Chapter 1

21 0 0
                                    

MAXXINE POV

"Table 17." Sigaw ng katrabaho kong si Axel. Nandito ako sa pinapasokan kong restaurant. Isa akong waiter. I need money for this school year. Enrolled ako sa elite school. But wag kayong magassume na mayaman ako. Nakapasa ako scolarship na binigay at isa sa mga top. Kaya ang binabayaran ko lang ay yung mga project at baon. Next week na kasi ang pasukan.

"Here's your order maam." Nakangiting senerve ang order ng isa naming costumer.

"Thank you. Here's your tip." Nakangiting sabi niya rin.

"Thank you maam." Mas malapad na ngiti ang ganti ko. Tumatanggap ng tip ang mga waiter dito kung may magbigay.

"Oh! Magkano yung binigay na tip sayo?" Tanong ni Ate Joselyn.

"1 thousand." Malaking ngiting sabi ko.

"Bakit ang lalaki ng tip mo sakin nga bente lang." Natawa naman ako.

"Swerte lang yun ate." Biro ko.

"Sige na magtrabaho na tayo. Malapit ng magclose." Tumango naman ako.

Hi!! Ako na si Maxxine Lazaderas. Well not my real name.  Im 19. years old and studying at Cliffinstone Academy. Now leaving with no wealth but free.

"Hayy!! Sa wakas natapos rin tayo." Malakas na sabi ni Ate Joselyn. Natapos na rin kasi namin ang paglilinis at pagaayos ng restaurant.

"Joselyn bakit ba ang ingay mo!?!?" Sigaw na tanong ni kuya Maki.

"Ano bang paki mo!" Sigaw rin ni Ate Joselyn.

Napailing na lang ako. Parang aso't pusa sila kung makapagaway.

"Musta  ate Maxxine malaki ba ang tip na nakuha mo?" Tanong ni Axel.

"Malaki-laki rin." Sagot ko naman.

"Hay nako!! Bakit kasi hindi pa ako magwaiter mas malaki kaya ang kita ko." Inis na sabi niya. Cashier kasi si Axel sa resto.

"Nako wag kang magalala malaki naman ang sahod mo." Sabay tapik sa balikat. Nagtinginan kami at sabay na natawa. Close kasi kami isang taon lang ang agwat ko sa kanya para ko na siyang nakakabatang kapatid na lalaki.

"Ate Maxxine ha sabi ni nanay punta ka raw sa birthday ko malapit na yun." Aya niya sakin.

"Ano ka ba!! Magkapitbahay lang kaya tayo. Syempre hindi ako mawawala. Maraming pagkain don at masarap magluto si Nanay Elen." Sabi ko sa kanya. Bahagya naman siyang natawa.

"Ayy oo nga pala!! Basta ha regalo ko wag mong kalimutan o hindi kita papapasukin." Banta niya sakin.

"Oo hindi ko kakalimutan." Sure kong sabi.

"Ate kailan kaya ako makakapasok sa Cliffinstone Academy?" Tanong niya sakin. Hindi ako agad naka sagot.

"Ayy nako ang taas ng pangarap ko noh!? Pero balang araw makakapasok din ako diyan." Nakangiti pero malungkot na sabi niya.Hinampas ko siya sa balikat

"Araayy!!" Sigaw niya sabay hawak sa braso niya na hinamapas ko.

"Hoyy kayong dalawa dyan!! Hindi ba kayo lalabas at ilalock ko na tong resto!?" Nakataas kila na sabi ni kuya Maki.

"Ang sungit talaga." Sabay naming sabi. Kaya natawa kami.

"Nako Maki ha!! Ang taray mo na naman. Meron ka ba ngayon. Bakla!!" Pangiinis ni ate Joselyn.

"Hindi ako bakla! Tomboy!" Sigawan nila nagsimula na naman silang magaway. Hindi na ako magugulat kong isang araw sabihin nila na sila na. May spark ehh.

The Run Away HeiressWhere stories live. Discover now