Sakripisyo

70 2 0
                                    

        Hi!! Thank you sa pagbabasa ng story ko, alam kong kunti lang toh tyaka hindi pa ako masyadong marunong magsulat ng stories na ganito o sa mga nasulat ko dito pero thank you sa pagbabasa niyo kahit pangit ang story na ginagawa ko.na appriciate ko ang pagbabasa niyo sa stories na ginawa ko.

Labyu all!!💕💕

**********

    Nagtataka ako kay tito Dany kung bakit kami pumupunta dito sa may puno nato, Malaking puno siya ng mangga at may mga katabing bulaklak na nabubuhay sa paligid nito.

"Sheena, bilisan mo gusto kong makita ang puno ng mangga" pagmamadali saakin ni tito Dany, ilang beses niya itong binibisita dito.kahit naka-wheelchair, hindi ako makatanggi sa pangungulit niya na pumunta kami dito dahil siya nalang naman ang kasama ko palafi.namatay si Dad sa car accident, si Mom naman ay hindi ko pa nakikita mula ng sanggol ako kahit larawan niya ay walang maibigay saakin si Dad o tito Dany.

"Sheena ano na?" Pangungulit ni tito Dany, kaya tinulak ko na ang wheelchair niya at pinagmamasdan ang paligid.bakit kasi nasa bundok ang puno nato, pero ang ganda dito.

          Nang makarating kami sa puno ay inalalayan ko si tito na umupo sa damuhan, at pina-upo ako ni tito sa tabi niya.

"Tito bakit tayo nandito?" Usal ko sa kanya, habang pinagmamasdan ang mga nasa baba ng bundok.maya-maya ay may iniabot saakin si tito na.....

"ALBUM, kanino toh tito" habang nakatitig sa pabalat ng isang Album na lagayan ng mga litrato.

"Buksan mo at ng malaman mo" habang nakatitig sa langit at ang kamay niya ay nakalagay sa magkabilaang gilid niya, ako naman ay dahil sa kuryosisad ay agad ko itong binuksan.tumambad saakin ang larawan ni Dad na may kasamang babae na maganda, ipinakita ko kay tito ang larawan at tinuro ang babae sa gilid ni Dad.

"Tito sino tong babae na ito, ang ganda niya sobra" ngumiti ito saakin at bumaling ulit ang tingin niya sa mga ulap, at nagsimula siyang magsalita....

"Siya ang Mom mo sheena" habang nakatitig parin siya sa mga ulap.ako naman ay hindi makapaniwala at parang tumigil ang mundo ko sa nalaman ko, ito si Mom pero hindi man lang nila sinabi at pinakita saakin.nangigilid ang luha ko at tumayo.

"Bakit hindi niyo sakin sinabi tito?!? Matagal ko nang gustong makita si Mom!! Nasaan siya ngayon?!?" Sabay-sabay kong tanong kay tito at nawalan ako ng respeto sa kanya kaya tumingin siya saakin na para bang may hinanakit siya.

"Patay na siya Sheena, matagal na siyang patay dahil sa isang bagay" mapait na sagot niya saakin, na halos ikaguho ng mundo ko napasalampak ako at nagsimula na akong umiyak ang kaninang mga luha ko na gustong kumawala at patuloy na bumaba sa pisngi ko.pinunasan ni tito ang pisngi ko ng kamay niya at nakita ko sa mata niya ang mga luha na gusto ding kumawala sa mata niya, tumingala ulit siya at pinipigilang lumuha.

"Siguro ay kailangan mo nang malaman ang katotohanan tungkol sayo, saakin at sa Mom mo" saad niya habang nakatingala sa taas.at nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"Pinatay ang Mom mo dahil hindi nila matanggap na ang ako ang pinili ng Mom mo, Dahil sa pamilya natin ako ang anak ng lolo mo sa labas.mayaman ang angkan ng Mom mo, kaya gusto ng stepgrandma mo na ang Dad mo ang mapangasawa at hindi ako.pero hindi pumayag ang Mom mo at pinanindigan na mahal ako ng Mom mo pero hindi natuwa ang stepgrandma mo kaya pinapatay nila ang Mom mo at hindi nila alam na may isang sanggol sa sinapupunan niya bunga ng pagmamahalan namin.at nalaman ko na buhay ang sanggol at kinuha ka ng Dad mo, pero hindi ka niya pinagkait saakin.at ang Dad mo naman ay pinatay ng sarili niyang Ina dahil ayaw nilang malaman kung sino ang tunay mong magulang, pero bago mawalan ng hininga ang Dad mo sa Ospital ay nagbilin ito saakin na huwag akong papayag na i-arrange marriage ka sa isang lalaki na nakilala mo na si Charles.inalam lahat ng Dad mo ang pagkatao ng ia-arange marriage sayo, ang tanong mahal mo ba si Charles?"

TAGALOG STORIES (ONESHOTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon