Epilogue II

294 60 77
                                    

The next morning, maaga pa ako sa school. Nakalimutan ko kasing maglagay ng note sa locker niya kahapon dahil may sakit ako at magkasama kami. Plano ko sana na maglagay ngayong umaga kaya lang, hindi ko ineexpect na maaga siyang papasok ngayon. Nakatayo ako sa dulo habang pinagmamasdan siya mula sa pinagtataguan ko. Kitang kita ko kung paanong nawala ang excitement sa mukha niya nang wala siyang makitang sulat. Napalitan ito ng tamlay at lungkot.

Fuck. Napamura na lang ako. Bakit ba kasi ako nagkasakit kahapon?

Dali dali akong pumunta sa classroom namin nang makita ko siyang naglalakad na. Pagdating sa classroom at isinubsob ko lg ang ulo ko sa upuan. Ayokong makita na malungkot siya. Para akong sinasakal kapag hindi siya nakangiti. Parang biglang dumidilim ang paligid ko.

Noong lunchtime, nagmamadali ako sa paglabas. Agad na kumunot ang noo ko nang makita ko yung lalaking tumabi kay Athena. Hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking ito. Siya yung lalaking bumunggo kay Athena sa canteen kahapon. Nakita kong sinadya niyang bungguin si Athena. Naiinis ako na hindi ko maintindihan. Para akong nakaramdam ng takot noong time na yon. Pakiramdam ko kasi may gusto din siya kay Athena. Sa sobrang inis ko, nagkunwari akong nagmamadali at dumaan sa gitna nila para paghiwalayin sila. Tch, hindi ko kayang makita na may lumalapit na iba sa kanya.

Nagsorry ako kahit labag man sa loob ko. Nainis sa akin yung lalaki pero wala akong pakealam. Dumiretso ako sa cafeteria at nagtake out ng pagkain ko. Sandali pang nagtama ang mga mata namin ni Athena pero agad din akong umiwas. Hindi ko talaga alam kung bakit ako natotorpe sa kanya. Hindi naman ako pangit, hindi rin ako bobo pero taena, dinadaga talaga ako. Maraming beses kong tinangka na kausapin siya pero sa tuwing gagawin ko, walang lumalabas sa bibig ko.

Lumabas ako sa school at nagpunta sa flower shop na nandoon sa harap nito. Bumili ako ng isang long stem na rose at doon ko itinali ang note ko. Nang masiguro ko na walang tao sa classroom ay mabilis kong inilagay ang rose sa arm rest ng upuan niya. Sana lang talaga mapangiti ko siya. Lumabas ako at umupo malapit sa classroom. Inabangan ko siya. Agad kong tinakpan ng libro ang mukha ko nang makita ko siya. She walks so carefree. Makalipas ang tatlong minuto, pumasok na rin ako sa classroom namin.

I was mesmerized by the sight in front of me. She was hugging the rose. A smile crossed her lips as she closed her eyes. Inaamoy niya ito. I'm glad she's happy. Hindi talaga siya nakakasawang tingnan. Tumaas ang sulok ng mga labi ko nang makita ko siyang nagmulat ng mata. Agad siyang napaayos ng upo nang makita niya ako. Aww, she's so cute. Ang sarap pisilin ng mukha niya at halikan.

Lumipas ang mga araw, napansin ko na nagiging close sila nung Kairo. Sobrang naiinis ako kapag nakikita ko silang magkalapit. Ilang beses na ginusto kong lapitan siya at hilahin palayo sa lalaking yon pero hindi ko nagawa. Hanggang tingin lang ako sa kanya. Mula sa malayo, pinagmamasdan ang mukha niyang nakangiti. Baka masaya na talaga siya sa lalaking yon. Minsan nagpapang-abot ang mga tingin namin. Minsan din, nakikita ko siyang naglalakad palapit sa akin pero kusang akong umaalis. Ang totoo gustong gusto ko siyang lapitan pero wala akong lakas ng loob.

Bigla na lang nagbigay ng mini project ang teacher namin. Magkakaroon kami ng role play na gagawin agad bukas. Kaya naman lahat kami ay nag extend sa school. Kasama ko sa grupo si Blaire. Ganoon pa rin siya, kinukulit niya pa rin ako kahit na hindi ko naman siya pinapansin. Busy ako sa pagnanakaw ng tingin kay Athena eh. Pero katulad ng dati, ni hindi man lang niya ako tapunan ng tingin. Kaya nga ayaw kong umamin sa kanya eh.

Hapon na noon. Nagmamadali akong pumunta sa locker room para ilagay ang sulat sa locker ni Athena. Nakatayo na ako sa harapan ng locker niya nang maulinigan kong may mga yabag na papalapit. Sa sobrang pagmamadali ko, hindi nagshoot ang papel sa locker. Nahulog ito sa sahig, gusto ko sanang pulutin pero kinakabahan ako kaya nagtago na lang ako.

My Clandestine Love (SHORT STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon