ng isa, na hindi mo malalaman kung tunay nga bang babae.
Dahil sa suot nitong sombrerong nakabaliktad pa, ngunit nakasuot naman ng uniporme ng babae.

"Nambola pa, eh.. ikaw kailan ka ba magiging babae sa paningin ng kalalakihan."
ang sabi ng isa.

"By the way, why did you call a meeting this day, Ella?"
seryosong tanong ng babaing mapagkakamalang batang negosyante.

Tinungo naman nito ang kabilang dulo ng mesa, kaya magkaharap na ang dalawa.

"I want to talk about our upcoming vacation"
seryoso at walang pagbabago sa mukha ng babaing tinawag na Ella.

"Vacation! Ay... bet ko yan girl.."
excited na sabi ng isa.

"Ako rin, game ako palagi sa lahat ng lakaran"
sabi naman ng isa pa.

"What about to our upcoming vacation?"
tanong ng babaing nasa kabilang dulo ng mesa.

"Oo nga?"

"We will graduate next month... and when the class is over we will rarely meet in the next day, months, and years.
"When we are in college, we only once will have time to be together."
ang sabi ni Ella.

"You are right, what is your plan now?"
tanong ng babae nasa kabilang dulo ng mesa.

"For now, we don't have time... because of our final exams. I will texted or call to all of you, for what is my plan this coming vacation."

Ang sabi ni Ella na tinatapos narin ang pagpupulong nilang iyon.

May itatanong pa man ang iba'y, di na nagsalita pa, dahil narin sa may respeto sila sa babaing nagsalita at nag patawag ng meeting na iyon.
Nag kanya- kanya na sila ng tayo sa kina- upuan at kuha ng kanilang mga dala kanina.

"Ahm... guys,"
tawag pansin ng babaing nakasalamin sa mata isa sa huling tatlong babaing dumating kanina.

Hinarap naman siya ng mga kaibigan, may tanong sa mga mukha ng mga ito. Isa sa seryoso at tahimik na kaibigan nila ang nagsalita, sigurado silang importante rin ang sasabihin nito.

"I think... this time, I will not be with you on vacation"
deretsyong sabi nito.

Nakakunot at nagtatakang mukha ng mga kaibigan ang makikita sa mga ito.

"Why?" tanong ng isa, naghihintay naman ng sagot nito ang iba.

"Kailangan ko kase muna makahanap ng trabaho"
ang sabi nito habang inisa- isang pinag- aralan ang magiging reaksyon ng mga kaibigan.

"Reese, marami namang trabahong naghihintay sayo noh"
ang sabi ng isa.

"Ano ka ba... alam mo naman na hindi lubos na masaya ang buong barkada kung kulang diba..."
At isa pa Senior High graduate ka siguradong marami ang maghahabol sayo"
ang sabi ng isa.

"Oo nga" sang- ayon rin ng isa pa.

"Pwede rin kitang e recommend sa Company namin, Reese.."

"Sa Company rin namin"

"Sa Hospital rin namin"

"Sa Restaurant rin namin"

"Sa Pabrika rin namin"

"Sa Hotel rin namin"

Sunod- sunod nang sabi ng mga kaibigan.

"Ahh... kung gusto mo pwede ka rin sa Hacienda namin"

"What..!" sabay na naisangbit ng mga ito nang magsalita ang babaing may sombrero.

"O bakit... marami kayang trabaho sa farm namin, pwede ka mag bungkal ng lupa doon. O kaya anihin mo lahat ng prutas doon, tapos mag tanim----"


"Yucckk..."

Naputol ang sinasabi nito tungkol sa maaring gawin sa bukid ng mga ito ng sabay- sabay parin na nag react ang mga kaibigang mayaman.

"Wag na wag kang sasama doon Reese"

"Oo nga"

"Hindi ka bagay doon"

Natatawang pinakinggan ng tinatawag na Reese ang mga kaibigan habang nagtatalo na ang mga ito.

"Kahit naman may trabahong naghihintay sa akin sa mga pag- aari ninyo. Hindi parin ako bagay doon, Education kaya yong kukunin kong kurso."
natatawang sabi ni Reese sa mga ito.
"At isa pa, graduate lang naman ako ng Senior High, ang ibig kong sabihin na trabaho. Kailangan ko ng summer job o kaya maging permanent na trabaho hanggang sa makatapos ako ng college. Plano ko kasing maging working student nalang, para makatulong naman kay Lola. Hindi na kasi talaga kaya pa ni Lola ang pang college ko."

"Don't worry Reese, there is a job waiting for you here at my school"
ang sabi ng batang negosyante.

"Oo nga Reese, pwede kang maging student assistant"

"And don't worry of your college tuition, you are a smart girl. Hindi ka parin mawawalan ng scholarship hanggang college."

Naniniguradong sabi ng batang negosyante.

"Paano ba yan, hindi ka na makaka- hindi sa pagsama sa bakasyon"
ang nakangiti ng sabi ng isa na kasama sa mga nagtatalo kanina.

Nakangiti namang bumaling rito ang babae.

"Thank you girls" pasasalamat pa nito.

"No more problems"
ang sabi ng seryosong babae.

_____________________________________

Paalala lang po, lahat ng aking kwento ay pawang kathang isip lang. Hindi inihalintulad sa ibang kwento o sa totoong buhay ng mga tao.
Kung may kahalintulad man ang mga ito ay hindi ko sinasadya.

At kung mayroon mang mga maling salita o kaya mga maling English ay pasensya na po.

(Abangan ang mga kwento ng mga Señorita's...)

"SEÑORITA'S  ISLAND"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon