Prologo

14 0 0
                                    

--

"Prinsesa, batid ko ang iyong pangungulila sa iyong ama ngunit hindi mo maaaring talikuran ang iyong tungkulin sa ating kaharian" nalingon ko ng bahagya si Ginoong Lushen.

Malaki ang pinupunto niya ngunit hindi ko masisikmura na sumunod at magpailalim pa sa kapangyarihan ng aking dalawang nakakatandang kapatid, Hindi na.

"Ang mabuti niyong kalooban ay kailangan ng kahariang ito lalo na ng nasasakupan nito, Prinsesa Zelestaire" dugtong pa nito.

Napabuntong Hininga ako. "Ipagpaumanhin niyo," panimula ko. "Ngunit, Huwag kayo magalala sapagkat babalik ako kapag kaya ko ng harapin ang dalawang iyon."  nilapitan ko ang Ginoo sa kaniyang puwesto at yumuko.

Iyon lamang ang aking sinabi dahil narin sa baka may makarinig pa sa aming usapan ng Ginoo. Hindi naman kami normal na Prinsesa at Kaharian, Sapagkat kami ay nahahanay sa mga matataas na antas na lahi ng mga Bampira. Ang iba lamang ay hindi kaharian ang pinatatayo ng ibang matataas na bampira.

Sapat na ang isang  pagkakamaling nagawa ko noon, Hindi ko na hahayaang bilugin pa nila ang aking ulo. Nawala ang mga pinakamahalagang tao sa buhay ko dahil sa pagsunod sa kanila kaya tama lang ang gagawin kong desisyon ngayon.

Lumiwanag ang mukha ng Ginoo. "Hiling ko din na makasama mo ulit sa iyong pagbabalik ang binatang Parker ng Konseho" tono nito ang panunukso.

Nangiwi naman ako. "Hindi ko na iniisip na mangyayari pa iyon, Ginoong Lushen" nagbaba ako ng tingin sa aking bagahe at sinarado yun.

Tinulungan naman ako ng Ginoo na magbitbit gayong kaya ko naman iyon. "Hindi malabong mangyari iyon, Prinsesa"

Siya ay parte na lamang ng aking nakaraan,Hindi na kailangan pang balikan ang nakaraan.

"Hindi ko rin naman gugustuhin pang mangyari iyon."

Mahina siyang tumawa at hindi na ako sinagot sa aking sinabi.

Nasa ikalimang palapag pa lamang kami ng gusali ng maisipan kong tumalon mula sa malapit na balkonahe sa palapag na iyon.

Upang mapadali ang pagalis ko sa lugar na ito.

Nang makatalon ay pinagpag ko ang aking suot at tinanaw mula sa taas ang Ginoo.

Iiling-iling nitong hinagis pababa ang aking bagahe saka kumaway.

"Magiingat ka Prinsesa" aniya mula sa taas.

"Magiingat ako, Kayo rin!" kumaway pa ako rito. "Paalam, Ginoong Lushen!"

Sumakay ako sa aking kabayo at bago pa man makaalis doon ay narinig ko pa ang huling nasambit ni Ginoong Lushen.

"Paalam, Prinsesa Zelestaire, Hihintayin namin ang pagbabalik ng aming pagasa."

--

avelrie!:)

--

A/N:Hola! Nilagay ko na ang Prologo ngunit hindi pa magtutuloy-tuloy ang pagu-update ko dito dahil tatapusin ko muna ang CHFIL. Sana'y inyong suportahan din ito! mwa!😚




Fight For EverythingWhere stories live. Discover now