CHAPTER 18

703 14 5
                                    

[Warning: Read at your own risks]

"Morning." napataklob ako sa unan ko dahil sa biglaan n'yang pagbati sa akin, naramdaman ko naman ang tawa n'ya.

"What are you doing here?" binato ko sakanya ang unan pero nakailag sya, masyado bang mahina pagkakabato ko? Lakasan ko kaya?

"Ano ba! Ang aga aga, Loéwell sinisira mo moment natin." ramdam ko ang irita sa boses n'ya, napakunot ang noo ko

"Ang corny mo naman?" mas lalo n'ya akong sinamaan ng tingin

Aba? Gumaganon?

Binato ko ulit s'ya ng unan sa mas malakas na pwersa, tumama na sakanya! Bewm! Three points for Demmy Loéwell Alcantara! Napalakas ang tawa ko.

"I'm still talking! Don't be rude!" aba? Ang sungit sungit talaga ng lalaking to umagang-umaga?

"Bakit badtrip ka? Problema mo?" nagsisimula na akong mainis dahil sa attitude na pinapakita n'ya sa akin! 'Di ako sanay.

"Sinira mo sweet moment natin!" tumalikod s'ya sa gawi ko at humalukipkip.

Ay, nagtatampo? Ah sigee, akala mo susuyuin kita? Manigas ka!

"Okay! Lalabas na ako." tatayo palang ako sa kama ng hablutin n'ya ang bewang ko at pinaupo n'ya sa kanyang hita, tinignan ako ng matalim.

"What? Wala ka bang balak suyuin ako?" saglit akong namula, ngumisi s'ya dahil sa reaksyon ko kaya natawa ako kasi sa isip isip ko, alam kong hindi ako nanunuyo. Never!

"What?" I smirked, naghahamon.

"Bahala ka magalit d'yan!" tinulak ko s'ya pahiga at iniwan s'ya sa sa kwarto. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Aling Marta doon, nagluluto ng almusal.

"Good morning po Tita Marta!" lumapit ako sa gawi n'ya at kinuha ang kanyang kanang kamay para magmano.

"Ano ka ba! Aling Marta nga ang sabi kong itawag mo sa akin, Demmy. At huwag ka na magmano p'wede? Nakakatanda lalo eh." halos ngumuso s'ya nung sinabi n'ya yun habang hawak hawak ang sandok panghalo ng rekados.

"Sige na nga po, Aling Marta. Pasensya na po, nasanay lang ako." ngumiti ako sakanya at dumiretso sa ref para kumuha ng maiinom.

"Nasaan nga pala si Drake at hindi ko iyon nakita?"

Si Manang, nanggugulat! Halos mabuga ko sakanya ang inumin ko nang tanungin ako non

"Oh bakit? Nag-away ga kayo ng boypren mo?" hindi ako makaimik, ewan ko kung bakit gusto ko itanggi kong boyfriend ko s'ya, siguro dahil alam kong girlfriend n'ya ang kapatid ko at ayaw ko masaktan s'ya? Pero bakit ako sumama kung alam kong makakasakit ako ng iba, di'ba? The logic, ewan ko rin!

"Manang, luto na po ba ang almusal?" hindi pa ako nakaka recover sa iniisip ko ay biglang sumulpot naman ang kabuteng 'to. Inirapan n'ya ako pag kalapit n'ya sa akin, tinalikuran pa ako at naglakad patungo sa niluluto ni Manang kaya inirapan ko rin s'ya kahit 'di s'ya nakatingin. Ang attitude!

"Magkagalit ba kayo?" muli, hindi ako umimik dahil sa tanong ni Manang, ewan ko ba sa moodswing ng lalaking 'to!

"Ew, I don't talk to strangers." medyo napakurap kurap ako sa sinabi n'ya habang kumakain kami sa hapag. Ang tingin ni Manang ay nagpapalit-palit sa aming dalawa. Hinahamon ba ako nito?

"Mas lalong ew! I don't talk to strangers either!" padabog kong kinuha muli ang kutsara at sumubo ng kanin.

"Really huh? I don't talk to someone who always ruins the mood!" inirapan n'ya ako habang nilalagyan n'ya ng ulam ang plato ko.

Pleasing Perfidy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon